nuffnang

Wednesday, September 21, 2011

Anak ng OFW




Isang buwan at labing anim na araw kana ngayon, siguro may sounds na mga tawa mo ngayon, last 6 days kasi nung nandyan pa ako sa tabi mo, tumatawa ka pero walang sounds, ngumingiti ka lang, pero alam mo ang kyut-kyut ng ngiti mo, un na ang pinakakyut na ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.

Nandito na ako ulet sa Saudi Arabia, kakarating ko lang kanina. Grabe, parang first time kong aalis. Hangshakyeetttttttt!!! Mukha mo lang ang nasa isip ko, ung pinapadede kita ang hindi maalis sa isip ko, wag na ung pagpinapalitan kita ng lampin kasi tumae ka. Naiiyak na nga ako ngayon eh habang tinitipa ko 'to, oo iyakin si ako, hehehe.

Oo OFW ang papa mo, isa kang anak ng OFW. Alam ko darating ang araw, susumbatan mo kami, sasama ang loob mo sa amin at magkakaroon ng maraming katanungan sa isipan mo, lalangoy sa isip mo ang tanong na "Bakit?", kung bakit ka namin iniwan. Pero sana, marealized mo agad na hindi namin 'to ginusto, nangyari lang na anak ka ng OFW.

May lungkot sa akin puso ngayon alam mo ba 'yun? Mahirap man gawin mangibangbansa at iwanan ka ay sana makaya ko. Pagkat hangad ko'y magandang kinabukasan mo. Di ko ibig na ikaw ay iwan, nangyari lang na anak ka ng OFW, papa at mama mo ay parehong OFW.

Pasensya ka na ha? naging anak ka ng OFW. Dito na kasi kami nagkakilala ng mama mo eh, dito kana narin namin ginawa, taga-lamig pa nun eh, hehehe, ikaw ang tunay na katas ng Saudi Arabia, kaya wish ko lang na sana pagdumating ang araw na magtatanong ka kung bakit ka namin iniwan, at kung bakit wala kami sa tabi mo, sana maging mabait ka sa pagtatanong mo, dahil isa yan sa mga itatanong mo na masakit para sa amin na sagotin.

Ang dami ko sana gustong sabihin sa'yo ngayon, kaso natatae na ako, sa ibang araw nalang ha...sige, hanggang dito nalang muna....



13 comments:

  1. welcome back akoni.

    maiintindihan ng anak mo na isa siyang OFW kid, at proud sha dun

    ReplyDelete
  2. pagdating ng panahon at malaki na ang anak mo ay malaman niya ang dahilan bakit nangibang bansa kayo.....

    ReplyDelete
  3. Welcome back tatay akoni. Sigi mag ipon lang ng magipon pag madami na uwi na ok tatay.

    ReplyDelete
  4. ayun! welcome back sa saudi! cute ng baby ah di nagmana sa yo! joke hehehe

    ReplyDelete
  5. hongkyut talaga ni lil akoni..>__<

    henyways maiintindihan din siguro nya, para sa kanya din naman ang ginagawa nyo eh...

    welcome back brader! :D

    ReplyDelete
  6. hangpogi ni akoni jr. ehehe

    i feel you pre. i feel you. para sa kanya naman tong mga sacrifices. ma re-realize din nya yan.

    anyhoo, welcome back balakubak!

    ReplyDelete
  7. hehehe bulakbolero::: anak ng OFW buhay to oh..hirap..Lel

    Nieco - pogi ka dyan, babae yan..lol

    tabian - sistaahhh..tsseee!!! i miss you...thanks

    Kiko - rakenrol \m/

    Bino - hahaha..thanks you

    Diamond - ganun na nga plano--hehehe thanks

    Arvin - sana maagang dumating sa kanya ang panahon na un..

    Khanto- sana magawa namin ipaitindi na ofw kid siya at ganun talga un.,.hehe

    thanks musing

    ReplyDelete
  8. maligayang pagbabalik uli!

    ang kyut ng baby mo,hindi mo kamukha hahaha...

    sikap,kayod,para sa baby..

    ingat!

    ReplyDelete
  9. naiyak naman ako dito! damang-dama ko ang nararamdaman mo. Magiging mabait siyang bata panigurado yan. Basta ipaliwanag lang ng maayos sa kanya ang lahat.

    At sabay ng iyak ko ang tawa, kainis ka, bakit pati pag-pupu ni baby sinali pati na rin yung sayo....ewwww! hahahaha.

    Buti bumalik ka na!

    ReplyDelete
  10. sir akoni, yan na si baby mo? ang kyut.. paniguradong mana sa nanay hehehe (juk lamang)

    nagpapaliwananag ka na agad ah.. pero for sure naman maiintidihan nya ang lahat.. :)

    magandang araw sayo sir :)

    ReplyDelete