Imagine this without thinking: Nakaupo ka sa balcony, masarap ang simoy ng hangin, mga ibon nagtutwitan sa isa't isa, may tumutugtog na musika at tanaw mo ang isang lake. Hmmmm...ang ganda ng lake, siguro ang sarap maligo dun. Nangiti at naisip ko, siguro ang dami naliligong nakahubad sa lake ngayon.
Napalingon ako sa akin bandang kanan, isang malaanghel na natutulog at isang inang mapagmahal na nakabantay, ang aking mag-ina. Nangiti at naisip ko, magiging mabuting asawa at ama ako, kahit may halong lungkot dahil maghihiwahiwalay na naman kaming tatlo. Isa lang ang dasal ko sa diyos, kayanin namin ang lungkot at maitindihan kami ng amin anak pagdating ng panahon.
Napalingon ako sa akin bandang kaliwa, tanaw ko ang labas, tahimik. May mga kabataan nakatambay, nagtatawanan, nag-aalaskahan, at pabonggahan ng porma. Nangiti at naisip ko, ilan kaya sa kanila ang magiging OFW? Ilan din kaya sa kanila ang matutulad sa amin kapalaran, ilan kaya sa kanila ang makakaramdam ng lungkot ng isang ama tulad ko? Dahil gustohin ko man o hindi, kailangan ko mangibang bansa para sa akin pamilya. Huling tanong sa isip ko, mayroon kaya sa kanila?
Note: Pasensya na, walang sapat na oras ang prinsepe para dumalaw sa inyo.
di ko alam kung ilan sa mga nakita mo ang possibleng maging ofw tulad mo pero dedepende siguro yun sa magiging takbo ng tadhana. :D
ReplyDeleteoks lang na di ka dumalaw muna kasi you need to focus sa family mo habang andito ka sa pinas. family first :D
bahala na si Batman sa tadhana nila...
ReplyDeleteKelan balik mo sa bansang api? LOL
Sulit na sulit ang bakasyon mo.
ReplyDeletenabungaran ka nang isang cute na anghel..
Bye philippines ka na pala uli...
na sad naman ako dito brad..:(
ReplyDeletepero para naman yan kay lil akoni eh, magegets din nya yan pagdating ng panahon..
bon voyage! :D
ReplyDeletesulit talaga ang bakasyon mo chong... nakita mo pa anghel mo ;)
ReplyDeletesulitin mo na ang bawat minuto Akoni.Malungkot pero kailangan at kakayanin para sa magandang kinabukasan.
ReplyDeletehay, nasad naman ako ng konti para sayo. pero tama ka lahat naman gagawin mo mula ngayon para sa mag ina mo na. lalo na kay little akoni. I'm sure lalaking syang proud sayo dahil sa sakripisyo mo.
ReplyDeleteok lang wag makadalaw sa amin ang importante sulitin ang bawat sandali kasama ang pamilya. :)
diyos na ang bahala sa kanila..kailan ang balik mo..
ReplyDeleteMahirap.. pero kelangan eh. :) Good luck Akoni. At laging alagaan ang sarili para sa pamilya. :)
ReplyDelete