Sa nalalapit na pagtatapos ng blog-ibig…
*Ka-tshinngggggggg!!!!!!*
Ilang araw na akong walang ganang pumasok sa skul. Pero dahil Pilipino ako at masipag mag-aral, pumapasok parin ako, at sayang din kasi ang baon ko.
Isang araw, matamlay parin ako pumasok sa room namin, diretso agad ako sa akin upuan. Nasulyapan ko agad si Kamil dahil magkatabi lang ang upuan namin sa unahan, pero nagtaka ako dahil maaliwalas ang kanyang mukha, blooming siya at parang lalong gumanda, kaya napapasulyap ako sa kanya ng paulit-ulit.
Napansin niya ang mga titig ko na walang halong malaswa, kaya napa-smile siya, hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya, pumikit ako para kyut, pilit na hinahanap ang sakit at galit na naramdaman ko ilang araw na nakakalipas at sa kasalukoyan, pero wala akong mahanap sa loob ko o kahit saan sulok man ng katawan ko na galit o sakit kay kamil. Nilamon ng kanyang ngiti ang nararamdaman kong galit at sakit sa kanya, napa-smile back tuloy ako sa kanya, *ka-chingggg!!!!!!!!!!!* J
Sinulyapan ko siya ulit, nakita kong pinaikot-ikot ang kanyang mata sa akin. Parang may gustong iparating na mensahe, natulero ako, kinabahan pero hindi natae.
“Pasuyo, paabot mo naman kay akoni” Dinig kong sabi niya sa kanyang katabi.
Iniabot naman sa akin ng amin klasmet ang isang notebook, nagtaka ako, naisip ko kung aanhin ko ang notebook na ito, napatingin ulit ako sa kanya, umikot na naman ang kanyang mga mata sabay tingin sa notebook.
“OMG, may gusto talaga siyang iparating na mensahe sa akin” sabi ng utak kong slow
At dahil nakakatakot na ang ikot ng kanyang mga mata, binuklat ko nalang ang notebook, may laman at hindi palaman kundi isang love letter, ayyyeeeee, *ka-chingggg!!!!!!* J napangiti na naman ako.
Tamang tama wala pa ang first period titser namin, dahil delayed, kaya dali-dali akong pumasok sa amin health corner na minsan ay ginagawa namin ihian ang mga halaman sa loob.
Binuksan ko ang sulat,
Dear Akoni,
Una sa lahat gusto kong mag-sorry sa’yo...I am sorry.
Binabawi ko na ang sinabi ko sa’yo, ayaw kong makipag-cool off sa’yo. Napagtanto ko na mahal na nga talaga kita, (pause) (kilig mode)...alam ko, mali ang nagawa ko pero sana maintindihan mo ang dahilan kung bakit nangyari ‘yon.
Huwag kang mag-alala, makikipaghiwalay din ako sa kanya. Hahanap lang ako ng tamang oras, sana ay maitindihan mo ulit din ito. Please, smile ka naman sa akin pagkatapos mo ito mabasa, namimiss ko ang iyong mga ngiti.
mahalkoIKAW!
Kamil
Mahal parin daw niya ako, napatunayan daw niya sa kanyang sarili. Pero magiging dalawa kaming boyfriend niya ni Musingan? Basta kukuha na lang daw siya ng timing at makikipag-break kay lalakeng branded, hehehe, inulit ko lang ang laman ng liham niya.
Lumabas ako sa health corner namin na minsan ginagawa namin ihian, diretso agad ang aking kaluluwa sa mga mata ni Kamil, eye to eye at smile to smile kami, kaya naramdaman ko na naman ang love to love.
Bumalik ako sa akin upuan na may napakatamis na ngiting nakaguhit sa aking mukha, at panay kislap ng mga ‘to, *ka-chinggggg!!!!!!!* *Ka-chinnggg!!!!!!* *Ka-chinggg!!!!!!!* J
itutuloy pa ng kunti...
ka-chingggg! #lels kinikilig ka naman sa love letter ni kamil syo! Ang landi lang ng post mo nato..malamang mas malandi ang finale! ka-chingggg! #lels
ReplyDeletenyahahaha... dami kong tawa dun sa malaswang tingin. LOL!
ReplyDeleteat may ka-chingg ka-chingg pa, wala ba tong bedscene? lol. piz.
#lels ang dalawang malalandi...asa pa kayo... #lels edited ito..hahaha..sige gawa nalang ako ng blog na unedited ang storya..hahaha..ung book 2 nito.. #lels @mok and bolero
ReplyDeletekaching!!!kaching!!! hatchooooo! nabahing ako!
ReplyDeleteSi kamil ba talaga gumawa ng love letter at kinilig ka?! nagtatanong lang...
May kikiligin din kaya pag ako gumawa ng love letter?! yun lang!
natatawa ako sa kaching kaching mo jan! hahahaha
ReplyDeletenaalala ko tuloy ung highschool days ko.. ganyang-ganyan eh.. pasahan ng notebook kung san nakasingit ang mga lovenotes and everytheeeeng hahaha
May kaching kaching ka pa ngayon ah? feeling ko tuloy ang daming pera. expression ko kasi yan pag nagkaka pera ako.hehe kaching kaching...
ReplyDeleteAnyway, bago maging walang kwenta ang comment ko. gusto ko na malaman mo na kinilig ako dito hehe.. Nakaklungkot naman na matatapos na ang blog ibig. pero na enjoy ko to ng sobra. thanks for this akoni. :)
Kilig moments ang part na ito ay may eye contact and smile pa talaga.
ReplyDeletearay ko po.. parang i need to go back dami ko ng namiss.. hehehe...
ReplyDeleteMay Kachiiiing, kachiiiing talaga...hehe! Ayun naman pala eh mahal pa rin pala.
ReplyDeletePero ito yung mga lines na gusto ko:
1.pumikit ako para kyut
2. Napansin niya ang mga titig ko na walang halong malaswa.
hahaha! may mga ganung banat pa eh!
pagnririnig ko ang kaching..pira ang nsa isip ko..jejeje
ReplyDeletehanip patapos nah...hayssst...kala ko forever toh'?! jejeje...
and ang sweet ng lovelettr sayo ni kamila ahh..nakakapangbuhay ng heart beat...