nuffnang

Monday, May 9, 2011

Blog-ibig page17



OUCH!


August 16 ng hapon, tapos na ang klase pero hindi pa kami umuuwi dahil umuulan sa labas, syempre alangan na sa loob. Habang ako’y abala sa aking pagsusulat, tumabi si Kamil sa akin tabi, hindi sa akin harapan at lalong hindi kumandong sa akin.
“Akoni, may sasabihin ako sa’yo.” Tanong niya sa akin.

Syempre, tuwang tuwa na naman ako at taas bumbunan ako dahil pinagtitinginan kami ng buong klase. Nag-leak kasi ang sekreto namin, kaya nagkaroon ng tsismis na nanliligaw daw ako kay kamil, hindi alam ng mga paparazzi na hindi ako nagliligaw dahil kami na ni Kamil.

”Girlfriend ko si Kamil mga kupals” parang gusto kong isigaw yan sa mga boys in their face, isa-isa.

“Huwag kang magagalit ah, promise me.” Sabi ni Kamil na nagpakaba sa akin malinis na puso.

Dahil Pilipino ako at masunorin, nangako ako with matching smile pa sa kanya na hindi ako magagalit.

“Sinagot ko si Musingan”. Biglang sabi ni Kamil na ikinapunit ng puso ko bigla.

Ramdam na ramdam ko ang unang (tuloyan) pagkapunit ng puso ko, ang sakit, ang sakit ng unang sugat gawa ng unang pag-ibig. Gusto kong umiyak, gusto kong makita ni Kamil na nasaktan ako sa ginawa/sinabi niya, pero walang luhang lumalabas sa kyut at bilog kong mga mata. Nakatitig lang ako sa papel at naiisip ang pangako ko sa kanya, na hindi ako magagalit sa kung ano man sasabihin niya. Nagdadalawang isip ako kung sisirain ko ba ang pangako sa babaeng mahal ko at sa babaeng unang binigyan ko ng karapatan na saktan ako o ipapakita kong lahat ng pangako ay hindi dapat tuparin?

Ang sakit ng nararamdaman ko, pero dahil pilipino ako at marunong tumupad sa pangako lalo na sa babaeng iniirog ko, hindi ko na pinahalata sa kanya na parang pinupunit ako sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam pero biglang parang bumalik sa akin isip ang lahat ng alaala namin dalawa, mula noon una ko siyang makita, noong makita ko siya ulit, noong magtapat ako sa kanya at noong sagotin niya ako.

Tumayo nalang ako at lumipat sa kabilang upoan, pero sumunod siya sa akin.

“Galit ka ba?” tanong niya sa akin na halatang nag-aalala.

Gusto kong sigawan, gusto kong ipakita sa kanya na galit ko, pero mahal ko siya at yon ang nagpapakalma sa akin na parang nanghihina ako kapag nararamdaman ko ang pagmamahal ko sa kanya.

“Magpapaliwanag muna ako, please, napilitan lang akong sagotin si Musingan, dahil magpapakamatay siya sa harapan ko.” Sabi ni Kamil at natigil muna ako sa aking MMK moment.

“Kahapon ng hapon, pumunta si Musingan sa bahay. Nagkataon na ako lang tao sa bahay, lasing siya, tapos may hawak siyang kutsilyo, natakot ako. Sabi niya kung hindi ko daw siya sasagotin, magpapakamatay siya”. Mahabang paliwanag ni Kamil at biglang nakaramdam naman ako ng awa sa kanya, naiitindihan ko siya kahit papaano, wala siyang choice.

“Ayaw ko maging unfair sayo, gusto kong masiguro ang lahat, cool off muna tayo akoni”. Sabi ni Kamil na nagpabalik na naman sa akin MMK moments.

Sakit na naman ang nararamdaman ko, pero ngayon may halong galit na at mga tanong sa isipan ko.

“Ha? Gusto niyang masiguro kung mahal talaga niya ako? Ibig sabihin, hindi siya sigurado sa nararamdaman niya noong sagotin niya ako? Oh nabago lang dahil sa pagdating ni Epal Musingan sa kanyang buhay?”  Mga nagrarambolang katanongan sa isip ko.

 “Oo, kung yan ang gusto mo” mahinahon kong sabi sa kanya, nakita kong nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. 

Tumayo na ako at umalis na.

Naglalakad ako palabas ng Campus, umuulan pa at mahangin, pero hindi ko na napapansin at nararamdaman habang naglalakad, hindi ko alam pero sa pagkakataon ‘yon, wala akong naririnig at nararamdaman, kundi sakit at galit.

Tulala ako sa aming bahay, hawak ang papel at ballpen, wala akong maisip na isulat. “Sinagot ko na si Musingan” ang tanging nasa aking diwa.

OUCH!


itsutsuLHULOY




16 comments:

  1. ang epal ni Al noh?...
    buti nlng ako kupal lng, hindi ako epal... ahahaha

    wawa naman... sabihin mo magpapakamatay ka din! lol

    ReplyDelete
  2. hahahahaha..adik, ayaw ko nga...haha...lol

    ReplyDelete
  3. Love hurts.... ouch.... ramdam kita AKONI trust me... naranasan ko na yan.. mula ulo ko hangang pa'a... nanlamig.. ng sabihin sa akin ni She who must not be named na sinagot na niya si He who must not be named... hayst... kainis... pero sa totoong buhay.. kaya ko akoni magpakamatay sa taong mahal ko.. and I did... kaso tuso nga siguro ako.. at di ako inabutan noon ni kamatayan... pero I did that before.. nice choice of character para sa akin... tamang tama sa pagkatao ko.. toinks...

    isa lang ang hindi tumama.. di ako umiinom.. weeeeahahhhehehhe... pero dami ko tawa....

    ReplyDelete
  4. @ kua AL - prang alam ku yng tnutukoy mu kua aL...dun sa episode mu na the craziest thing i did for lab!!! yon yon ayt?! jejejeje...

    @ Akoni - hanip di ako nakahinga hbng binabasa ko toh..grabe dati si arvin tumalon s bldg. tpos si al naman mgppakamatay in front of kamila...grabeeehhhh!!!!!!
    Love pa ba tawag dun?!
    parang competixon na kung sino may pinkamalalang suicide ahhh...jajaja...

    in all fairness naman ih mtatag padin si akoni...hanu kayang gagawin nya...jejeje...habangan....char!

    ReplyDelete
  5. Hahahaha basted! Pero may dahilan naman...
    Emong-emo ka pagdating sa bahay ah...hehehe i-#bocaue na yan! #lels

    ReplyDelete
  6. madalas na ini-aassociate ang pag-ulan sa pait at sakit na nararamdaman ng isang tao. ako sa sobrang pagiging pathetic ko, palagian akong humihiling na sana umulan sa tuwing masama ang pakiramdam ko, i mean sa tuwing nasasaktan ako.. i dunno, somehow the rain helps to ease a bit of the pain that the person\s feeling at the exact moment. :D

    ano kaya ang sunod na mangyayari?

    ReplyDelete
  7. sana umulan din dito ngayon para maiiyak ko din lahat ng nararamdaman ko...

    brutal naman yan...harassment tawag dyan...kawawa ka naman...tsk..ipaglaban mo kasi eh..hirap sayo sumasang-ayon ka lang lagi..baka inaantay ka lang ni kamila na ipaglaban mo sya..

    naeemo tuloy ako pati dito..pambihrang AL yan.

    ReplyDelete
  8. Musingan - sabi na eh, sakto sayo ang role na ito...haha..ganoon din naman karacter mo, isang beses lang uminom noon pilitin si kamila..haha

    titser katie - Ang lakas ng kamandag ni Kamila, nagsisipakamatay mga lalake for her..haha...

    MOKS - pakyu #lels, pati #bocaue nadamay na dito..hahaha

    Yanah - ewan ko ba nagkataon na umuulan that time, august 16 un, wednesday, my dooms day...hehe

    Iya - mamaya pagdating mo sa bahay, sa shower ka, isipin mo ulan un...wait mo lang mangyayari sa storya uyy..hehe

    ReplyDelete
  9. You are the man.Matindi ang pinagdadaanan pero kinikimkim lang lahat ng sakit. Ano ba kasi itong si Kamila talagang nagpapakamatay ang mga manliligaw.Pero Ikaw ang panalo yong iba kailangan pang dumanak ng dugo makuha lang ang oo ni kamila.

    ReplyDelete
  10. Diamond - ibang paraan lang ng pagibig ko kay kamila..hehe..matindi ang aura niya sa mga boys e..ako ang panalo? hmmmm...see at next page..

    Arvin - final 3 page na.hehe


    Akoni

    ReplyDelete
  11. bad trip un ah! magpapakamatay para lang sagutin. tsk

    ReplyDelete
  12. @Akoni: Yung isa tumalon sa roof top yung isa naman magpapakamatay sa harapan ni kamil. Sus naman ang mga karibal mo may mga sapi lahat.

    Huwag ka gumaya sa kanila ah, cool ka lang, magiging iyo din si Kamil. Natatawa ko lagi kasi minsan naiiyak ka na pero talagang may kasama pang description ng mga body parts. nyahahaha!

    @Al: Ang dami kong tawa sa comment mo. hahahaha! Ramdam na ramdam mo ba? Ang masasabi ko lang, huwag mong hayaang mapag-isa ka, pag masakit ang puso mo. Yun lang. Alam mona yun.

    ReplyDelete
  13. hahaha....pag-ibig talaga hahamakin ang lahat..hehe..wala akong pag-iisip ng ganoon, pero will see sa next page, baka..hahaha..last 3 parts na ata pala ito..hehe..sa wakas, matatapos din...pero bad news dahil may BOOK 2...hahaha..Sey akoni!

    ReplyDelete
  14. baka plinano ni al yun,para sagutin sya ni kamil.kasi alam niya na takot si kamil pagganun,

    kawawa ka naman nyan...tsk tsk

    go sa mmmk moment.ahahaha

    ReplyDelete
  15. Naku naman pang MMK naman talaga ang moment na ito. Natawa ako sa character ni Al. Kasi feeling ko kaya nya talaga gawin yun. hehe.. Kasi sa mga kwento nya dati at tama nga ako. hehe..binasa ko kasi comment nya.

    Anyway, paborito kong part na naglakad sa labas ng campus umuulan at humahangin. anu beh? super drama. I like this page. Nailarawan mo ang nararamdaman ng nabigo sa pag-ibig sa unang pagkakataon.

    ReplyDelete