nuffnang

Saturday, October 8, 2011

Sapat na 'to



May mahalaga akong kuwento ngayon sa inyo, isang pangyayaring hindi ko makalimutan nung bata pa ako at sa tuwing naaalala ko ay natatawa ang aking diwa. Pero bago 'yan, sa intro muna tayo...

Halos lahat ata ng sinulat ko ay mayroon intro, hindi ko alam pero parang hindi ko magawang magsulat kong walang pasakalye, sa ganitong paraan kasi nakakabuo ako ng kwento, may silbi man o wala. Siguro dahil sa bulok na ang utak ko na parang bulok na sasakyan? na kailangan itulak muna bago umandar?

Parang sex kasi ito eh, kailangan ninyo muna mag-oooppppssss....wag na 'yan, may mga bata.

Dumadating talaga sa isang blogger na kahit gusto niyang magsulat ay wala parin siyang maisip na maganda at panget na topic, pero panget na kapitbahay ay madami. Tulad ko ngayon, wala akong magawa. Kanina ko pa gustong magsulat para naman kapag napadaan si boss ay makita niyang busy ako kunwari, pero taeness, ang hirap magsulat na wala kang iniisip na topic, nakakagago lang.


Buti nalang puwedi ako magsulat kahit hanggang intro nalang muna at pasensya na hanggang intro lang muna ang kayang kong isulat sa ngayon, hehehehe.

....Sapat na siguro 'to.

Ayy Oo sapat na 'to, kaya hanggang sa muli earthlings!


14 comments:

  1. Hahaha... Ampootah! Sige intro nalang ng intro. Ako den wala na maisip isulat e

    ReplyDelete
  2. Lol.. kahit intro, you're making sense naman. haha!! Ayos lang yan. Sumulat lang pag meron nang feel mo na. Wag ipressure. wag ipilit.. wala naman tayong hinahabol na quota diba? :)

    ReplyDelete
  3. Bolero - hehehe...unti-untiin muna..

    leah - feel ko naman magsulat araw-araw eh, kaso wala ngang maisip na isusulat. pero tama ka, wala tayong hinahabol na quota, pero kawawa mga taga subaybay natin..LOL (feelerSsss)

    ReplyDelete
  4. ok antayin ko ung body tapos nitong intro hehehe

    ReplyDelete
  5. nabilaukan ako sa kakatawa.Dahil di ko inaasahang tatapusin mong bigla ng ganyan lang ang lagay intro lang talaga.

    Ikaw na.

    ReplyDelete
  6. eto ang pinakamakabuluhang post mo, pero ang pinaka da best talaga ay yung movie review mo.hahaha

    ReplyDelete
  7. kung nakapag iisip ka ng isulat ay sulat ka madami tapos save mo lang sa draft ng email mo...para kung dumating man na wala kang maisip isulat ay mayroon nakatago sa email.....ganun kasi ako....madami akong naka save sa email ko na for posting sa blog ko....katulad ng sinulat ko na ang pamagat ay HANGAD, PABANGO....AT IBA PA..

    ReplyDelete
  8. sabaw din ang utak ko...

    pero kahit nman wala ka maisulat,at ganito ang sulat mo ngayun,hindi nawawala ang mapatawa me..lels..


    -jay

    ReplyDelete
  9. Jay - ano ginagawa mo dyan sa ilalim?

    Arvin - parang gusto ko mabasa ung At iba pa mo. salamat sa advice, pero tamad ako pagganun...hehe

    Tonto ka, h ahaha...dapat damihan ko ung movie preview..LOL

    Diamond - hanggang intro lang ang kaya ngayon...hehe

    Bino - baka buksan o sa makalawa, malay mo balang araw...

    ReplyDelete
  10. pero mahaba na yung nasulat mo ah hahaha

    ReplyDelete
  11. ahahahaha. sabaw ka akoni. tinatamaan ka ng kasabawan :D

    ReplyDelete
  12. ayos lang minsan talag nangyayari yan. babalik din ang mga letra sayo soon at ang mga ligaw na guni-guni baka nag day off lang. kaiangan din nila yun para fresh pagbalik. :)

    ReplyDelete
  13. hahaha what an informative post... hahaha

    ReplyDelete
  14. ay sobrang dami kong natutunan. :P
    adik!

    ReplyDelete