Para sa pa-kontes ng isang BULAKBOL na BOLERO, |
"Saan ka man magpunta laging may lugar na makakapagbigay sa'yo ng kapayapan ng isip. Adik!! Hindi 'yan sementeryo"
Para sa mga mambabasa ng Akonilandiya:
"5. maari mong samahan ng blog post ang iyong pyesa pero hindi ito required at walang timbang sa paghuhusga ng mga hurado." -BulakBOLBOLero
At dahil sinabi ni bolero na wala daw timbang sa panghuhusga ang idadagdag na blog sa Photo contest niya, pwes ipinagbabawal ko din na basahin 'to ng mga hurado ng pakontes, joyk!!
Kung mayroon si bolero syempre dapat mayroon din ang mga mambabasa ko, kaya dedicated din to sa kanila, hehehe. Mahal ko ang mga mambabasa ko kahit alam kong kakaunti lang sila, si mama, asawa ko at mga ilang kaibigan, joke, pati ung ibang mambabasa ng Akonilandiya na 'di ko kakilala (Paramdam naman kayo para matahimik na kayo, amen).
Nawala ako ng halos dalawang buwan, kaya sobrang namiss ko ang pagba-blog at dahil sa may hangover part 2 pa ako sa bakasyon ko, nahihirapan ako ngayon humuli ng mga guni-guning ligaw at gumiling ng mga kalokohan sa utak ko (lagi ko nalang 'to nasasambit, wala lang pampahaba na din, tulad nitong dinagdag ko, humaba pa ng kaunti, hehehe at hahaha).
Buti nalang nakita ko ang pakontes ng isang bolero, kaya laking tuwa me dahil may premyo pa 'to. Isang camera na pang-scandal para sa ultimate winner, isang water bottle na nailaw sa dilim para sa pangatlo, at isang tuwalya na pampunas sa........para naman sa pangalawa. Nakakakilig lang ung tuwalya!
Buti nalang nakita ko ang pakontes ng isang bolero, kaya laking tuwa me dahil may premyo pa 'to. Isang camera na pang-scandal para sa ultimate winner, isang water bottle na nailaw sa dilim para sa pangatlo, at isang tuwalya na pampunas sa........para naman sa pangalawa. Nakakakilig lang ung tuwalya!
Maraming pakontes ngayon sa blog sphere, gusto ko sana salihan lahat para masubokan ang mga natutunan kong skills sa pagsusulat sa mga ibang bloggers, kaso hiya me, ayiiiii, at ang hirap magkwento, wala me tamod sa mood, namimiss ko kasi ang pinas, ang family ko, ang kapitbahay namin na nagtatapon ng basura sa tapat ng bahay namin, pati narin ung matandang may mga pananim na kung anu-ano (sayote, kamoteng kahoy, papaya, saging, mangga, at shit) sa kanyang bakanteng lupa at syempre my Lil Akoni.
I am crying inside now, at sana puwedi ako kumain ng panyo para mapunas ang mga luhang iyon.
Sabi na eh, magiging emo 'to. Balik tayo sa larawan para sa pakontes ni bolero, kuha ko yan gamit ang Nokia N70 phone ko nun 2009, sa isang pasyalan ng mga pilipino dito sa Riyadh, sa Al-Heir. Kamsa-Kamsa (Five-Five) ang tawag ng mga pilipino dahil sa may entrance na Five riyals. 'yan ang una kong napasyalan dito sa Riyadh, at nagustohan ko dahil panandalian napatahimik nito pag-iisip at kalooban ko. Nakita ko ang mga puno ng dates na buhay na buhay, may isang nakakaakit na ilog, matarik na bundok ng tagumpay, malawak at nakakaantok na kalangitan, at kasiyahan ng mga tao roon na nagsilbing musika sa akin pandinig.
Bilang isang OFW dito sa gitnang silangan, bihira lang ang ganyang karanasan, ang matagpuan mo ang katahimikan sa isang lugar na ikaw ay isang dayuhan.
Hope you could get some sleep. :)
ReplyDeleteayun oh! naipost na ang kanyang entry! :D
ReplyDeletenaku, mukang simula na talaga ng kontest, meron na din si bino :D
ReplyDeleteayun nabuksan ko na ang blog mo. last time kasi laging may warning na virus ba yun. akala ko joke mo lang yun. anyway, nice pic. sana manalo ka.!! miss ko na talaga magbasa ng blogs mo. unstable lang internet connection ko, kaya bago pa mawala ulit. publish ko na to. :)
ReplyDeleteMayen - thank you always..siguro ka wala nang dumadalaw sa akin dito dahil sa malware na daw un...hehe..di ko alam, i hope wala na siya...ganun din nangyayari sa ibang bloggers.
ReplyDeleteKhanto - Naku, Oo. Sali YoU!
Bino - May the best photo win
Pointless - HUH?!
Hay good luck sana manalo ka. Galing ng caption mo. Galing ako dun sa site ng contest binasa ko yung criteria. hahaha.
ReplyDeleteAt ang galing ng pagkaka-enumerate mo ng mga premyo, una, pangatlo tapos pangalawa. Hahaha, kahit pala hindi ka mag-isip ng guni-guning ligaw,natural silang lumalabas. Dun palang natawa na ako paano pag nag-seryoso ka pa sa paggiling ng guniguni mong ligaw.
Kamsa -kamsa.la lang masaya lang ako sa inuulit ulit kasi uso yan dito sa paligid namin. at dahil sa diyan nakalimutan ko na ang sasabihin ko.
ReplyDeletecongrats sa entry mo.
Good luck sa entry mo! :)
ReplyDeleteNice piece, I hope you win! =)
ReplyDeletegood luck sa iyo....dami ngang pakontest dito....
ReplyDeleteayun oh! sumali na rin, goodluck sa atin :D
ReplyDeletegudluck dito parekoy.. aba ay nagbakasyon ka pala dito sa atin eh..
ReplyDeletemagandang araw sayo :)
Istambay - Oo parekoy, kakabalik ko lang 2 weeks ago.
ReplyDeleteCM - may the best photo win.
Arvin - sali ka din. :))
isp - thank pare...
empi - saan entry mo?
diamond - hahaha..nakalimut. Oo parang miya-miya..LOL..kaya tawag din don sa lugar na un eh kamsa-kamsa..hehe
Sey - thanks....dugo't pawis puhunan ko sa caption na yan..lol
parang sa probinsya lang namin yung pic. lolz!
ReplyDeletemakikiraan po. :)
goodluck sa entry mo :)
ReplyDeletemabuhay tayong mga OFW! (kampanya?!)
ReplyDeletehehe. apir!
pareng akoni, salamat sa pag-sali. ganda ng kuha \m/
ReplyDelete