Syempre si Lil Akoni model natin....LOL |
Umpisahan natin sa tanong na, "Bakit umiiyak ang sanggol pagkapanganak galing sa sinapupunan ng ina?"
A. Ayaw pang lumabas dahil mas masarap ang buhay niya sa loob
B. Dahil panget ang Doctor at maid-wife niya
C. May puot sa kanyang puso dahil pinalo ng doctor
D. Dahil madaming utang ang parents niya
E. Nasaktan dahil sa masikip at madumi na dinaanan
F. O dahil sira ulo ang author ng akonilandiya
Sigurado ako na may dahilan kung bakit sila umiiyak. Pero ayon sa aking pananaliksik na wala naman, napag-alaman ko na kaya pala umiiyak ang mga bagong sanggol ay dahil humihingi sila ng tawad sa kanilang mga magulang. Oo, ganun ka, ganun ako, ganun sila, at ganun tayo lahat nung kakapanganak palang sa atin. Dahil sa hirap na dinaranas ng magulang natin lalo na ang mga Ina natin habang pinagbubuntis tayo, napapaiyak nalang tayo, dahil 'yon ang paraan ng isang sanggol upang humingi ng tawad sa kanilang ina, dahil sa sakit na naramdaman habang pinapanganak tayo.
Hindi ba't ang paghingi ng tawad ay isang gamot? Oo naniniwala ako na ang paghingi ng tawad at pagpapatawad ay isang napakalaking kagagohan gamot, kaya nito paghilumin kung anu mang sugat na hindi nakikita na hindi kayang gamotin ng ano mang drug medicines na nabibili sa suking botika at albularyo, tulad ng puot sa puso o sakit ng kalooban/sama ng loob. Subukan mong patawarin ang mga nagkasala sayo giginhawa ang pakiramdam mo at subukan mo humihingi ng tawad sa pinagkasalaan mo babarilin ka niya, joke, syempre mapatawad ka man o hindi, giginhawa parin ang pakiramdaman mo.
At napapalayo na ako, balikan natin ang pag-iyak ng sanggol baka mapanis. Uuletin ko, kaya umiiyak ang sanggol pagkapanganak ay dahil humihingi sila ng tawad sa kanilang Ina. 'yon din ang dahilan kung bakit nanapalo ng mga doctor ang sanggol if in case na hindi ito maiyak agad, parang sinasabi nila "Oissstttt, magsorry ka sa mama mo." automatic 'yon.
Hindi ba't pagkarinig din ng isang ina sa iyak ng kanilang bagong silang na supling ay nakakalimutan nila ang lahat? nawawala daw sa isip nila ang sobrang sakit na naramdaman nila, ni hindi daw nila maaalala 'yon, dahil tinanggap nila ang SORRY ng kanilang anak.
Sa totoo lang, alam naman natin lahat ng pinagdaanan natin sa loob ng tiyan ng atin ina eh, aware tayo don pati ginagawa ng tatay natin habang pinagbubuntis pa tayo (insert dirty thoughts), kaso pagkalabas natin naglalaho na ang lahat ng alaala na 'yon. Ayaw mo maniwala? bahala ka.
Paano earthlings, hanggang dito nalang....hanggang sa susunod na kalokohang guni-guni.
naks, seryoso to ah. iba na talaga pag tatay.
ReplyDeletei agree to this!
ReplyDeleteminsan naiinis ako sa mga batang iyakin. :D
ReplyDeleteDi ba nga yung ibang nanay naiyak pa pagkakita sa baby nila, siguro yun naman way ng mga nanay to say "I forgive you AnaK", hahaha!. Pero parang mas gusto ko yung mga reasons na binigay mo.
ReplyDeleteDiba sabi din ng iba kapag nanganak na ang isang babae dun palang siya nakabayad ng utang sa kanyang mama dahil sa hirap na dinanas nito sa paglabas niya. Hehehe.
Yung forgiveness, hmmm oo masarap siguro magpatawad, syempre sa mga taong humihingi din ng tawad. Pero pasasaan ba kahit hindi nahingi ng tawad patatawarin din pagdating ng panahon.
Bow!
Hahaha saktong-sakto ang pagbabasa ko rito. Noong linggo lang kasi ay lumabas na rin ang inaabangan naming anghel. Happy father's day sa atin sir Akoni kahit malayo pa yun.
ReplyDeleteApir Joey...advance din sayo..excited ka ba? ako rin eh..haha
ReplyDeleteSey - tama...:) alin ang gusto mo sa reason na binigay ko, ung letter F? hahaha...minsan may puot na nababaon hanggang hukay/
double bow
EMPI - ako depende sa edad ng bata.
Palomah - thanks :)
Bolero - kailangan magpakatatay..LOL
muli, congrats sa pagiging ama :)
ReplyDeletecongrats sa baby mo... sana ako din magkaroon na rin ng sarili kong anghel. :D
ReplyDeletewey. hindi nga? :P
ReplyDeletenatawa lang ako sa insert dirty thoughts. ayun, basag!
so ibig sabihin mun sumeseryoso ka na.. hehehe
ReplyDeleteMinsan lang kiko...hehe
ReplyDeleteNieco, natawa ka dahil nag-insert ka..haha
artie - gustohin ko man gumawa tayo, hindi puwedi...tsk