nuffnang

Monday, October 17, 2011

Ngayon at noon





Last week nalipat ako ng opisina, dito me napunta sa Manager ng Department namin. Dati doon ako sa may Portable cabin, malapit sa emperno. Kasama ang mga operators at mga supervisors, emperno dahil mainit dun, soBRA at soPANTY. Isa sa work ko don ay kunin ang mga reading sheets ng planta, hanghinit sa labas kung alam you lang, sobrang nakakapawis ng singit at kuyukot, ang sarap sana maghanda ng manggang hilaw dahil may sawsawan tumutulo na.

Nung bata pa ako, hindi ako masyado naglalaro sa labas at hindi ako nakikihalobilo sa ibang bata, mahiyain ako at takot me sa kanila na tuksoin ako. Pero nung nasa high school na ako, natutunan ko na makipaglaro ng holen, goma-goma, teks at Chinese garter sa kanila, alam ko na kung paano maging bata. Ganito lang naman maging bata eh, simple lang, nun kapag may duyan na ginawa ang mga kalaro ko at hindi nila ako pinapahiram o pinapasakay, pinupuntahan ko sa gabi ang duyan tapos nilalagyan ko ng tae, ayy tinaTAEan ko pala, as in anlake pa ng tae, kinabukasan umiiyak na sila, karma nila ‘yon, madadamot eh diba?

Hindi ko alam kung ano ang work ko ngayon dito sa bagong puwesto ko, so far wala palang naipapagawa ang boss ko sa akin kundi mag-send ng FUCKS fax, lagi nalang FUCKS fax, puro nalang FUCKS fax, fucks fax ng fucks fax, fucks talaga!!! Natatamad na ako *yawn*. Nakakaantok, parang namimis ko tuloy dating puwesto ko, kahit medyo madami akong ginagawa at kahit parang nasa planetang mars lang me eh hindi naman ako nabobored ng ganito *yawn*.

Nung bata pa ako, mahiyain ako sa ibang tao. Kapag may bisita kami sa bahay, hindi ako lumalabas, hindi ko alam pero ‘pag nakakakita ako ng ibang tao nanlalamig ako sa hiya. Pero nung nasa high school na ako, lumalabas na ako ng kwarto, walang hiya na ako, at kapag may bisita ang mga pinsan kong babae, tapos mga lalake at alam kong manliligaw nila yon, naiinis ako. Mag-iingay na naman kasi sila sa harap ng telebisyon habang nanonood ng mga MTV ni Bryan Adams, narinig ko pa nga sabi ng isang lalake sa pinsan ko “Please forgive ang theme song natin ah, tapos ung dalawa daw Hevean” I was like, ewwwwww…ano yown?

Wala lang, inis lang ako sa kanila, hindi ako makapanood ng Cartoons, kakabwesit lang, sumasakit ang pantog ko sa kanila. Kaya kapag nadinig ko sa mga pinsan ko na “Oiiiii….si kuwan pupunta daw sila dito, (Insert sigaw ng babaeng nag-o-orgasm kinikilig)”, sasakit na naman pantog ko kaya tatakbo na ako sa ref namin at iihian ko ang Juice na nasa pitsel. Nakangisi naman ako habang sarap na sarap sila sa pag-inom ng Juices nila. Karma sa kanila ‘yon, nang-aagaw sila ng moment sa isang bata.

Mabait ang boss ko ngayon, pero nung nasa high school ako makulet na ako, sobra. Nun pa man ay gusto na ako ng boss ko na lumipat dito sa kanya dahil gusto daw nila ang work ko, mabilis. Halos lahat ng katarantadohan ay nagawa ko na nun bata pa ako. Wala naman ako probs sa mga ka-office mates ko doon sa dati eh, mababait sila sa akin kaso nga lang mga abuso, halos lahat pinapagawa nila sa akin kahit pesonal na work nila. Hindi ko alam kung bakit pagtungtong ko ng High school eh naging pilyo na ako, tulad ng nilalagyan ko ng bubble gum ang upuan ng classmate ko sa harapan, kakainin ang mga tinitinda nila pero may kasabwat ako don or  susulatan ko ang damit ng nasa harapan ko, kaya niyo un? Hindi niya ako maramdaman, hindi ko alam kung manhid yun o ninja lang ako. Nung una, nagdadalawang isip ako, kung tatanggapin ko ba na malipat dito o hindi, paano kasi may secretary nang Katutubo (Saudi) dito, alam kong priority nila un, baka kasi pagdating ng panahon magtanggalan sila, syempre ako ang expected na matatanggal pero who cares. Sa kakulitan ko noon, halos nasubokan ko na lahat ng bagsik ng mga guro, nandyan ung makurot sa singit, mapingot ang taenga, mabatokan ng Noli me tangere na libro, pagalitan sa harap ng buong klase dahil mali ang sagot ko sa tanong, “ang tanong nun ni ma’am ay bakit daw walang nabubuhay sa planetang Mars? Ang sinagot ko lang naman ay KANIN, nagulat ang lahat, nagkaroon ng kunting katahimikan sa loob ng klase dahil sa sagot ko, parang BOY PICK UP lang ng bubble gang, tapos un na niratrat na ako ni ma’am, first day of class pa yun, ayos sa pick up line.”

Gustohin ko man o hindi, wala na akong magagawa, lilipat at lilipat parin ako dito, syempre utos ng amo eh, utos ng nakakataas, masunorin ako, Pilipino eh. Kahit ganun naman ako, eh hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko, pumapasa naman ako sa lahat ng subjects ko, kaya natutuwa din sa akin ang mga titsers ko, kahit daw makulet ako eh  may laman naman daw ang utak ko, ‘di daw tulad ng ibang makukulet kong klasmets, makulet na nga, hindi pa makapasa. Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko ngayon dito sa bago kong puwesto.

Wait…ang labo na, ano nga ba ang kinukwento ko? aahh….Ngayon at noon.


12 comments:

  1. siguro ang init sa dati mong work grabe no, kasi hindi lang soBRA soPANTY pa! hahahaha.

    Advice ko lang mag-ingat ka dahil puro fucks este fax pala baka yan na yung "This is madness, I wanna die, rape me" hahaha.

    Ang kulit ng theme song nila. Basta may mai-theme song lang. Wala pang kasalanan, nahingi na ng tawad. matanong ko lang sinagot ba ng pinsan mo yun? nakow po!

    Buti na lang Ngayon at Noon ang title kaya accepted na malito kami kakabasa. Ingat ka sa bago mong pwesto, gaya nga ng sabi ko - yung post mo....hmmmm.

    ReplyDelete
  2. haha. ang haba neto. buti naraos ko. haha. dami kong tao sa tae at ihi. inam yon. ayaw ko na pumunta sa inyo.. o kaya pag pumunta ko dyan, di na ko iinom ng juice. haha.


    edi ikaw pala si boy pickup noong unang panahon. LOL! pero nagets ko yung kanin (kunwari nakakaride)

    ReplyDelete
  3. Sey - hahaha..No, ayaw ko pa mamatay..LOL..siguro sinagot na, kasi minsan binibigyan nila ako ng pera para lumabas me...ngayon ko lang narealize kung bakt nila ako binibigyan ng pera nun...alam na..LOL

    Bulak- hahahahaha..isa un sa HS moments na hindi ko makalimutan..LOL wtf, kanina??ano connection nun sa planetang MARS? LOL...wag ka lang maingay sa bahay para hindi makainom ng juice with ihi..haha

    ReplyDelete
  4. Talagang pinaglabo labo ang noon at ngayon.Ang sipag magsulat.

    ReplyDelete
  5. Ayus sa post! hahaha.

    Mahiyain at di rin ako lumalabas nung bata ako ksi baka masira ang makinis kong kutis. Lolz! Hindi ako lumalabas pero kapag hindi ako pinahiram nambabatok ako.

    Gud luck sa bago mong pwesto at ingat.

    ReplyDelete
  6. feeling ko nalusaw ang utak mo sa hinit...ahahaha

    natawa ako sa inihian mong juice, pilyo ka talaga..I take back what I said, mas lusaw pala utak mo kahit hindi noon pa..XD

    ReplyDelete
  7. eh parang nag blast in the past ako dito sa post mo. hehehe.

    as always, you have a very great mind posting this article. you should write more often of kors! :D

    ReplyDelete
  8. natuwa ako sa structure ng post mong 'to. pati dun sa pagtatagpi-tagpi ng istorya.

    :)

    ReplyDelete
  9. Nakakatuwa ka magkwento.. hahaha

    Natawa ako dun sa paglalagay mo ng tae sa duyan tsaka sa inihian mo yung juice. maloko ka a!


    Sulat ka pa madami :)

    ReplyDelete
  10. Ang haba at ang sakit sa mata ng fonts mo...lol kung makapag comment namana ko...nakikibasa nga lang...hahaha

    Katakot ka naman pag mag invite ka sa inyo baka ang mga kinakain at iniinom namin ay iba na pala..lol

    Goodluck sa new work mo or position ba:)

    ReplyDelete
  11. tingin ko walang nagbago. pilyo ka pa rin pre. ehehehe

    tinaehan mo talaga?! wahahha.. salute!

    ReplyDelete