Nung buhay pa ang lola ko (sumalangit nawa ang kaluluwa), laging sinasabi sa akin na may mga anghel daw na nagpapanggap na tao dito sa lupa, kaya dapat daw laging mabait me sa lahat ng tao para matuwa daw sila sa akin at biyayaan ako. Syempre dahil sa kamusmusan ng isipan ko, naniwala ako, at inisip na baka isa sa kanila ang lola ko, baka kako nagpapahiwatig na anghel siya sa lupa.
Mula nun naging maingat ako sa mga tao, naging mabait me at palangiti, tapos minsan din naiisip ko na baka isa ako sa kanila, iniisip ko na isang araw may lalabas na pakpak mula sa likod ko at magfly to the moon and back na ako. Pero nung lumaki na ako at natuto na magbate, na-realized ko na luko-loko din pala ang lola ko, at kalokohan din na isipin kong isa akong anghel, syempre anghel nagbabate? kalokohan!!! diba?
Saka kahit minsan ay wala akong nakitang anghel sa lupa, demonyo sa lupa mayroon, madami, ang mga pulitiko at karamihan ay nasa malakanya, at kung saan-saan nalang, ung pinakademonyo nga nagmasaker ng mahigit limanpung katao, dba?
At saka isa na ata ako sa mga demonyo sa lupa, hehehe, minsan kasi may nagsabi sa akin in my face na babae na galit na galit pa, sabi eh "DEMONYO ka!!!" tapos may kasunod pang sampal, ouch, ang sakit ng pagkakasabi. Pero, dito sa lupa, demonyo ka man o Ampatuan, laging may pag-asa para magbago at maging malaanghel ang pag-uugali.
Remider: Pag-uugali ang tinutukoy kong puwedi maging malaanghel ah, hindi kasama don ang hitsura.
Hindi ko alam kung anu ang hitsura ng mga anghel, pero ung may pagkaugaling anghel (mababait na anghel)? marami, salamat sa diyos, dahil kahit punong-puno ng mga demonyo ang lupa, may mga tao parin malaanghel ang pag-uugali. At isa ako sa mga masusuwerteng demonyo sa lupa, dahil napapaligiran ako ng mga taong may mga pusong malaanghel. Alam niyo na kung sino kayo, MARAMING SALAMAT SA INYO!!!! (Lalo kana, akin gabay, hehehehe).
Wow! Ganda, sana makita yang angel na yan
ReplyDeletemagandang araw sayo parekoy.. mustasa?
ReplyDeletenapaisip tuloy ako, hindi kaya anghel din ako hehehe....
marami talaga ang anghel, kahit ang nasa pwesto eh anghel ang mga yan.. anghel ng demonyo.. :) (bad ko :)
balanse.. ibig sabihin lang, balanse ang mundo.. may masama at may mabuti.. hindi pedeng puro kabutihan lang.. may masama din.. un ang spice.. ang paanghang ng buhay.
kabutihan pa din ang mangingibabaw.. paniwala ko jan..
aba'y walang anuman. feeling anghel ako? lol
ReplyDeletekerek! you're welcome brader! hehehe
ReplyDeleteWag ka, may mga mala-anghel ang mukha pero grabe ang ugali mala-demonyo. hehehe!
ReplyDeletean swerte mo ang daming mala-anhel sa buhay mo. kahit na minsan naging demonyo ka. haha...
ReplyDeleteparang gusto ko na atang bumalik sa langit... ahahaha
ReplyDeletemadami ngang demonyo dito sa lupa.....minsan ang mga anghel na matatawag ay tukso kaya nadedemonyo ang isipan..
ReplyDeletehehe... tama ka dyan kuya :)
ReplyDeleteParang may ampalaya sa post na ito at sanay tamaan siya ng bato Pero di yon ang mahalag nasaan ka na ba haring akoni? Miss ko na ang ang mga post mo
ReplyDelete