nuffnang

Tuesday, September 27, 2011

Bagahe ng isang OFW



Sa loob ng NAIA terminal, nakatayo ako, hawak ang isang trolley bag na kulay pula, at pasan ang kulay pula din na bag pack. Kulay dugo, parang sumisimbolo sa akin na nagdurugo ang puso ko sa mga oras na ‘yun dahil sa daladala kong sangkatutak na kalungkotan. Tatlo ang dala kong bagahe, isang kulay pula na trolley bag, isang kulay pula na bagpack at isang nagdurugong damdamin dahil sa kalungkotan. Sa tatlong bagahe na dala ko, alam mo na kung alin ang pinakamabigat.

Habang nakatayo ako, huminga muna ako ng malalim saka tiningnan ang aking relo, lagpas alas 10 na ng umaga, mahigit dalawang oras pa bago ang aking flight. Nilakbay ng aking paningin ang loob ng paliparan, ang daming tao, karamihan ay aalis din tulad ko na may dala-dalang bagahe ng isang OFW, ang kalungkotan bag.

May mga nakapila sa kilohan ng bagahe, ung iba nakaupo lang na parang tanga, ung iba nasa isang sulok nagpupunas ng luha, ung iba may kausap sa telepono at umiiyak/tumatawa. Karamihan sa kanila ay aalis din papuntang ibang bansa para doon magtrabaho, pero gaano din kaya kabigat ang kanilang bagahe ng isang OFW?

Huminga ulet ako ng malalim, nag-ayos ng aking polo na kulay blue, nagpapahiwatid na naman ng kalungkotan “I am so blue…” pero hindi ako si Agua Bendita. Hinatak ko ang aking trolley bag at lumapit sa mga taong nakapila, nakipila narin ako. Dahil sa bagal ng pag-usad ng pila naisip ko tuloy ang aking pamilya, nalungkot ako lalo “Isang taon na naman ako mawawalay sa inyo” sa isip ko. Naramdaman ko lalong bumigat ang dala-dala kong kalungkotan, huminga ako ulet ng malalim, pero sa pagkakataon ‘yun hindi na nakuha sa pag-exhale at pag-inhale lang, lalo pang bumigat hangang sa naramdaman kong lumalabas na ang excess baggage kong kalungkotan sa aking mga mata.

Sinbilis ni FPJ sa pagbunot ng baril ang paghugot ko sa aking panyo, amang-panot-naman-oh!!! kulay blue rin ang aking panyo, kalungkotan ang pinapahiwatig ng aking polo at panyo. Nagpunas ako ng likido sa aking mga mata, sininghot ang sipon na kanina pang excited lumabas at dinilaan idiniin ang panyo sa aking mga mata, 100% cotton kasi, super absorber. “Excuse me sir” biglang dinig ko habang nakadiin parin ang panyo sa aking mata. Pagtanggal ko sa panyo, nakita kong nakatingin sa akin ang babae, nag-smile (landi-smile) ako sa kanya, binuhat ko ang aking trolley at nilagay sa kilohan nasa harap niya. 14.7 kilos, ang gaan, pero pakiramdam ko sobrang bigat ng dala ko, sobrang bigat ng bagahe ko.

“Wala ba kayong kilohan para sa kalungkotan?” tanong ko sa babae, nakakunot-noo tinitigan ako na parang nagtatanong, at parang pilit na kinukuha kung ano ang ibig kong sabihin. Kaya bago lumabas sa butas ng ilong niya at taenga niya ang kanyang utak, nagsalita ako. “Joke lang ‘yun, pero sana talaga may kilohan para sa dala namin bagahe na kalungkotan at sana may limit din ang madadala namin para tama lang ang hirap na mararamdaman namin sa ibang bansa”, natawa lang ung babae, nagkatitigan kami hanggang sa magdikit ang aming mga labi, hehehe, syempre dyok lang ‘yan.

End of part 1

“Sana may kilohan ng kalungkotan, para limitado din ang nadadala/baon namin lungkot sa ibang bansa.”

Akoni

22 comments:

  1. NAKAKALUNGKOT talaga umalis,andyan nga at iiwan mo ang ang iyon pamilya,ang sakit sa dibdin,pero kailangan.

    kailangan magtiis...

    akala ko peba entry mo ito nung sinisimulan kung basahin heheehe


    kumusta?

    ReplyDelete
  2. tama, dahil kailangan...natatamad me sumali ng mga pakontes...hehe..ung kay bolero lang, sasali me, madali lang eh..lol

    Ayosni Akoni!

    ReplyDelete
  3. Ako hindi na siguro malulungkot kung aalis ako,kasi handa na ako umalis, ang problema ay dahil hindi agad ako pumayag na umalis, ibinigay ang chance sa iba. Kaya hindi na ko aalis talaga wahaha... pota walang kwenta ang koment ko.

    ReplyDelete
  4. yan ang gusto ko sayo mga walang kwenta mong koment...lol..ang gulo ng semen mo. @mark

    ReplyDelete
  5. i feel you akoni!! at mararamdaman ko na din ulit yang kalungkutan na yan son

    ReplyDelete
  6. hahaha, bakit kaya 50 years bago lumabas ang bago kong post sa mga blogroll niyo... kaasar much.

    ReplyDelete
  7. Oo nga...nakailang refresh na ako, di parin nalabas sa blogroll ko, mamaya pa un siguro..nandyan pa si pedring eh.

    ReplyDelete
  8. hahay..nalungkot tuloy me sa post mo..ang bigat brad, parang ang hirap talaga ng mga pinagdadaanan mo..di ko carry!

    iiyak me ng popcorn na talaga...huhuhu

    ReplyDelete
  9. “Sana may kilohan ng kalungkotan, para limitado din ang nadadala/baon namin lungkot sa ibang bansa.” >>> tama... dapat may weight limit... bawal ang over over sa lungkot :(

    ReplyDelete
  10. puno ng emosyon ang post na ito parekoy.. bakit kaya hindi kasiyahan ang ating baunin sa pag alis no?

    di bale, walang limit na kasiyahan naman ang dala mo pagbalik..

    magandang araw

    ReplyDelete
  11. ouch naman oh. tsk. ramdam na randam talagang nawili ka sa anakis mo. ehehe

    pero uki lang yan, kaya mo yan. :D

    ReplyDelete
  12. “Sana may kilohan ng kalungkotan, para limitado din ang nadadala/baon namin lungkot sa ibang bansa.” - so true, Akoni... Alam na alam ko ang pakiramdam na yan... Haaaay....
    I hope you're feeling a bit better... Di bale minsan kapag busy ka sa work bumibilis na rin ang oras, di mo mamamalayan pauwi ka na ulit =)

    ReplyDelete
  13. Kristeta - ang probs eh, petiks palagi dito sa work eh...hehe..

    Nieco - yoh niecs! syempre kaya to..akoni eh..

    Istanbay - parekoy, ung happiness naiiwan sa pamilya. :)

    Khanto - un ang gagawan ko ng paraan..lol makahanap ng timbangan ng kalungkotan.

    Tabian - pakain mo sa akin ang popcorn na iiyak mo..hehe..Pero i am fine naman, carry lang.

    Akoni

    ReplyDelete
  14. ako tawa tawa ng tawa sa mga patawang naisingit.pasinsiya na di ako makarelate sa mga kalungkutang yan.Masaya kasi ako ng umalis sa amin dahil di ko na makikita ng mga pasaway na buwaya.Masaya dahil may ginhawa akong makukuha dito na di ko makukuha kong di ako aalis.at ginhawang maibibigay sa mga iiwan ko.

    Ganon pa man dahil iniwan mo si baby akoni sobrang bigat nga ito.Pero kayanin mo at lampasan.
    yong halaan naisingit ko na.

    ReplyDelete
  15. nice post, ako nung aalis din ng pinas, hindi ako masyadong nalungkot kasi eksyted ako sa pupuntahan kong bansa, ibang lugar, ibang bagay,ibang lengwahe, ibang tao, at iba iba talaga. Peru nung tumungtong nako sa kanilang lugar,iba pala ang pakiramdam, doon nagsimula ang aking pagka PULA, pagdurugo sa puso na tila bang gusto ko ng bumalik sa pinas, malungkot, walang kasamang pamilya sa araw araw, walang makausap at walang pamilyang kasama sa bahay. Mahirap mahiwalay sa pamilya. Kaya dapat lakas ng loob at tyaga lang talaga. :) ( senysa na sa comment ) :)

    natawa ako sa bandang huli, kala ko nagdikit na tlaga ang mga lani nyu.. hehehe

    padaan po.. :)

    ReplyDelete
  16. pahabol, mali pala nalagay kong link.. :)

    ReplyDelete
  17. sino kaya mag iimbento ng ganun..ayos lang iyon..

    ReplyDelete
  18. hahanapin ko Arvin, para sayo..hehe

    Hello pink diaries, un welcome to akonilandiya, salamat sa pagbisita, ikaw ba ung si len? hehe

    Len - Thank you len. Oo mahirap mawalay sa pamilya, solo mo sarili mo..as in solo..hehe

    arce - ganun nga un..dahil kay akoni at heaven. :)

    ReplyDelete
  19. Di ko pa naexperience ang mang iwan pero ang iwanan ako..oo..di ko alam ang feeling pa pero dahil sa post mo iadvance ko na ang ngawa ko..swimming pool na ang kwarto ko sa ngayon baka sa susunod maging dagat na sa gitna ng disyerto..

    ReplyDelete
  20. Iya_khin, medyo nagulohan ako don sa huli mong sinambit...hindi ko naexperience ang iwanan dahil lagi ak ang nang-iiwan. kabaliktaran pala kita, apir!!

    ReplyDelete
  21. Nyahay para tuloy gusto ko ng umurong sa plano ko. Speechless ako at alam kong kahit anong sabihin ko baka hindi mapagaan ang bagahe mo.

    ito na lang Shake it Off, Rise Up and Get Going haha!

    ReplyDelete