nuffnang

Friday, May 20, 2011

Guni-guning ligaw



Nandito ako ngayon sa paligid-ligid ng isang bahay kubo na puno ng linga, at mga sari-saring halaman. Sa likod nito ay may isang buko ng papaya, inakyat ko pero pagdating ko sa dulo ay nabali ang sanga, nahulog ako kaya nagkagalos ang sampung mga daliri ko, ang kamay at paa, pati dalawang taenga, pero salamat dahil wala naman sugat sa dalawang mata ko, at maganda parin ang ilong ko.

Malapit ang bahay kubo sa dagat kaya tumakbo ako doon para hugasan ang mga sugat ko, nabigla na naman ako sa aking nakita, mayroon mga alimango kaya tuwang-tuwa ako, sinubukan ko silang hulihin pero mahirap sapagkat nangangagat.

Lumayo ako sa mga alimango, pumunta naman ako sa dako paroon, sa may harden ng mga bulaklak na sumasara at bumubuka, nilakbay ng aking paningin ang buong harden ng mga bulaklak para hanapin ang reyna na papasok, wala naman. 

Mga paru-parong bukid lang na lilipad-lipad ang nakita ko, sinubukan ko silang hulihin pero sadyang mailap sila, parang pag-ibig. Napagod ako sa kakahabol sa mga paru-paro, kaya umupo muna ako sa gilid ng balong malalim sa may gitna ng harden, sinilip ko ang balon at nakita ko ang sampung palaka na lumalangoy-langoy, pataas pababa, paikot-ikot, pero hindi ko narinig ang sabi ng kanilang nanay at tatay.

Huminga nalang ako ng malalim, tumingala sa langit. Pinikit ko ang aking mga mata, pagdilat ko umagang kay ganda na pala.







18 comments:

  1. puyat yan! puro kantang pambata at nursery rhymes. pero umugma lahat ha.

    and as alway, this post is very entertaining. A blogger like you can monetize your blog by putting ads. Join here! lels

    ReplyDelete
  2. haha..sobrang asenso na spam trade mo ah..haha..di na ma-carry..lels

    na-inspired lang ako sa link na bigay ni glen...hahaha..mayroon naman storya...hehe

    ReplyDelete
  3. bilis ni bino ah. lels.

    Napakanta ako habang nagbabasa. Buti wala akong katabi sa cube. lols

    ReplyDelete
  4. Yown!!! Ikaw na ang creative genius! Agn galing paano mo naisip pagdugtungin ang mga kantang yan. Last time ko nagawa yan sa love letter....nyahahaha! nagpa-pratice ka no?

    ReplyDelete
  5. entertaining.:D napapaisip ako kung anong kanta galing ung mga lines mo. hehe.

    dumaan ulet at nagfollow. :))

    ReplyDelete
  6. kainis ngayon koi lang nabasa yun post mong "SAbi NIla", haist...

    ReplyDelete
  7. haha.. ang galing naman nito. nakaka-insecure ah? bat ang galing mo? tama si sey ikaw na ang genius! ikaw na! kinakanta ko kaya habang binabasa. pede syang kantahin. try mo. hehe..

    ReplyDelete
  8. @sey.. hoy sey lagi ka na lang nahuhuli sa balita. magbalik loob ka na sa blogger. :)

    ReplyDelete
  9. ang galing mo naman..turuan muna man akong gumawa ng ganyan.. masarap syang basahin kahit paulit ulit.. habang binabasa ko napapangiti ako kasi sa utak ko kinakanata ko sya..hehee

    ReplyDelete
  10. napakanta rin ako habang nagbabasa

    ReplyDelete
  11. sana natutulog ka nang hindi ka ganyan ngayon! lels!

    ReplyDelete
  12. di ko nabasa yong pakyu kaya pweding ako ang magsasabi ngayon kasi yon ang naisip ko habang tumatawa.

    Parang unti-unti nagiging ganito ang blog ko kasi parang masaya.
    puro kalokohan lang.

    ito yata ang mundo ko.kahit pilit magseryoso lumalabas ang natural.
    nakakahawa ka ka akoni.

    ReplyDelete
  13. wow ito ba ang mash up para sa mga kantang pambata.. hahaha galing..

    ReplyDelete
  14. @Mayen: hindi nawawala ang pagmamahal ko sa blogger. SAdyang busy lang ang lola mo! hehehe. Tulungan niyo na kasi ako sa report ko para matapos na.

    ReplyDelete
  15. huh?ano raw? diba sabi ko sayo akoni, tama na yang katol!
    remix ba itey ng mga nursery rhymes? hehehe

    ReplyDelete
  16. ahahahah! loko ka! hahhaa! ito totoong tawa na to! puyat lang yan! hahah! hangcute-cute mo talaga pakagat nga!!! waaah

    ReplyDelete
  17. Khanto - thanks pare...cute ng picture mo..hehe

    Sey - hehehe...hindi naman, pumasok lang sa utak ko bigla ang mga yan..hehe..pero hindi ako genius, ginawaan ko lang ng kwento ang pambata rhymes natin..hehe....haha..sana matapos mo na yang ginagawa mo, istorbo sa blog work mo eh..hehe

    Mayen - haha..diba puwedi mo ikwento yan sa mga bata..hehe..gawin mong ganito, isang araw si pepito natutulog sa isang bahay kubo na walang kulambo walang kumot, pinasukan ng bubog at kinagat siya, kaya nagising..hehe un na..

    Pearl - hello powwhhzz, di na man. Nakakatsamba lang minsan ng makulet na kwento..hehe..thanks

    Sean - hindi kanta yan..hehe

    MOKS - kung natulog ako, wala ito at hindi ka matatawa..hehe

    Mama- hehe..ito ang remix ng mga pambatang songs natin..hehehe..ginawang pang bed story. Magaling ako, syempre..ahem, saan magmamana?haha

    hahah-natawa ako diamond, wag mong gawin parang ganito ang blog mo, baka lumala ako, blog mo ang nagpapatino sa akin minsan eh.

    Kiko - parang ganon na nga..2011 na dapat lahat palitan..

    tabian - namiss kita tabian much..hahaha..oo remix yan, ginawang bed time story..hehe

    Iya_khin - sabi na fake un una..hehe..joke...salamat, ramdam ko ang iyong tawa..tumagos dito, alam mo na saan un..hehe..yan bigay mo sa son mo ang kwento na yan..if you want revive ko, para mas astig. ano ka, alimango nangangagat? hahaha

    ReplyDelete
  18. hahahaha puro kanta toh eh.. dapat nilagyan mo ng bagong kanta tulad ng waka waka

    ReplyDelete