Pambasag trip: Obvious siguro na sa taitol palang eh alam mo na kung tungkol saan 'to, kaya wag mo na taposin basahin, mag-comment kana tungkol sa biyenan para kunwari nabasa mo ng buo, LOL, oo ayos lang, naiitindihan kita dahil mahaba ito.
Nung unang panahon, naks hehe. Nun wala pa akong asawa (Oo may asawa na ako ngayon girls, boys at giboys, sorry LOL), isa sa kinatatakotan ko sa buhay ay ang magkaroon ng biyenan na tulad ng mga napapanood ko sa pelikula, mga nababasa ko na mga kwento at jokes, at mga naririnig na kwento ng mga lalakeng tungkol sa experiences nila sa kani-kaninlang biyenan, take note, hindi magagandang kwento, nakakatakot, mas nakakatakot pa sa paranormal activities o anu mang horror/suspense na movies.
Kinakabahan ako nun na baka ganun din ang maging biyenan ko, at dahil sa kaba ko ay na-visualized ko na baka maging biyenan ko ay ung parang bumubuga ng apoy, yung parang wild dragon slush monster, yung parang kartoon karakter na si Coyote na laging may masamang hangarin at laging may nakahandang patibong kay beep-beep, at parang isang bruha ng mga fairy tales, that's so nightmare, diba?
Takot ko lang talaga nun, dahil hindi ako sanay na mabungangaan ng ibang tao. Prinsepe ang turing sa akin ni mudah at fadah, wala akong ibang ginagawa sa bahay kundi magkamot at amoyin ang betlog ko at kuyukot ko habang nanonood ng mga kartoons sa telebisyon. Kahit ano gustohin ko ay binibigay nila sa akin, prinsepe eh, kapag sinabi kong "gusto ko...", masusunod un, kapag sinabi kong "hindi o ayaw ko", masusunod din un pero depende sa negosasyon. Ganun ako katindi sa bahay, isa akong napakawalang kwentang palamonin, isa akong prince, isang poor prince na inutil. Oo pobre kami, pero may karapatan parin ako mag-inarte, dahil ung mga kaya lang gawin o ibigay ng parents ko ang iniaarte ko, hehehe.
Tip: Kung gusto mong makuha mga kaartehan mo sa buhay, ung kaya mo o kayang ibigay sa'yo ng magulang mo ang ipag-inarte mo.
Ang sarap ng buhay ko nun sa bahay, kahit ano gawin ko hindi ako pinapakialaman ni Mudah at Fadah at nasanay na ako doon. Nasanay ako na hindi o walang bumabasag sa mga trips ko. Kaya, nagkaroon ako ng takot sa mga biyenan, un kasi ang mga kwento tungkol sa kanila eh, mga pakialamera, mga bungangera, at kung anu-ano pa.
Tulad ng joke na ito:
Pare saan ka galing?
Nakipaglibing lang pare....
ah...ganun ba...eh bakit puro ka kalmot?
Lumalaban pare...
ha? sino lumalaban?
BIYENAN ko.
Nakaramdam ako ng kaba na baka kako hindi lang ako lumabas ng kwarto eh baka kung anu-ano na ang sabihin ng magiging biyenan ko sa akin, baka kako pag nag-inarte ako sa pagkain eh kung anu-ano na ang sabihin sa akin ng magiging biyenan ko, at baka kako pakialam kaming mag-asawa sa mga trips namin, natakot me talaga kuya Eddie, napakasakit. Kaya nung magdesisyon akong magpapakasal na, kasama na don ang paghahanda sa magiging biyenan ko, this is sparta and this is war, ahoo!!!!!!! sabi ko sa sarili ko, bahala na si Manny Pacquiao, lalaban ako, patay kong patay kuya Eddie.
Pero mali pala ako, natuwa ako ng bongga kuya Eddie. Hindi ko aakalain na isa palang huwaran at dakilang ina ang magiging biyenan ko, isang mapagmahal at may takot sa diyos. Nahiya me sa sarili ko, dahil sa mga masasamang bagay na naisip ko tungkol sa mga biyenan, SORRY po. Ang swerte ko pala, dahil hindi lang mabait na tao ang biyenan ko, kundi isang mabuting tao at isang mahilig at naniniwala sa mga pamahiin.
At higit sa lahat, nagbi-birthday din ang biyenan ko, birthday niya ngayon kaya binabati ko siya ng isang maligayang kaarawan mommy, sana ay dumarami pa ang mga biyenan na katulad mo para dumarami din ang mga mag-asawang magkakaroon ng "lived happily ever after....". Maraming salamat mommy, I love you.
itutulog pa....
hahaha hindi ako nakinig sa payo mong mag-comment nalang. Ang totoo naintriga ako. Akala ko isa ka rin doon sa nagsasabing may pelikula na raw na ang title ay alay sa mga masusungit na biyenan. Yung ang pelikulang Resident Evil. hahaha Ako na korny. Napakayaman na mas higit ang mga taong mababait ang biyenan.
ReplyDeletewow.. 1 million pogi points ito sa byenan mo. Maswerte ka byanan mo. Ako din medyo may takot sa byanan. Kasi dukha din kami, pero feeling prinsesa din ako. Ayoko lang tumira sa magiging byanan ko kasi matutuklasan nila wala akong gaanong alam sa gawaing bahay. Pero buti mababait magulang ni jed, close ko sila ngayon pa lang. Pero ayoko pa din tumira sa kanila, baka kasi magbago pag nalaman nilang inutil din ako. haha..
ReplyDeleteHappy Birthday sa mommy ng heaven mo. Maswerte din sya sayo. :)
happy birthday sa kanya! swerte mo naman sa byenan! lol
ReplyDeleteukingina! nahilo ko sa pagbasa dahil sa kulay ng font mo!parang ayaw mo pa atang ipabasa,lalong nadagdagan sakit ng ulo ko, kailangan ko pang icopy-paste sa notepad!haha anyways, happy bday sa biyenan mo, hindi ko alam ang pUkiramdam dahil wala pa akong biyenan ang meron lang ako ay bayag.hahahaha
ReplyDeleteMark - hayop na PUKIramdam na yan, mabulag ka sana...LOL
ReplyDeleteBino -swertehan lang yan..LOL bihira lng makatsamba ng ganito..pero marami pang mangyayari, di natin alam..lol
Mayen - ayos yan close na kayo ng future mother in law mo. Iisang bahay lang kami ng biyenan ko. :) at hindi ako nakikitira sa kanila. :D
Joey - akala ko seryoso ka, nagjojoke ka pala...hahaha..pero natawa ako ng slight lang..:D
malamang gagawa na rin ng blog ang biyenan mo.Yon naman pala pagkatapos umalipusta ng mga kuro kuro tungkol sa mga kabiyenanan Papuri naman pala ang sadyang talaga.
ReplyDeletehappy birtday sa ulirang biyenan.
malamang gagawa na rin ng blog ang biyenan mo.Yon naman pala pagkatapos umalipusta ng mga kuro kuro tungkol sa mga kabiyenanan Papuri naman pala ang sadyang talaga.
ReplyDeletehappy birtday sa ulirang biyenan.
waihihihihihihihihihihi... alam mo naman siguro kuya na nagbasa ako.. at alam mo na kung anong dahilan ng tawa ko.. kase nakapag cr na ako at nakaligo na ako.. ibig sabihin. hindi ako mabaho nung dumalaw sa blog mo..
ReplyDeletekuya.. naku di nga naman lahat ng biyenan ay monster inc. katulad ng magiging biyenan ko.. supah bait.. lol.. pero wag ka mag assume.. matagal pa ko ikakasal.
inihaw.
HAPPY BIRTHDAY SA IYONG MOTHER sa batas.. lol.. dami mong LOL ngayon!! hhahahahhaa...
na missssssss ko kayo!!
classic yung joke na yown tungkol sa mga byenan..hahaha
ReplyDeletepero swerte mo sa kanya, malas nya sayo..XD joke!
nice ... wala akong tunay na biyenan ... hilaw na biyenan meron he he he ... pero segun din siguro kung mabait naman ang mga manugang , mabait din ang magiging biyenan ... ibig sabihin mabait kayo bilang manugang he he he ... ,meron din po akong post tungkol sa mga biyenan ... search n'yo lang sa site ko kung interested ... ingatz poh ..
ReplyDeleteDaming mga ganung usap-usapan about inlaws. Na kuno, masungit, suplada, mataray.. Siguro nga, merong mga ganun.. hehe. And so, swerte ka't mabait at may takot sa Dyos ang iyong byenan. :D
ReplyDeleteHappy birthday din sa kanya. :)
P.S.
Ang laki-laki naman ng iyong..... FONT. hehe.. Ayos. :)
Walang picture ni Biyenan? hahah demanding noh, nakikibasa lang nag-request pa ng picture.
ReplyDeleteButi hindi ka nag-warrior suit nung una mo silang nakilala dahil kung hindi baka hindi pumayag ang biyenan mo na isama mo si Heaven. hahaha.
Ang lahat ng bagay, pangyayari at tao sa mundo ay iba-iba. Meron syempreng mga biyenan na masungit pero hindi naman lahat ganun. Maswerte ka at mabait ang biyenan mo. Dapat lang i-celebrate and birthday niya di sa iyong kaharian.
HAPPY BIRTHDAY BIYENANI (byenan ni Akoni)..hahaha pauso ako!
Sey - nahirapan ako basahin ang BIYENANI...haha..pero cool! walng picture, hehe..ipapaalam ko muna.
ReplyDeleteLeah - ayan ok na font ko? LOL..
Edgar - siguro nga tama ka.thanks. sana nilagay mo ang link para hindi na magsearch..
tabian - JUlia...wala akong comment sayo, makishare ka nalang. thanks
Kamil - adik adik adik ka parin. pero namiss kita, promise!..namiss ko ang trio natin.
diamond - seryoso un ang isip ko sa kanila...hehe.. thanks pare.
ahahai
ReplyDeletegod bless sa pamilya mo kapatid :)
May tanong ako .... May facebook ba ang biyenan mo? hahaha *wink
ReplyDeletehow about twitter? Pakisabi nalang happy kaarawan!
ReplyDeleteayun naman pala sir akoni.. aba eh happy birthday sa kanya.. napakaswerte mo talagang nilalang. :)
ReplyDeleteokay sir akoni ... eto yung link para sa biyenan post ko ... thank you very much ...
ReplyDeletehttp://epbites.blogspot.com/2011/02/biyenan.html