nuffnang

Wednesday, May 4, 2011

Blog-ibig page16

Who’s that boy?

Ilang araw ay naging maayos na ang lahat sa amin nina Arvin, parang wala lang sa kanya ang lahat, naka-move on na.

Kami naman ng girlfriend ko (naks, tumatamis ang laway ko kapag binabanggit ko ang “girlfriend”), bumuhos ang maraming love letters sa pagitan naming dalawa, palihim kami nag-aabutan ng love letters. Halos araw-araw  ganun kami, dahil nga sa kagustohan ni Kamil na sekretohin ang relasyon namin, hindi kami masyado nag-uusap sa klase, magtitinginan lang at mag-ngingitian, ayos na, full charged na.

Kapag may gustong sabihin ang isa, dadaanin na lang sa sulat. Sa ganun paraan ay nakokompleto na niya ang araw ko, napapasaya ako ng bawat letrang nakasulat sa love letter niya.

Eleksyon na sa school, kumandidato bilang paraluman ng paaralan ang aking girlfriend (naks). Sa pag-uumpisa ng campaign, maraming nakilalang mga supporters ang girlfriend ko (naks), maraming humanga sa kanya at maraming nanliligaw.

Kinabakabahan ako sa aking nakikita kaya kinausap ko si kamil.

Kamil, siguro kailangan na natin sabihin sa lahat ang tungkol sa relasyo natin” sabi ko kay kamil.

“Kailangan mong aminin sa mga lalakeng ‘yan na may cute na cute at poging-pogi kang boyfriend” kasinungalingan ko.

“ha? Huwag muna, hindi pa ito ang tamang panahon. Lalo na ngayon eleksyon, kailangan e-sekreto muna na natin, kailangan ko ng madaming supporters, lalo na sa mga boys, maraming willing na tumulong. Pagnalaman nila na may boyfriend akong cute na cute at poging-pogi, baka mabad-trip sila at maapektohan candidacy ko, gusto mo ba ‘yon?” Pagpapaliwanag ni kamil sa akin.

At dahil sa ang lalake ang dapat masunod sa lahat ng bagay, syempre sunod ako sa kagustohan ni Kamil, bakit ba? Alipin ako ng pag-ibig ni kamil e.

Tapos na ang eleksyon, syempre talo siya, hehehe, mayroon parin hindi tumigil sa mga nanliligaw sa kanya, yan nga ba ang sinasabi ko. Hindi ko alam kung sinabihan ba niya ang lahat na may cute na cute at poging-pogi boyfriend na siya.

May patuloy pa rin na nanliligaw sa kanya, mayaman at cute at pogi lang, ayaw mag-suot ng mga hindi branded o signature na gamit, mula ulo mukhang paa este mula ulo hanggang paa ay lahat branded ang nakasalpak, mayaman e.

Dahil sa ayaw kong pangunahan si Kamil sa kagustohan niyang e-sekreto ang pag-iibigan namin, hinayaan ko nalang ang lalakeng branded, kahit minsan ay pinagsasaksak na ako ni selos, ganoon talaga e, umiibig e.

Hanggang sa naging magkagrupo sila ni lalakeng branded, sagot lahat ni lalakeng branded ang lahat ng expenses sa mga lakad nila. Tuwing nakikita ko silang magkasama kahit kasama pa ang ibang friends nila, selos na selos ako.

Hindi familiar sa akin ang emotion na nararamdaman ko, sa gabi ay hirap ako makatulog, nilalamig ako sa selos na nararamdaman ko. Pero kampante pa rin ako sa mga sinasabi niya sa akin sa lahat ng love letters niya, 'yon lang ang tangin pinanghahawakan ko sa kanya, kailangan kong magtiwala sa kanya.

Lahat ng mga lakad nila ay nalalaman ko sa close friends niya, kay mayen at sey. Alam ko hindi sila boto sa akin para kay kamil, at lahat ng mga kaibigan niya, hindi ko alam kung bakit? kahit cute na cute at poging pogi ako.



Who’s that boy?
-It’s Musingan.


Note: Sorry masyadong mahaba ang kwento ko, pero wag kayo umasa na may kataposan to...LOL...napapasarap lang ang pagkukwento ko.


13 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. dami kong di nabasa chapter 16 na pala. naging busy sa bakasyon sa pinas lol. takte yang lalakeng branded na yan. di naman ba bading yan kaya brand conscious? lol

    ReplyDelete
  3. ayon oh may pij 16 agad!!!
    like it!!! jejeje...lalaking brnded..nice!!!

    nkakatawa ung naks sa bawat
    banggit na "girlfriend ko"jejeje..

    ReplyDelete
  4. haha! who's dat boy ha?! patay kang bata ka!

    ReplyDelete
  5. ngek... seryosong seryoso ako nagbabasa... pagdating sa baba.. nagulat ako.. at naruon ang name ko... ehehhehe... nice one...

    ReplyDelete
  6. hindi naman sa ayaw namin sayo. masyado ka kasing pogi at cute para sa friend namin. hehe..

    Natawa ako na Al ang branded boy. haha..

    ReplyDelete
  7. to be honest sa lahat ang galing-galing ko bakit bastaga ako na ang magaling sa lahat? kasi naramdaman ko si Al malamang ang branded. bigla akong natawa ng ipinakilalang bigla who is that boy.Musingan. Kasi nabangit kasi ni al yan mahilig siya sa branded na gamit.

    naaalala ko pa yan.

    Ang bilis ng mga kwento mukhang ganado si akoni.

    ReplyDelete
  8. ang taray... lalaking branded?! ahahah.... maalala ko, dba sabi mo dati, pinagpalit mo kami ni AL ng character?... ok na ok din pala ako sa branded na yan! ahahaha.. pero tignan natin kung papaano umasta ung character ni al... hehe..

    ReplyDelete
  9. pagnatapos mo ba to gagawa ka ng novela in libro format? hahaha naiinip nako mag-college ang mga yan...dyaran darating na si__________ enginer sa katawan? lol

    ReplyDelete
  10. may baong karakter ulit! hanuba! patayin na yang mga umaaligid sa girlfriend! joke! hehehehe

    ReplyDelete
  11. 1.) At dahil sa ang lalake ang dapat masunod sa lahat ng bagay, syempre sunod ako sa kagustohan ni Kamil

    2.)mula ulo mukhang paa

    3.)ang lalakeng branded

    ANG DAMI KONG TAWA SA TATLONG YAN! nyahahaha! Wag kang worry boto ako sa poging-pogi at cute na cute na Akoni. hehe.

    ReplyDelete