nuffnang

Monday, October 3, 2011

1, 2, 3, SMILE!!!





Obviously, message 'yan mula sa chat box ko, galing sa pinakasikat na SMILE sa buong blog sphere. Nung una, hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, kakarating ko lang kasi kaya wala me knows sa mga nangyayari sa mundo ng blogging, at nung pangalawa, lumaki ang butas ng ilong ko ng isang minuto sabay kinilig me dahil bumisita siya sa aking kaharian. 

Dahil sa wala akong ka-alam-alam sa sinasabi niya at dahil din sa isa akong prinsepe ng aking kaharian AKONILANDIYA, iniisip ko na baka may isang hari na may anak na prinsesang iyakin at kailangan mapangiti. At kung sino man makakagawa nun, silang dalawa ay magiging mag-asawa and lived happily  ever after divorce.

Pero kanina lang, binisita ko ang bahay niya. Mali pala ako, gusto lang niya maghasik ng SMILE sa sanlibutan. Nagustohan ko ang kanyang adhikain, dahil maganda ang mga premyo, hehehe. Kaya nagpasya akong subokan rin magbigay ng isang kowts na maaaring makaguhit ng simpleng SMILE sa mga makakabasa.

Ito na, FIRE!!!

"May pa-SMILE-SMILE ka pang nalalaman hayop ka, iuntog kita dyan eh..." -Akoni

Syempre, jowk lang yan. Pinalabas ko lang ang katarantadohan at kalokohan sa utak ko. Oo nga pala, pasensya na SMILE kung may kasamang blog ang enrty ko sa pakontes niyo. Hindi lang ako sanay na magposte ng maigsi sa kaharian ko, ayaw ko kasi ung parang FB stat lang, hehehe. At syempre, para may mababasa din na blog ang mga mambabasa ko, I am fair but I am firm, putcha.

Bago ko pa makalimutan na kowts pala ang sinalihan ko at hindi isang kwento, narito na ang entry ko, 1, 2, 3, FIRE!!!




"Mahirap ka man o mayaman, may kapangyarihan kang magpasaya ng tao na hindi gagastos, 1, 2, 3 SMILE!!"


Salamat sa mga may ginataan ginintuan SMILE na nagsponsor sa contest na ito:

Narito sila, 1, 2, 3, FIRE!!!

3. ISP 101 (Kilala kita)
4. From the dungeon (lalo kana)



9 comments:

  1. hahaha, hindi lang isang minuto ako napa smile sa post na to, buong oras na binabasa ko ang post mo, nakabungisngis ako lolzz

    pasok ka na! ... sandali ginagawa pa pala :D

    ReplyDelete
  2. napa-smile naman ako. Good luck. daming contest ngayon ah?

    ReplyDelete
  3. gusto ko yung unang quote. bwagahahaha

    ReplyDelete
  4. mas maganda ung joke na quote! joke! hehehhe :D

    ReplyDelete
  5. kund hindi ako nagkakamali pangalawang contest na ito...sana manalo ka para yung napanalunan mo - gawin mong papremyo sa contest mo dito. hahaha. Pag ikaw ang nagpa-contest sasali ako at mas magpupursigi ako kapag kasali si Lil' Akoni sa premyo- hahaha Joke lang.

    ReplyDelete
  6. aaahahahahaha...


    saya nung unang quote...


    goodluck!

    voted!

    ReplyDelete