Doc ang anak ko?
Kamusta na po siya?
Bakit hindi ko narinig na umiyak?
Ayos lang ba kalagayan niya?
Doc, bakit parang hindi gumagalaw kanina?
-Sunod-sunod na tanong ko sa mid-wife nurse na nagdala sa anak ko sa loob ng Neonatal Intensive Care Unit (ata un).
Dooocc.....!!
Sigaw ko sa midwife, tiningnan lang niya ako tapos pumasok na agad sa room (snobbish?)
Malabo parin ang paningin ko dahil sa hindi mapigil na pagbuhos ng aking luha, dala ng pag-aalala ko sa aking asawa kanina, ngayon ay ang anak ko naman. Nasaksiyahan ko ang panganganak ng asawa ko, at buong buhay ko that time lang ako nakakita ng taong nakakaramdam ng ganun sakit. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa kanya, ang hitsura niya sa mga oras na 'yon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya, pero kung ikukumpara ko talaga, higit pa sa tinu-torture, 5x.
Dahil sa nasasaksihan kong nangyayari sa kanya, nakapagbitaw ako ng isang pangako na maaaring hindi ko matupad, nangako ako sa kanya na hindi na yon mauulit pa kahit kailan, hindi na siya kailanman makakaramdam ng ganun sakit at 'yon na ang huli, peksman.
************
Lagpas alas sais nun, nasa waiting area ako ng delivery/labor room, nasa loob na ang aking asawa, isisilang na niya si lil Akoni. Pinapakiramdam ko ang aking sarili, wala naman kakaiba maliban nalang sa paglaki pa lalo ng tiyan ko, hindi ako masyado kinakabahan, carry lang. Nakikipagkwentohan pa nga ako sa mga kaibigan ko, nakikitawa rin.
"Sino po ang watcher ni Mrs. Mc Rampat?"
Sabi ng doctor na nakasuot ng parang toga, parang lab gown/lab coat/medical gown/what ever na sinusuot ng mga doctor.
"Ako po, bakit po?" sagot ko,
"Kailangan ka namin sa loob, ang asawa mo, nahihirapan...." sabi ng doctor.
Takbo ako agad, lahat ng alam kong dasal ay sinasambit ko. Pinasuot nila ako ng lab gown/lab coat/medical gown/what ever nila at pinapasok. Malayo palang ako ay rinig ko na ang sigaw ng aking asawa, nanlamig ang buong katawan ko sabay tumulo na ang mga luha ko.
(Hindi ko kayang e-describe ang nangyayari sa isang babae kapag nanganganak. Huwag mo nang alamin, promise)
"9:06 pm..." 'yan lang ang tanging nakuha ko sa sinabi ng doctor.
"Lumabas na..." bulong ko sa aking asawa, sabay buhos na naman ng aking luha, at paulet-ulet parin ako nangangako sa kanya. Pero bakit ganun, wala akong narinig na iyak? Bakit ganun parang nagkagulo sila? Nakita kong tinakbo nila ang anak ko sa labas.
"Puwedi kana lumabas, ayos na ang asawa mo"
Sabi ng doctor sa akin at nakahinga ako ng maluwag, wait ang anak ko....
Nagpunas ako ng luha at lumabas...
Ibinalita ko sa mga kasama ko na ayos na siya, tinanong ko agad ang best friend ko kung ayos lang ang anak ko.
Nakita ko ang mid-wife, tinanong ko rin pero hindi na ako sinagot, pumasok nalang diretso sa NICU. Kinabahan ako, may hindi magandang nangyayari sa anak ko.
"Buddy, ung anak ko, ayos lang ba?" Sa best friend ko nalang ako nagtanong kahit alam kong hindi rin niya alam, dahil sa mga oras na 'yun, gusto kong lang may magsabi sa akin kahit na sino na ayos lang ang anak ko.
"Oo ayos lang, ayun hinuhugasan nila sa lababo?" sagot ng budz ko, "Ha?" natawa ako.
"Ayun gumalaw na siya, ikaw na ikaw budz" sabi pa niya.
Mga almost an hour ata, lumabas na ung babae na tinatanong ko kanina...
"Sir, Okay na po 'yung anak niyo...nagka-(Hindi ko na matandaan ang tawag don sa nangyari sa kanya) siya." In short, natae ang baby sa loob ng tiyan ng nanay niya at nakain niya, ewwww.
Meconium stained and mild respiratory distress, yan daw ang diagnosis niya...LOL sabi ng asawa ko, ka-chat ko ngayon habang sinusulat ko ito. Kaya ang nangyari, kailangan niyang turukan ng mga gamot na anti-churva for one week.
And in the end, naging maayos ang lahat at sana forever and ever and ever na. Ngayon araw, kasabay ng araw ng mga magigiting na guro ipinanganak ang babaeng babago sa akin, amin buhay.
sayang hindi nagana ang video namin habang nag-uusap...
Congrats!!!! :D
ReplyDeletecongrats... :)
ReplyDeleteang cute ng baby mo akoni. mana kay lola inzar! hahaha.
ReplyDeletecongrats!
Hmm.. di na mauulit? Ows? lol..
ReplyDeletePero true that. Mahirap yung sa isang babae, dala-dala na nya yung baby sa tummy nya in 9months, tapos grabe din ang sakit pag lalabas naa ang bata. STILL, kahit na anong hirap at sakit.. it's all worth it naman daw pag nakita na ang sariling anak.. flesh and blood. :)
May complications palang nangyari sa panganganak kay baby Akoni. Pero thank God naman at ayos na ang lahat.. :)
Congratulations!!! :)
errrrrrrrrrrrrrrrr.....hang kyut ng baby sa picture!!!! ang lucky mo!!!! congrats...napadaan lang...sobrang nakakatuwa ang baby ^_^ errrr
ReplyDeletehanna....magkape ka muna. kwentohan tayo.
ReplyDeletemeron bang like button dito? ang cute ng bebe mo pramis!
ReplyDeletelike button kamo? wala ata, etxt mo nalang sa akin.@paloma..:)) thanks
ReplyDeletesundan na kagad yan! once na magkasama ulit kayo ni wifey heheh
ReplyDeletenakakatuwa ka naman akoni.pero ramdam ko ang pag aalala mo, ang pagtulo ng iyong mga luha at ang walang katapusang pangako na mapapako.
ReplyDeletenaluluha na ako sa pagkatouch biglang bumalik dahil sa lababo.hahahah. ano yon at hinugasan sa lababo.
Tatay na tatay ka.wohhh.ang cute ng ni prensipe akoni parang ako lang ang saya-saya
Ang cute lang! Nakapangalumbaba pa eh. haha
ReplyDeletehehe..
ReplyDeletehankyut kyut tlga ng bebe mo..
^_^
hongkyut talaga ni lil akoni, nakalumbaba pa..hehehe
ReplyDeletehindi na talaga uulit? weh?
ang kyot ng pic. medyo nakaka-tense yung pace ng kwento, parang nakakakaba na ewan sa umpisa.
ReplyDeletebuti happy ending
you are going to be a sweet daddy. Naku natakot naman ako na lalo manganak. Pero I'm sure sabi ng heaven mo after, it's all worth it. nakaka-teary eyed ang kwento mo. I love this post. Isang side mo na di mo gaano napapakita sa blog na to. :)
ReplyDeleteMayen - hmmm..nakakatakot nga..Oo worth it naman daw, sabi pa eh parang mapaginip lang niya ung naramdaman niyang sakit, hindi na niya maalala kung gaano kasakit un. Alam ko ibig mong sabihin other side ko. :D
ReplyDeleteKhanto - lalo na nung nangyayari pa yan..hehe
tabian - hmmmm kailangan e-break ang pangako..LOL
ishe - thanks ms mask. :D
Charles - nasaktohan sa pagkuha ko ng pic sa kanya..hehe
Diamond - una hindi siya prinsipe, prinsesa sya, prinsisa akoni..haha..ewan nakita kong don nla hinugasan eh..
Bino -un na ang mangyayari..hahaha..di after 4 years pa.
Congratulations Akoni! ganyan talaga…
ReplyDeletecongrats.....agree ako sa sinabi ni palomah...
ReplyDeleteCONGRATS Brad! woot woot.
ReplyDeleteSure na ba yang hinding-hindi na uulit? ehehe.. practice lang ng practice pero wag mong talagang ituloy. eheheh ;P