nuffnang

Friday, September 30, 2011

Anak ng PHOTO




Totoo talaga ang sinasabing "GHOST EMPLOYEE"


Ang galing nila noh? tingnan mo ung nakapula, parang nakalutang sa ere, tapos ang nakajacket ng itim, hindi pantay ang paa, hahaha, MAGIC. Tapos ung nakapula at nakajacket ng itim, may kakambal ata don sa may ibabaw ng ulo ni nakapula, ang galing nila noh? ang galing-galing nila manluko ng tao.

Haduken at hami-hami wave mo sila dito.

Ganun na ba talaga ang tingin sa atin ng karamihan officials ng atin goberno? Madaling lukohin, linlangin, bobohin, tangain, litohin, taehan, ihian, pagsamantalahan, at kung anu-ano pang pambubwesit sa atin mga pilipino.

Hindi ko alam kung anu nakain nila para gumawa ng ganitong ka-cheapan, nandon naman daw sila sa oras na yon, nag-cropped sila ng image para gumanda ang angulo nila, pero anak ng PHOTO naman, kailangan pa ba 'yun? bakit kailangan pang magpa Photoshop para ilagay mo lang sarili mo sa isang magandang location? Sobrang halatang halata na papogi poinst lang 'yun.

Ano ba ang pumasok sa isip nila at naisipan nilang pekehin 'yan, dahil ba sa iniisip nila na madali tayong lukohin mga pilipino, na mga tanga tayo, na mga gago pero magaganda at mga pogi tayo? o sanhi lang yan ng ugali nating gaya-gaya puto-maya?

Narito ang ginaya PHOTO-maya nila. CLICK HERE


Para sa ibang nakakaluko na PHOTOS nila.





13 comments:

  1. tinitigan ko pa talagay ung photo hehehe. ghost employees nga lels

    ReplyDelete
  2. Namputa naman oh pati sa ahensiya ng gobyerno may photoshopper sila?

    ReplyDelete
  3. ANG LAGAY DI NA NAHIYA.kailangan pa bang mag pogi at pomorma sa mga kalamidad na ganyan. Wait may malalaglag bang mga bato at tudo nakahelmet ang kolokoy.Eh kung ganon dapat nakatudo protection na sila sa photoshop na yan.
    Ang gusto kong malaman sino ang gumawa ng photoshop at inilagay naman sa kahihiyan ang mga ito.Magresigned ka na sa modelo lang yan ginawa di sa mga officials.

    ReplyDelete
  4. obvious na photoshop... patunay lng yan na tamad sila!

    ReplyDelete
  5. Grabe naman yan. Panahon na ng sakuna ganon pa din!

    ReplyDelete
  6. magkano kaya ang nakalaan para sa project sa makita sa picture..hehe..

    ReplyDelete
  7. sabi ng kaibigan ko....dapat sa China nangyari ang tsunami hindi sa Japan....kasi ang gawang Japan ay mabuti..matibay ang produkto....pero sa china ay hindi....madali lang masira o mapalitan..

    ReplyDelete
  8. ano nga kaya kung magkaroon ng napakalaking tsunami sa China na abot hanggang 100 talampakan ang taas....mga produkto ng China sinasadya na hindi pangmatagalan para madami silang kita.....mga intsik....hindi nakapagtataka na may mga intsik na pinapatay dito sa Pilipinas....inaambush....binabaril ng riding in tandem....

    ReplyDelete
  9. Mga chinese ang boss natin sa pinas ARVIN, baka nakakalimutan mo. Mga chinese ang isa sa malaking naitutulong sa economy natin.

    Sey - panahon ng sakuna, means panahon ng pagpapapogi

    Papa Rico - patunay na kulang sila sa budget para kumuha ng pinakamagalin mag Photoshop.

    Diamond - baka may umipot sa kanya na ibon kaya nakahelmet

    Joey - hindi lang serbisyo nila ng "pinophotoshop" nila ngayon...talo-talo na to.

    hehe--ang ebedisya @bino

    ReplyDelete
  10. Hindi sila mabubuting boss......pahirap din sila..

    ReplyDelete
  11. Oo nga, halata na ginamitan ng photoshop.

    Grabe. This is just so blatant, I doubt if these corrupted people will ever have kahihiyan to admit na ginawa/pinagawa nila ito.

    ReplyDelete
  12. Diyaan famous ang mga filipino politicians, ONLY IN THE PHILIPPINES! hehehe! =)

    ReplyDelete
  13. tsk tsk tsk bad. sobrang bad..ng nag edit. ehehe
    tanga tanga lang na hindi dinuble check.

    ReplyDelete