nuffnang

Monday, May 2, 2011

Blog-ibig page14

LIHIM-LIHAM


Sa panahon kung kailan uso ang love letters nabuo ang pag-iibigan namin ni Kamil.
Naging kasintahan ko na si Kamil, sobrang saya ko paglabas sa kwartong iyon, at habang naglalakad ako kasabay ang mga kaibigan kong sina Diamond at JAY, naiisip ko ang kondisyon ni Kamil sa relasyon namin.

30 minutes ago

"Sa panic room"

“Tagala? Tagalang-talaga? As in girlfriend na kita?” tanong ko kay Kamil na para akong bata na may bagong laruan sa sobrang kasiyahan na nararamdan.

“Oo, hahaha” malambing at natatawang sagot ni Kamil, habang pinagmamasdan akong paikot-ikot sa loob ng kwarto na parang natatae, natatae na masaya.

“Oist, halika nga rito, upo ka nga, baka may makapansin sa’yo dyan” sabi sa akin ni Kamil, at para naman akong alipin na napasugod kaagad sa kanyang amo.

“Hehehe, sorry, sobrang saya ko lang. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Una palang kita nakita, gusto na kita at bawat araw ang pagkagusto ko sayo ay napapalitan ng pagmamahal”.  Kakornehan ko kay kamil.

“Naku, ‘wag mo na nga ako bolahin dahil girlfriend mo na ako” sabi ni Kamil, at parang musika ang narinig ko, nang sabihin niya ang katagang “Girlfriend mo na ako”.

“Oo nga pala, may sasabihin ako sa’yo”. Sabi ni Kamil na seryoso ang mukha.

“Ano ‘yon?” mabilis kong tugon.

“Gusto ko, walang makaalam nito, na girlfriend mo na ako. Lalo na mga barkada ko, sila Mayen, Jhengpot, Iyakhin, at Sey.” Sabi ni Kamil na ipinagtaka ko, pero dahil sa kalasingan ko sa kaligayahan, umoo nalang ako.

“Oo, sige walang makakaalam nito.” Sagot ko.

Back to normal

“Hoy, ang lalim ng iniisip mo ah, kanina pa dyan nakatunganga” sabi ni JAY, at natauhan ako dahil sa tapik niya.

“Ha?” maigsing sagot ko.

“Ano ba ang iniisip mo? kanina ka pa naghahang eh, nakanganga ka pa.” sabi naman ni Diamond.

“ha? Wala may naisip lang ako, sige uwi na tayo”. Sagot ko at naghiwahiwalay na kami ng daan.

Kailangan ilihim sa lahat ang relasyon namin ni kamil, sa una nagtaka ako pero pumayag din ako, mabuti na ‘yun kaysa wala, masaya parin ako.
Pagkaraan ng ilang araw kinausap ako ulit ang aking girlfriend (ahem), sarap ulitin, kinakusap ako ng akin GIRLFRIEND, ayyeeeeiiiii, kinikilig ako, last na, kinausap ako ng aking kasintahan, hahahaha, okay ito na.

“May sasabihin ako sa’yo?” bulong ni kamil sa taenga ko at nakiliti ako, jk, haha.

“Ano yun?” pagtatanong ko naman sa kanya.

“Ayaw kong magsinungaling sayo, pero may ka-MU na ako.” sabi niya na ikinagulat ko.

“Ha?” Tangin lumabas sa bibig ko na nakanganga pa ako.

“Hindi ko ito nasabi sayo noon dahil nakalimutan ko, dala narin ng kaligayahan nararamdaman ko sayo.” Sabi pa ni Kamil.

“Sino?” Tanong ko sa kanya.

“Si Arvin.” Sabi ni Kamil na lalong ikinagulat ko.

“Si Arvin, ang klass president natin?” sagot ko naman, pero this time hindi ako nakanganga. Ilang minuto akong natulala sa aking narinig, bigla akong nakaramdam ng kunting kirot sa akin puso, nasaktan ako.

“How come bebe-come become?” Tanong ko sa kanya.

“Matagal na, last year pa, matagal na kaming nagpapalitan ng sulat noong hindi ka pa nagtatapat sa akin, pero ngayon naging tayo na, sasabihin ko na sa kanya ang totoo.” Sabi ni Kamil na ikinatuwa ko naman.

“Alam mo, akala ko noon si Leorap ang ka-MU mo eh.” Sabi ko sa kanya.

“Nagtapat din sa akin si Leorap, pero hindi naman siya nanligaw kahit sa sulat, basta sinabi lang niya sa akin na gusto niya ako, tapos ‘yun bigla nalang nawala ang kupal” sabi ni kamil, pero dinugtong ko lang ang salitang “kupal”.

“So, sasabihin mo na kay Arvin ang lahat tungkol sa atin?” tanong ko kay kamil.

“Oo, gumawa na ako ng sulat para sa kanya, mamaya sa pag-uwi natin ibibigay ko sa kanya.” sabi ni kamil at lalong ikinatuwa ko.

Kinabukasan, si Arvin agad ang hinanahap ng kyut eyes ko, pero wala siya…


itsutsulhuLOY


17 comments:

  1. kelngan dagdagan ng kupal noh hahaha. khit nsa mall me now balikan ko tong post nto. di me nagbasaeh. lol. scrolldown lng at nkita qlng name ko

    ReplyDelete
  2. wahahahaha... ang ganda ko talaga dito..

    ReplyDelete
  3. adi si kamil na ang pinagaagawan ng lahat!ikaw na kami ikaw na! ahahaha


    makakilig naman ito si akoni hahaha...
    dapat pinsukan ng langaw bibig u nung nakanganga ka..heheh joke lng...

    nice....

    ReplyDelete
  4. Ilang araw mo ba itong ginawa at mukhang dumaan sa napaka higpit na QC.super banayad ang dating ng pagkakakwento Ikaw na. kung sa pagkain extremely delicious.nakakatulo laway sa tingin pa lang.Pag palikula ang dating.wohhh..

    Genius ka Akoni.

    ibang klase.yon lang ang masasabi ko.

    ReplyDelete
  5. huawwwww!!!! kakatuwa naman nyan...sana niks pij na gad...jejeje...nakakatawa ung hinhanap ng kyut eyes mo...kailangang gumaganon...jejeje....

    ReplyDelete
  6. ikaw na ang inlab! lagi ka nalang inlab! hahaha!

    ReplyDelete
  7. siguro akala ni kamil mga tsismosa kami kaya ayaw nya ipaalam sa amin. Pero alam na namin. hehe..

    Sumusubaybay pa din :)

    ReplyDelete
  8. mayen - hindi ko alam kay kamil bakit pati sa inyo ayaw ipaalam na girlfriend na siya ni akoni...

    ReplyDelete
  9. hala nawala..bakit kaya? pina-assasinate mo ba? wehehe~

    ReplyDelete
  10. love quadrangle na ang story. gusto ko yan, daming twists. hehehe

    ReplyDelete
  11. gusto kong mabasa ang sulat ni kamil para sa akin.....nandito lang ako...hehe.....

    ReplyDelete
  12. Para kay Kamil...Naniniwala ako na hindi ito ang katapusan natin..hindi ito ang tuldok na tatapos sa atin kung tuldok nga ang katapusan.......

    ReplyDelete
  13. Kamil akala ko akin ka na. Kasi sabi mo special ako sa iyo. Kaya akala ko tayo na. Pero ng sinabi mo na may mahal kang iba. Narealize ko na iba nga pala ang especial sa mahal.........

    ReplyDelete
  14. Masakit kamil na ako ay iwan mo para ipagpalit sa iba...........pero kailangan kong tanggapin kasi mahal kita at tanggap ko ano ang pasya mo sa buhay......siguro sa kanya naroon ang tunay na ligaya mong hanap..

    ReplyDelete
  15. Kraehe - hahaha abangan mo. hindi ako berdugo noh..lol

    Bino - quadrangle..lol

    Arvin - thanks sa comments..astig ah..

    ReplyDelete
  16. oh my bebecome!!!, akala ko mauudlot ang pagtitinginan niyo ni Kamil. Nagulantang ako sa ka-MU niya, buti na lang ipagtatapat na niya kay ARvin ( na may love letter din Comment-hehehe),. Siguro ayaw niya malaman namin dahil may ka-MU siya pero kapag nasabi na niya kay Arvin, baka pwede na namin malaman. hehehehe!

    ReplyDelete