nuffnang

Thursday, May 5, 2011

Digs

Thursday ngayon kung hindi mo alam, at bukas ay "Rebeca's day", you know, it's Friday, Friday...Friday...

Nandito ako ngayon sa part time job ko, dito ako natutulog tuwing Wednesday ng gabi at sa Thursday, syempre sa gabi din ako natutulog. Hindi ko alam pero parang mas comfortable  ako dito kaysa doon sa Villa namin, dito kasi walang maingay, walang madumi, at walang masikip, eh ayaw ko pa naman ng mga ganyan, idol ko kasi si Maricel Soriano.

Ayaw ko rin ng maraming tao, bihira nga lang ako dumalo sa mga pagtitipon, tulad ng wedding ceremony, re-union, lamay, concerts, birthday party, basta kapag marami ang tao, ayaw ko, nakakapunta din ako pero bihira lang.

Minsan nga naiinis sa akin noon ang tatay ko dahil ayaw ko lumabas ng bahay, ayaw ko makipagbarkada, at ayaw ko sumama sa mga pagtitipon, lalo na kapag re-union ng buong angkan namin, pinapagalitan niya ako, kaya daw ako hindi kilala sa angkan namin dahil sa hindi ako nagpapakita sa kanila. Hindi kasi ako komportable, lalo na kapag kaharap ko ang mga kamag-anak kong mayayaman, hahaha.

Naalala ko pa noon, kapag wala akong pasok, bibigyan ako ng tatay ko ng pera tapos sasabihin "Oh ito pera mo, lumabas ka ng bahay", hahaha. Kukunin ko nalang ang pera, pero hindi din ako lalabas, manonood nalang ako ng Cartoons buong araw, kaya binansagan ako ng tatay ko ng taong bahay, hehehe.

Simpleng buhay lang ang mayroon si Akoni!

Teka, bakit ko nga ba ito sinasabi? Siguro dahil namimiss ko ang bahay at lugar namin sa pilipinas, namimiss ko ang nanay ko, at namimiss ko ang tatay ko, basta namimiss ko ang lahat ng nasa pilipinas, kailangan ko nang magbakasyon, digs?


18 comments:

  1. haha, namiss mo nga, siguro kelangan mo nang makihalubilo, time to make a change, hehe, everything change kasi eh, anyway, what's with the word digs? di ko nagets :P

    ReplyDelete
  2. siguro puwedi na akong humarap sa maraming tao..hehe..

    Dig it, para ma-digs mo...hehe

    ReplyDelete
  3. Wow bagong pintura yung blog house mo! Like ko! magaan sa mata.

    we need a quiet time for ourselves pero kailangan din natin makihalubo. Alam mo ba ako dati ayaw ko din pumunta sa mga gatherings. Feeling ko kasi napapagod ang katawan ko pero kapag andun na ako, nagpapasalamat ako at nagpunta ako...hehehehe!

    Congratulations dun sa guest post mo sa Tasty Treasure...galing! saka thanks sa greetings!

    Ano yung Digs?

    ReplyDelete
  4. Salamat, ibig sabihin maganda na to sa lahat dahil nagustohan mo bagong bahay ko..hehe

    Hindi ko pa ulit na-try pumunta sa maraming tao, sa mga gathering dahil nga nandito ako sa abroad..hehe..try ko pag uwi ko.

    si leah talaga, pinahirapan niya ako, lol, naalala ko tuloy term paper ko..haha

    Digs? hehehe...I am digging for an answers..hehe.. digging!

    ReplyDelete
  5. ako dati hari naman ako ng kalsada. may oras nga na di nako pinapasok ng bahay at dun na lang daw ako sa labas tumira. hanggang ngayon lagi pa rin ako sa labas ng bahay. heheh

    ReplyDelete
  6. wow ganda ng kulay ng bahay mo ha! LOL

    digs?! :p

    ako taong kwarto ako..oo..di ako palalabas pagnadikit na ako sa kama ko..dati pa mahilig na talaga akong matulog! hahaha! pero pagnakaladkad ako ng mga berks ko eh wala magdamag na sa galaan!

    ReplyDelete
  7. namimiss mo ang lupang sinilangan hehehehe... natural lang yan.. ;)

    sakto lang ako.. madalas sa labas, madalas din sa loob ng bahay. i can stay two whole weeks at home ng hindi lumalabas. basta may internet.. kung wala naman solb na ko sa libro at radyo.. basta may music.. ok na ko dun
    may masabi lang..

    ReplyDelete
  8. Digs ko kayong lahat..hehe

    Bino::: kabaligtaran pala kita..haha

    Iya :::thank you nagustohan mo new house ko, digs ko..hehe..kahit kasama ko mga barkada ko tinatamad ako minsan, komportable talaga ako sa bahay lang..hehe..

    Yanah - parehas tayo, basta may radio, tv, at pagkain, solve na ako...

    ReplyDelete
  9. Nalala ko yuloy yung isang character ko sa SIMS, I'm sure alam mo yung game na to. Meron syang katangiang "loner" naapektuhan ang mood nya kapag maraming tao at may party sa bahay nila. hehe.. ganun ka pala.

    Ako naman mahilig sa mga gatherings dati. Pero lately parang tinatamad na ako. Pero pag importante ang tao sa akin excited ako. Siguro lahat tayo may ganyang moments. Tama si Sey we all need some quiet time alone. I also like the new look of your blog.

    ReplyDelete
  10. masarap maging home person. ahaha. tsaong bahay. noong bata, palalabas ako, pero naging couch potato ako. Wala naman akong makitang friendships nung lumipat kami noon ng bahay.

    ReplyDelete
  11. we share same sentiments! namimiss ko rin yung nasa bahay lang, tatawagin ka lang para kumain...hehe
    buong araw nood lang ng TV..
    Tara uwi na tayo? :D

    ReplyDelete
  12. uwi ka na kasi dito...
    lols

    mas masarap sa bahay....

    ReplyDelete
  13. ako rin ayoko ng maraming tao at maingay. malamang nga homesick ka na rin.

    ReplyDelete
  14. Yon talaga pag malayo. Pero alam kong miss ka rin nila. :)

    ReplyDelete
  15. at sa pagbakasyon mo tiyak may inuman,hehe..

    ReplyDelete
  16. Hahaha ganyan din ako walang hilig pumunta sa mga handaan, pero kung barkada na may inuman...mabilis pa sa alas-kuatro bihis na ko. Ayoko din kasi yung kinakamusta ka ng mga taong hindi mo naman kaagong ka-close, tapos hahaba na ang kwentuhan hanggang sa tango ka na lang ng tango...hahaha

    Anu nga ba yung "DIGS"

    Dami kong hindi alam, #Bocaue lang alam ko! wahaha

    ReplyDelete
  17. umalis ba ako ng bahay kasi magkalapit ang pintura.

    Gusto ko rin ito kasi malamig ang kulay.

    ako din di ko masyadong type ang mga gatherings pero gusto ko ako ang tumawag ng gatherings.

    Homebody din ako basta may music at food ayos na.ang dami mo kasing effort na gagawin pag nasa ganyan ka, you have to be good at kung ano-ano at you have to answer lahat ng mga interview ng lahat.parang showbiz lang.

    magtatanin na lang ako at magbubungkal ng lupa pag may mga ganyan. kaya siguro di rin ako sociable na tao.Nagpapakita lang tapos mawawala na mas gusto ko ang mga one on one lang.at least kayo lang dalawa ang mag papacute.

    Kaya siguro tayo nandito sa blog para may outlet.
    YOn ang DIGS ko para dito akoni.

    wow malapit na siyang magbakasyon.

    ReplyDelete
  18. Mayen - so jologs lang ako, ano ung SIMS?hehe..di ko alam un eh. Pero ganoon nga ako..hehe..I always need some quiet time alone..hehe..normal ba un?

    Kanto - Homeboy ika nga..mabibilang mo sa daliri ko ang close friends ko..hehe

    tabian - saan tayo pupunta?haha

    Rap - wet este wait mo ko.

    Sean - hmmm..malamang, miss ko na pinas..

    empi - yeah pare, i miss them much.

    Arvin - baka may tula ka dyan para sa ganito..hehe

    Moks - anak ng #bocaue hanggang dito..hahaha..dig mo ng malalim para ma-digs mo, digs?hehe

    Diamond - tenks pre..hehe..sayang kung magkakasabay sana tayo ng uwi, para tawag ka gathering..hehe..tama ka, pagiging homebody siguro ang common natin lahat kaya nandito tayo sa blog...maganda ang na-digs mo.

    ReplyDelete