Dear Papa Akoni at Mama NJ,
Hello po Papa Akoni at Mama Nj, kamusta po kayo dyan sa Saudi? Kung ako po tatanongin niyo ay sa awa po ng diyos ay nasa mabuting kalagayan po ako, tulad parin po ng dati naiihi at natatae parin ako sa akin lampin, hehehe, pero promise po paglaki ko sa banyo na ako iihi at tatae, hehehe.
Mama Nj at Papa Akoni, sana po nasa mabuti kayong kalagayan, namimiss ko po kayo, 'yong pag-aalaga ninyo sa akin. Ikaw mama Nj, ung tuwing umagang pinapaligoan mo ako, ang paghahanda mo ng aking gatas na lalong sumasarap dahil sa pagmamahal mo, mga yakap at mga halik mo at ang walang kapantay na pag-aalaga at pagmamahal, i love you so much po. Sayo naman papa Akoni, ung kapag kinakausap mo ko palagi, natatawa ako kasi ang seryoso mo, hindi bagay sayo eh, hahaha, ang kulet-kulet mo talaga papa Akoni, mahal na mahal din kita.
Papa Akoni at Mama Nj ‘wag niyo po ako masyadong iniisip dahil nahihirapan po ako makatulog lalo na po sa gabi, alam ko pong mahal na mahal niyo ako, alam kong ako na ang pinakamamahal niyong tao sa balat ng lupa, pero papa at mama, hindi naman puweding oras-oras eh ako parin ang iniisip niyo. Hindi naman sa ayaw ko ng ganun, sino bang taong engot ang ayaw isipin at mahal ng oras-oras, diba? Ang sa akin lang naman po ay baka mapabayaan ninyo na ang inyong mga sarili, ayaw ko pong magkasakit kayo, maliit pa po ako at wala pa ako sa tabi niyo para maalagaan kayo, kaya pakiusap ko mama't papa, habang maliit pa ako alagaan ninyo muna ang inyong mga sarili para sa akin, promise? Mahal na mahal ko po kayo.
Oo nga pala, huwag rin po kayo mag-aalala Papa at Mama, dahil naiitindihan ko naman po kayo kung bakit nandyan kayo sa ibang bansa at kung bakit ninyo ako kinailangan iwanan dito sa Pinas. Tanggap ko po ang kaparalaran natin, ang kapalaran ko, tanggap ko po na isa akong anak ng OFW. Alam ko po kaya kayo nandyan ay para sa akin, sa kabutihan ko, at para sa kinabukasan ko, pinagmamalaki ko po kayo. Dapat pa nga magpasalamat ako sa inyo, dahil sobrang laki ng hirap na dinaranas niyo sa akin, lalo na si Mama. Ipinagbuntis niya akong mag-isa, wala siyang katuwang sa pagbubuntis niya sa akin dahil magkahiwalay kayo ng lugar Papa.
Mama Nj, nararamdaman ko po ang paghihirap niyo nun, lalo nung papalabas na ako, alam ko po kung gaano po kayo nasasaktan, sorry po Mama. Kung may lakas lang sana ako that time, kusa na po ako lalabas Mama, pero wala ako magawa eh, malalambot pa po ang mga boto ko at hindi ko pa po maigalaw. Papa Akoni, sorry din po sa pagpapahirap ko kay Mama, alam ko po kung gaano niyo siya kamahal, kaya alam ko kung gaano kayo nasasaktan nung nakikita niyo siyang hirap na hirap at sakit na sakit sa panganganak.
Hindi ko po alam kung alin ang mas masakit, ang sakit ng katawan o ang sakit ng puso? Ang alam ko lang po ay parehas 'yan masakit, hindi ko pa po naramdaman pero alam ko po. Nalaman ko sa bawat sigaw ni mama at bawat iyak niyong dalawa, mga iyakin. Opo naramdaman ko po ang sakit na naramdaman mo papa Akoni sa iyong puso nung nakikita mong nasasaktan si mama habang pinapanganak niya ako.
Hindi ko po alam kung alin ang mas masakit, ang sakit ng katawan o ang sakit ng puso? Ang alam ko lang po ay parehas 'yan masakit, hindi ko pa po naramdaman pero alam ko po. Nalaman ko sa bawat sigaw ni mama at bawat iyak niyong dalawa, mga iyakin. Opo naramdaman ko po ang sakit na naramdaman mo papa Akoni sa iyong puso nung nakikita mong nasasaktan si mama habang pinapanganak niya ako.
Sana po ay hindi ko ‘yon makalimutan, pero alam ko po paglaki ko makakalimutan ko parin ang lahat, ang lahat ng paghihirap at sakit na naramdaman ni mama sa akin. Pero favor mama, lalo na sa'yo papa Akoni, ipaalala ninyo po sa akin ang lahat paglaki ko ha? Gusto ko lang po maging mabuting anak sa inyo, lalo na kay Mama, basta ipangako ninyo yan sa akin at pinapangako ko rin na magiging mabuting anak ako, ‘wag po kayo mag-alala lalo kana Papa Akoni, hindi po ako magiging malandi at malibog tulad mo.
Huwag rin po kayong mag-alala sa akin Papa at Mama, kaya ko po alagaan ang sarili ko, matapang po ako at matalino, baka nakakalimutan ninyo mana ata ako sa inyo.
ayyy sobrang haba na nito papa't mama, baka makatulog na kayo sa pagbabasa nito at baka malunod na rin kayo sa inyong mga luha, alam ko kasing lumuluha na naman kayo habang binabasa niyo ito. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYONG DALAWA!!! Muwahugsssslurpstsup
-Lil Akoni
ayyy sobrang haba na nito papa't mama, baka makatulog na kayo sa pagbabasa nito at baka malunod na rin kayo sa inyong mga luha, alam ko kasing lumuluha na naman kayo habang binabasa niyo ito. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYONG DALAWA!!! Muwahugsssslurpstsup
-Lil Akoni
aw.... natouch nmn me sa liham ni lil akoni.
ReplyDeleteSi Lil Akoni ang sweet naman! Pwede na to sa MMK ah! Sana lahat ng anak katulad mo at talagang babaha ng luha sa mundo.
ReplyDeleteAng cute cute mo, sarap mo i-kiss!
waaaa.. kyut talaga ng anak mo pre! kay NJ pala nagmana. :P
ReplyDeletewaaaaa...ang hongkyut ni lil akoni!!
ReplyDeletesana hindi sya magboypren kagad..hehehe XD
naalala ko tuloy ung anak ko sa canada. hayyyyy
ReplyDeletehindi sana ako maluluha, pero nung nakita ang pic ng baby mo naiyak naman ako. Hay, kahit hindi pa ako mommy, alam ko napaka hirap malayo sa anak. I feel for you akoni, I'm sure miss na miss mo na sya. pero gaya ng sabi nya maiintindihan nya ang rason kung bakit kayo malayo sa kanya ngayon.
ReplyDeleteMaswerteng bata, sana nga wag magmana sa malanding papa.. hehe.. :)
Nalungkot ako. Tama lang sometimes hindi na normal ang puro tawa lang pag nababasa ng mga post mo.Lil Akoni ang mukha ng isang OFW baby.Pagpalain kayo at ang marami pang pamilyang pinaghiwahiwalay dahil sa hangaring makapagbigay na mas maayos na buhay.
ReplyDeletevery touching.... :((
ReplyDeleteuha uha.
nakakahula to "Kung may lakas lang sana ako that time, kusa na po ako lalabas Mama, pero wala ako magawa eh"
kyuuuuuuuuuuuuuttttttt! :D
ReplyDeletemakikilala ka kaya niya pagbalik mo? naalala ko lang yung Terra Nova, two years siya nawala, medyo ilang sa kanya yung anak niya.
Akalain mo yun!!!! Ang cute ng baby ah!!!! Namu nakagawa ka ng ganyan!
ReplyDeleteinteresting story...
ReplyDeletegaling ng site mo pre.
Hello mga kaloko..
ReplyDeleteThanks Mr. Roy
Glentot - gusto mo gawaan kita? LOL
Josh - parang gusto ko mapanood yang terahin mo si NOVA.
Bolero - tissues
Tabian - hindi yan magiging katulad kong malandi..:))
Arce - maraming salamat diamond..:) ganun ang buhay akonilandya, may lungkot at may kalokohan..:))
Mayen - sana mayen, sana maitindihan kami...ang ilusyon ko sanang ito ang maramdaman niya.
Bino - nakakamiss babyno..
Nieco - LOL
Sey - hindi pa ako sigurado kung ganyan siya paglaki, ilusyon ko lang to...hehe..at sana magkatotoo
Khanto - mas lalo naman ako.