nuffnang

Monday, May 16, 2011

:) :) :) :D :D :D :)) :)) :))



Pakiusap: Maglagay ng matamis at masarap na ngiti sa delicious mong face bago basahin.

Ayos na?

Okay, now imagine this, habang tinitipa ko 'to ay nakaguhit ang super smile ko na parang may kapa sa aking feslak.

Itong mga nakaraan araw ay hindi maganda ang pakiramdam ko dahil nga nagsusuka ako, kung hindi mo nabasa 'wag mo CLICK dito, dapat dito mo CLICK para mabasa mo.

Kahapon ng hapon, habang nag-iikot-ikot ako sa mundo ng blog. Napadpad ako sa isa sa mga nagbibigay inspiration sa akin para magsulat ng mga kalokohan at guni-guning ligaw. Na-touched ang ngala-ngala ko, dahil para sa akin isang katuparan ng adhikain ko ang nasaba ko sa kanyang blog.

Isa ako sa mga trying hard na mahilig magpatawa, lalo na sa personal. Gumaganda ang pakiramdam ko kapag napatawa ko o natawa ang isang tao dahil sa joke ko, pero alam kong may mga  naku-kornihan din, ganon talaga tayong mga tao, iba-iba ang taste pagdating sa humor, kaya hindi ko inaasahan na lahat ng mga nakakabasa ng blogs ko ay matatawa sa mga banat ko.

Ang isa sa intention ng Akonilandiya ay ang makapaghatid ng kahit kunting kiliti sa mga nagbabasa, parang "Pahingi ng kunting tawa". May matawa lang sa mga banat ko, solve na ako. 'yong mga nakokornihan naman, pasensya na, hindi ako kalbo, give me more chance.

Napapahaba na 'to, baka mag-skip read kana.

Ladies, gaydies, tibomen, and gentlemen. Ang taong nagbigay ng karangalan sa akin bilang isa sa mga bloggers na nagpapangiti sa kanya, gusto kong pasalamatan, gusto kong yakapin, at mahalin, juk, ayaw kong makilala ng mukha ko ang kamao ni JED, walang iba kundi si MAYEN ng Clicks and Cuts. (palakpakan)

Maraming salamat MAYEN, maraming salamat sa bawat ngiti at halakhak mo sa mga blogs ko. Alam kung mayroon pang iba dyan, maglaglag narin kayo.

Maraming salamat MAYEN, kung iyong mapapansin iba ang format ko sa pagtanggap ng award mo. Ginawa ko nalang siyang blog, walang rules,  hindi kailangan ipasa, wala lang trip lang, hehehe, gusto ko kasing manatili dito dahil special 'to at gusto ko lang maiba, dahil kakaiba ka.




Listahan ng mga umamin na napapatawa ng Akonilandiya

1. MAYEN ng CLICKS and CUTS
2.
3.
4.
5.

One point ako...yeebbaaahhhhh!!!!!!!

Sunday, May 15, 2011

Ang pagsusuka...



Babala: Bawal ang may pagkasensitibo ang sikmura at may pagkamakitid ang utak.
Paalala: Mabuti ang blog na ito sa mga taong nagda-diet.

Mula kay gugol


Sumakit na ang ulo ko, sumakit na ang ngipin ko, sumakit na ang puso ko, o magkasugat na ako, o kahit na anong sakit, ayos lang…basta wag na wag lang ang pagsusuka ang maramdaman ko, hindi pagsusuka na pangbuntis ang tinutukoy ko dito ah, ito ay pagsusuka ng puwet, in a wholesome words, “Pagtatae”.

Itong sakit na ito ang pinakaayaw ko sa lahat ng nilikha ng diyos na puweding dumapo sa isang nilalang, pero kung ano pa ang pinakaayaw mo, ‘yon pa ang dadapo sa’yo. I am not in a good mood today, nagsusuka ang puwet ko, grrrrr…humahapdi na…wait, ito na naman nasusuka na naman, wait lang…(banyo mode)

Minsan nagiging masilan ako sa pagkain dahil sa pag-iwas ko sa pagsusuka ng puwet, doon kasi kadalasan nakukuha ang sakit na’to. Kahapon halos buong araw na ako hindi nakakain dahil sa sobrang pagkabusy sa trabaho, isang bote lang na fresh milk ang tinungga ko, kaya ito ako ngayon pinagbabayaran ang nagawang kabobohan, alam ko naman na hindi sanay ang tiyan ko sa mga sosyal o pangmayaman na inumin eh, uminom pa akong fresh milk, ito napala ko, nagsusuka puwet ko ngayon.

Pero kahit ganito parin ang pakiramdam ko, nagpapasalamat parin ako sa diyos dahil hindi nangyari na tatae tayo mula sa atin bibig, yaks!!
v
v
v
v
v
v

Mula kay gugol









Saturday, May 14, 2011

Usapan pag-ibig



Inaamin ko, WALANG PAG-IBIG SA BUHAY KO, hindi ko alam kung matutuwa kayo o malulungkot, pero ‘yan ang totoo.

Kasi ayaw kong matulad sa mga namroroblema at minsan may nagpapakamatay dahil lang sa pag-ibig.

Naiitindihan ko sila, dahil nature na natin mga Pilipino ang lumapit sa pag-ibig at magpasakop dito.

Pero iba ako, dahil kahit kailan ay hindi ako nagpa-angkin sa pag-ibig, wala akong mapapala dyan kundi sakit ng ulo, baka magkaroon pa ako ng sakit sa puso sa kakaproblema sa pag-ibig.

Kahit kailan ay hindi ko naramdaman at pinangarap ang pag-ibig, kaya kong mabuhay na walang pag-ibig sa akin.

Hindi ko kailangan ang pag-ibig para sa pamilya ko, para sa mga kaibigan ko, o kahit na sino sa buhay ko.


Alam ko, kanya-kanya tayo ng diskarte sa buhay, naiitindihan ko kayo (may mga pag-ibig), pero alam ko rin naiitindihan din niyo ako.


Masasabi kong wala ang pag-ibig sa akin, dahil hindi talaga ako mahilig mangutang o magloan.

Sa inyo na ang pag-ibig na ‘yan, basta ako ayaw kong magkaroon o mangutang sa pag-ibig fund.




Friday, May 13, 2011

Malas



Test ink, test ink! ayuunn oohhh..ayos na ang blogger.com. 

Dalawang araw din nagluko ang site, pero ngayon bumalik na nagtanggal naman sila ng isang post. Tinanggal nila ang post ko noong Wednesday, sayang dahil sobrang pinag-isipan ko ang post na 'yon, ilang pawis ko na ang pumatak, ilang buhok ko ang nalagas at ilang wrinkles ang nabuo sa mukha ko dahil doon, haaaayyy...buntong hininga nalang magagawa ko para mapawi ang kalungkotan nasa kuyokot ko.

Nwe, ayos lang 'yon, mag-iisip nalang ako ng bagong post na punong-puno ng aral. Pero parang nahihirapan ako ngayon mag-isip dahil nilalamig ako, kakatapos ko lang kasi maligo at hubo't hubad ako ngayon nagtitipa, ooohh...parang may biglang sumagi sa isip mo ah, may nakikita ka bang imahe? Oo sabi eh, nakahubad ako ngayon, as in walang saplot sa buong katawan.

Kung umabot ka dito, gusto kong magtaka ka kung ano ang saysay ng post kong ito, gusto kong magtanong ka kung ano ba ang gusto kong ipahiwatig. Wala lang naman, gusto ko lang malaman mo na totoo ang Friday the 13th at hanggang ngayon ay may epekto parin dahil nabasa mo ito, isang walang ka-kwenta kwentang post.

Ang malas mo talaga...tsk!