nuffnang

Saturday, December 31, 2011

Huling paalam


Kahapon ang huling paalam ni Gat Jose Rizal, at ngayon naman ang aking huling paalam sa taong 2011. Kaya bago pumasok bagong taon 2012, nais kong balikan ang mga nakaraan post ko na nagbigay kulay sa akin bilang isang "manunulat".

Pipili ako ng 3 paborito kong blogs sa bawat buwan.

JANUARY

ANG BABAE - My first blog, hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit tungkol sa mga babae ang kauna-unahang blog na naisulat ko, hindi naman ako babaero, malandi lang.

DEAR YOU - Paborito ko dahil punong-puno ng emotion, tinatalakay ko dito ang aking sarili. Kinukwento ko sa'yo, kaya DEAR YOU. Isa sa mga unang naisulat ko nung nag-uumpisa palang ako magsulat na wala pang blog site at hindi pa ako dito malandi sa mga gamit na salita, in short, medyo seryoso pa ako dito.

MGA TSUK-TSAK-TSENES KO SA BUHAY - Ang beki lang ng title, tungkol sa pananaw ko sa buhay, mga kung anu-anong ka-tsuk-tsak-tsenesan. Tungkol sa puso at isip ito, isa ito sa paulit-ulit kong binabasa, feeling ko kasi ang galing-galing ko kapag binabasa ko.

FEBRUARY

GUSTO KONG MAGKASALA...-hahaha, natawa na ako dahil umiyak ang heaven ko habang binabasa niya ito. Gusto ko lang naman magkasala eh.

LOVE STORY-AKONI - Kwentong pag-ibig ko, 100% true story. Mahaba ito, umabot ata ng 7 episodes. My first romance-comedy story! Kikiligin ka sa tuwa.

MGA PAGKAIN PAMPASAYA - Tungkol naman sa mga pagkain na magbibigay kasiyahan sa atin katawan. Gusto ko ito dahil mahilig ako sa pagkain, kaya recommend ko ito sa mga emo.

MARCH

TIME MACHINE - Naisulat ko ito dahil sa mga nababasa ko nun na sana daw ay may time machine para mabalikan nila ang kanilang nakaraan, pero umangal ako, ayaw ko ng time machine.

SWERTE SA BUHAY - Kailan mo masasabi sa sarili mo na maswerte ka sa buhay?

DIARY - One of my all time favorite. Dahil sa diary, naging blogger ako kaya tribute ko ito sa kanya.

BLOG-IBIG - 55 % Fiction, 45 % True story, and 5 % trip lang. Gamit sa kwentong ito ang pangalan ng mga bloggers. Hindi ko nagawaan ng book two..LOL

Marami ako paborito na blog sa buwan ng Marso, pinilit kong pigain sa tatlo pero hindi talaga puwedi, kaya apat nalang.

APRIL


BATA - Tungkol sa mga bata nun at bata ngayon. Naisulat ko ito dahil sa nangyari kay Jun-jun, naaalala niyo ba ung insedente sa programa ni Wellie R.?

WHAT THE FACTS - Mga FACTS na hinaluan ng kalokohan.

KILI-KILI - Ito naman ay tungkol sa power ko, hindi kili-kili power ah, pero parang ganun na din. Para sa mga hindi nakakaalam, may kakayahan ako magpagalaw ng isang bagay na hindi ko hinahawakan.

MAY

THE SUPER FRIENDS - Tungkol ulit sa mga pagkain na may kapangyarihan. Matutuwa ka dito, kilalanin mo ang mga super friends ko.

MGA DAPAT IHANDA KAPAG MAGMAMAHAL - Kapag magmamahal tayo ay hindi natin talaga maiiwasan na masaktan, pero may mga tips ako na dapat ihanda mo kapag magmamahal ka. Lalo na sa mga taong sobra kung magmahal.

USAPANG PAG-IBIG - Hindi ako naniniwala sa pag-ibig, walang pag-ibig sa buhay ko.

JUNE

LOKOHOSCOPE - Gusto mo bang malaman ang interpretation ko sa iyong Zodiac sign? Alamin ang kapalaran batay sa Kalokohan at guni-guni.

ANG ALAMAT NG "LALAKE" AT "BABAE" - Malalaman mo dito kung bakit "lalake" ang tawag sa mga lalake at "babae" naman ang tawag sa mga babae. Ito ang alamat...

BAKIT TATAY, DADDY, PAPA O AMA? - Ito ay pagpapaliwanag kung bakit tatay, daddy, papa o ama ang tawag natin sa mga nagdonate ng sperms sa atin ina.

JULY

SILANG MGA PRUTAS - Naging paborito ko talaga nun ang gawaan ng blog ang mga prutas, mga katotohanan tungkol sa prutas na hinaluan ng kunting kalokohan.

BACK TO THE PAST/FUTURE - Buhay OFW, tungkol sa paglalakbay namin papunta sa future at past.

SALAMAT SA KANILA - Naging malupet man sa atin ang mga mananakop, may dapat parin tayong ipagpasalamat sa kanila.

AUGUST

Lil Akoni - Isinilang ang totoong magdadala ng pangalang AKONI.

PAMAHIIN 2012 - Isa sa mga pinagsisihan kong post, hindi natuwa si mama at si ate, sorry ate and mama, i love you both.

Dalawa lang tutal apat naman sa Marso eh, para balanse.

SEPTEMBER

ANGEL SA LUPA - Tribute ko sa mga kaibigan ko, mga angel sa lupa.

ANAK NG OFW - Para sa mga anak ng OFW na may hinanakit sa mga magulang. Dapat maitindihan niyo, anak kayo ng OFW.

BAGAHE NG ISANG OFW - Hindi ang bigat ng bagahe namin ang nagpapahirap sa amin mga OFW tuwing aalis kundi ang bigat na nararamdaman namin.

OCTOBER

MGA DAPAT MAIMBENTO BAGO AKO MAMATAY - Tungkol sa mga gadgets na puweding mangyari o maimbento sa hinaharap.

TRIVIA: uhaa..uhaa..: Bakit umiiyak ang mga sangol pagkapanganak galing sa sinapupuna ng ina?

BIYENAN - Tribute ko sa biyenan ko. Anong relasyon mayroon kami ng aking biyenan?


NOVEMBER

KATOTOHANAN: DALAWANG BESES TAYO PINANGANAK - Napag-alaman ko na dalawang beses pala tayo pinanganak at nanganganak din ang mga lalake.

TAONG LOBO - Tungkol sa lalakeng may kakaibang sumpa, paborito ko ito, dami ko tawa habang sinusulat ko.

NAMIMISS KITA, NGUNIT HINDI AKO MAGBABALIK SA'YO - Isa ito sa maipagyayabang at maipagmamalaki kong accomplishment sa taong 2011. I am so proud of my self, no f*cking.

DECEMBER

THE ADVENTURE OF TONTON - Hindi makakalimutan nangyaring kababalaghan sa akin buhay.

SA ISANG GASOLINAHAN - Isang kwentong punong-puno ng emotion, kathang isip na pangyayari. Hindi lang tatlong beses ko nabasa ang storya na ito. Kung baga ay pang FAMAS sa akin ito.

TAYO ULO SA BABA, PUGOT ULO SA TAAS - Ito ang dahilan kung bakit ako nanominated bilang R-18 blogger of the year sa TABA AWARDS 2011. Hindi pa tapos pero pipilitin magkaroon ng ending!


Sana ay napasaya kayo ng Akonilandiya, MALIGAYANG BAGONG TAON!!!




Tuesday, December 27, 2011

MaARTing mARTes!


Greetings earthling, araw ng martes ngayon, ibig sabihin ay......??? Araw ng kaartehan, kaya maARTing martes sa inyong lahat. At dahil nga sa maARTes ngayon, ang topic natin for puday today ay may kinalaman sa ART. 

Okay fasten you seat belt, hold your betlog na boys.

Hindi na sana ako magsusulat ngayon ng blog eh, huling post ko na sana ang "ANO ANG MAIPUPUTOK MO? (Baka hindi kapa nakakaputok dun, putok na pls)" para sa taong ito, kaso may taong sira ang ulo ang sumira sa plano ko na 'yun. Itong mga nakaraan buwan kasi feeling ko nagkakaubosan na ng mga guni-guning ligaw at giniling na kalokohan, kaya nag desisyon akong limitadohan ang post ko every month, maximum na sa akin ang 14 post at minimum na ang 8, mahirap na kasi baka mapaaga ang pagreretiro ko dito sa blog world.

Nasa pangalawang paragraph na tayo, nasaan na ang ART na sinasabi ko? WET ka muna, yun nga, quota na nga sana ako sa blog post this month, sitting pogi na sana ako dahil wala na sana akong iisipin na pananagutan sa mga basahero ko, pero biglang gumawa ang taong ito ng pagkaganda-gandang kaARTehan.

Siya si AL-MUSINGAN at ito ang kwento namin....

Naniniwala kaba sa love at first sight? Pusang ina, hindi nangyari 'yan sa amin dahil parehas kaming mga mandirigmang magsasaka (insert dirty thoughts). Nakilala ko siya o nagkakilala kami nung 2010 of October o November ata, ewan. Pa-resign na that time yung close friend ko dito na si Delfs.

Isang araw tumawag sa akin si Delfs, excited ang mokong dahil may kapalit na daw siya sa puwesto niya, makakauwi na daw (FYI: Dito sa amin hindi ka puwedi magbakasyon o magresign hanggat wala kang kapalit sa puwesto mo, go). Balita pa niya sa akin, magkakasundo daw kami ng kapalit niya dahil mahilig din daw ito magsulat, pinadala pa nga niya sa akin ang link ng kanyang blog, binasa ko at natuwa ako dahil sa wakas may makakasama na ako dito na mahilig din sa pagsusulat.

Mahaba na ito, kunting tiis nalang, bilisan nalang natin ang kwento. Bukod sa pagsusulat niya ay bilib din ako kay AL sa pagmamagic, magaling talaga siya, mapapa-awwwwwwww!!! ka sa galing niya sa magic. Nung unang kita namin, parang hindi ko ata na adjust ang sarili ko, mahilig kasi ako minsan mangokray lalo na sa mga close friends ko, hindi ko alam kung bakit ko naokray si Al kahit hindi pa kami close that time. Ganito yonwn, napabilib nga niya ako sa Magic niya <--click mo para makita mo. Syempre nagyabang din ako sa kanya, lalake eh ayaw pasapaw. Sabi ko, may alam din akong magic (all eyes tayo kay akoni, ganyan silang dalawa), sabi ko, 'yung kulay puti na panyo kaya kung mapalitan o maiba ang kulay. Excited na ako, sabi ko, ipapasok ko sa puwet mo, tapos paglabas mag-iiba ang kulay, MAGIC.

Mamatay na sa kakatawa si Delfs na bukang buka pa ang malaki niyang ilong, pero si Al hindi natawa, parang nainsulto ko ang magic niya, tapos may sinabi siya, hindi ko matandaan, so ipagpalagay nalang natin na ang sinabi niya ay "Ang kyut-kyut mo." 

Don ko nalaman na seryoso talaga siya sa pagmamagic niya at magaling talaga siya! Well, sorry for that dude!!

Isagad ko na ito, mahaba na kung mahaba. Akala ko sa magic lang siya magaling at sa kung anu-anong ka-ek-ekan sa computer at kung anu-anong katalinohan, IMBA talaga ang taong ito. Magaling din pala siya mag-caricature? Oo, check this out.

Kahapon nagbigay siya ng tribute para sa blog ko, mag-iisang taon na kasi. Gusto kong ma-touch sa ginawa niya pero hindi ko alam kung paano matouch sa makalalakeng paraan, gusto kong magpasalamat sa kanya pero hindi ko alam kung paano magpasalamat sa makalalakeng paraan, gusto kong halikan siya pero hindi ko alam kung paano humalik sa makalalakeng paraan, at gusto kong ipakita sa kanya na sobrang naappreciate ko ang ginawa niya pero hindi ko alam kung paano sa makalalakeng paraan.

Sana sapat na sayo ang salitang "SALAMAT AL-MUSINGAN" para ipadama sayo sa makalalakeng paraan ang pagpapasalamat ko sa'yo, mula ngayon bow na sayo ang putotoy ko!




Sa susunod yung nakahubad naman ako ah, ala ROSE ng TITANIC ga!!







Monday, December 26, 2011

Ano ang maipuputok mo?


Ilang araw nalang ay magkakaputokan na para i-celebrate ang bagong taon, bahala kana kung saan o anong putokan ang iisipin mo.

Friends, fake friends and imaginary friends, mag-iisang taon na pala ang Kaharian ng Akonilandiya, ohmeygay! Kasabay ng putokan nun 2011, ang pagputok ko sa unang putok na blog dito sa blog sphere. Ang bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang ay binaril si Dr. Rizal sa likod.

Anyway, bago pa kung anu-ano ang masabi ko rito, gusto ko lang malaman mula sa inyo, mga basahero ko, kung ano ang masasabi niyo sa aking kaharian? Tutal naman eh anniversary ng Akonilandiya kaya pagbigyan niyo na ako, mag-iwan kayo ng mensahe para sa akin na hindi lalagpas ng 143 characters at hindi bababa sa 142 charaters. 

Halimbawa, nasa harap niyo si Boy Abunda, ano ang sasabihin niyo sa kanya tungkol sa Akonilandiya?

Maraming salamat sa inyo, isa lang ang wish ko para sa aking kaharian, sana ay may tumangkilik parin basta hindi bababa ng 4 na basahero, tuloy ang pagbibigay ng kalandian at kung anu-anong mababasa niyo. Maraming salamat ulet sa inyo!

Itutuloy sa JANUARY 1, 2012....para magpasalamat sa mga magpapaputok ng mensahe!

PUTOKAN NAAA!!!




Friday, December 23, 2011

Para sa bagong kakilala at isang malabong pakontes


Para sa'yo Zyra and Lester

SORRY naman kung nalaboan kayo dito sa ginawa ko, LOL!

Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan, siguro ganito nalang, diretso nalang ako sa pagtipa ng aking keyboard hanggang sa makaipon ng magandang ideya para pang greet sa bagong kakilala. Oo, bago ko lang nakilala si Zyra dahil na-nominate ako bilang pinakagwapong blogger sa TABA AWARDS 2011 niya, at dahil masama ang pagsisinungaling dahil nakakaliit daw un ng putotoy o bird, sasabihin ko na ang totoo kahit bastos pakinggan at nakakakiliti basahin, nominated ako bilang R-18 blogger of the year, kaya vote for me para ganahan pa ako magkwento ng mga kalandian dito sa kaharian ng akonilandiya. 

Teka, nawawala na ata tayo, un nga dahil bagong kakilala si Ma'am Zyra, hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya, wala akong alam sa kanilang relasyon ng kanyang asawa, ang alam ko lang ay magse-celebrate sila ng isang taon bilang magkaisang dibdib at magkaisang labi at makaisang.......................hehehe.

Kaya, 




Ito ay pagsuporta sa kanila, at may giveaway pala sila sa taong mapipili gamit ang random.orgasm.

Ito premyo

-Unique and Delicious Manila Bay Eat-All-You-Can Dinner Buffet Ship Cruise with Prestige Cruises (Good for Two).


Oh ang astig diba?

At dahil isa akong Oh eF double V, kahit manalo ako eh hindi ko rin naman mapapakinabangan ang premyo. Alangan naman na umuwi ako dyan sa pinas para lang kumain sa isang eat-all-you-can na restaurant, davah?

Kaya may handog din ang Hari ng Akonilandiya na isang malabong pakontes. Ganito yon, kung mananalo ako, lahat ng nag-comment dito sa post na itech ay e-rarandon.orgasm ko ang name. Kung sino ang mapipili, syempre sa kanya ko ibibigay ang premyo ni Zyra, 'yon ay kung mananalo ako, hahaha, Oh diba? ang astig ko noh? Biruin mo, naisip ko pa yon? 'wag kana umangal!!

Kaya comment na at ipagdasal niyo na sana ako ang manalo para may chance kayo manalo, hahaha. Nalaboan ba kayo? ganun talaga...


Wednesday, December 21, 2011

Dear diary [REPOST]


Dear diary,

Hi Diary, kamusta ka na? Kung ako ang iyong tatanungin, ako’y nasa mabuting kalagayan. Siguro hindi mo ito inaasahan noh? Bigla na lang ako napasulat sayo? Namiss kasi kita.

Hindi ko na matandaan ‘yung huling sulat ko sa’yo, ang tagal na kasi noon. Pero naalala mo pa ba noong kabataan ko? 'yung unang sulat ko sa’yo? Unang sulat ko palang e puro pagsusumbong at pagmamaktol na, di ba? Isa ako noon sa milyon-milyon sumusulat sa’yo, isa sa mga nagsusumbong sa’yo, isa sa mga taga kwento ng mga tsismis sa’yo at bumubulong sayo ng mga nangyayari sa akin araw-araw.

Sa lahat siguro, ikaw ang nakakakilala sa akin ng lubusan, alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, huwag mo ipagsasabi ah, kundi…aauummhhmmmm…kundi, susunogin kita at hindi na ako susulat pa sa’yo. Pero alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka e, napatunayan mo na ‘yun noon pa, kasi hanggang ngayon hindi mo pa pinagsasabi ang mga sekreto ko at mga tsismis na sinabi ko sa’yo, kalokray divah? Hindi katulad ni RED DIARY, na lahat ng mga kwento sa kanya ay kinukwento/pinapabasa niya sa lahat at minsan pa ay isinasapelikula pa niya at ang laswa pa niya, yaks. Natatawa nga ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinasabi ko sa’yo noon, naalala mo ‘yun? Lalo na ‘yung tungkol kay kuwan? hahahahaha, oh di ba kahit hanggang ngayon ganun parin? Ngiyahaha..e si kuwan, ung kuwan ni kuwan, na naging kuwan nang kuwan nila? hahaha…diba, nasaan na kaya ang kuwan nila? sana kuwan parin sila.

Hindi ko alam kung sino ang lumikha sa’yo upang maging gabay naming mahihina ang loob, kung sino man siya, nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa kanya nandyan ka, handang makinig sa amin nang walang kontra, kakampi namin sa lahat ng bagay. Minsan kasi sa’yo kami nagkakalakas loob upang sabihin ang mga di namin kayang sabihin sa madla. Masyado kasing mapanghusga ang mga tao (hindi naman lahat), masyado silang mapangmaliit nang kapwa, masyado silang feeling (magaling sa lahat ng bagay), masyado silang mapagmataas, akala ata nila wala nang katapusan ang mundo, hindi sila marunong umitindi, malupit ang mga tao (pero hindi naman lahat ulit), buti nalang hindi ka tao, kung nagkataon paano na kaming mga mahihinang nilalang na umaasa sa’yo? Isa ka sa aming lakas, aming kakampi, aming taga pakinig at nakakaintindi sa amin.

Ilang beses na kitang pinagtangkaan hanapin, I mean ilang beses ko nang sinubukan sumulat uli sayo at magsumbong ng mga hinanakit ko sa planetang ito, pero natiis ko parin, hindi sa hindi na angkop ang edad ko ngayon sa’yo, kundi iba na ako ngayon, malakas na ang loob ko, more confident ika nga (marahil dahil sa rexonang gamit ko). Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok at problema ko araw-araw at may mga tao narin na nakikinig at gumagabay sa akin ngayon at mahal na mahal ako, uuyyyy selos ka noh? ‘wag kang mag-alala, hindi parin kita nakakalimutan at kakalimutan, nag-iisa kang diary ng buhay ko kahit marami kami sa buhay mo. Huwag mo sana masamain ang sinabi ko, hindi sa hindi na kita kailangan, ito na nga e, kahit matured/matanda na ako, naniniwala parin ako sa’yo, isa ka talagang tunay na kaibigan, ang dami mong natulungan at natutulungan, ang dami mong napapagaan ang loob, alam kong hindi ka magsasawang makinig sa aming mahihilig mag sumbong sayo. The best ka talaga, I love you too. Mwaaahhpaxxx!

P.S: May asawa na pala ako ngayon, at ang bait-bait niya, maganda pati, at hindi lang ‘yun, mahal na mahal ako. Hindi ako sure kung magkakilala kayo o nagsusulat din siya sa’yo noon. Mahal na mahal ko ‘yun, hindi man siya ang unang babaeng naikwento ko sa’yo, siya naman ang huling babaeng ikukuwento ko sa’yo.

(‘yan lang muna ang latest sa akin ngayon aking diary, tsismosa ka..hehehe)

Note: Minsan naman magreply ka sa mga sulat sa’yo, adik!!!

Namimiss ka,
Akoni

**********************************

At ako'y sumali sa "REPOST" pakontes ni Gillboard na hindi ko kilala. LOL



Monday, December 19, 2011

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Part 3


HINDI R-18 ANG PART NA ITO

Part ONE
Part TWO

"The mind is like a parachute. It doesn't work unless its open." - Motto ng kwento

"TAYO ULO SA BABA, PUGOT ULO SA TAAS"

“Ayt! Ayt! Ayt! Katahimikan, katahimikan, ayt!Ayt!Ayt!!” sabi ng hari sa mga kawal na nagbabangayan.

“Hindi ako basta-basta pipili sa inyo ng kung sino ang magiging bantay ng asawa ko. Magpapaligsahan kayong lima, kung sino sa inyo ang may kakayahan pigilan ang kanyang libog o pagnanasa sa aking asawa ay siyang mananalo na maging bantay ng asawa ko.” Sabi ng hari na ikinalungkot ng mga porn stars wanna be na mga kawal.

“Mahal na hari, mukhang hindi namin yan kakayanin, alam mo naman siguro kung gaano nakakaakit ang asawa mo” Sabi ng kawal na Palakanton

“Oo nga po kamahalan, mabanggit mo lang sa amin eh, nilalabasan na kami……ng sipon” sundot ng kawal na Khanto.

“Kaya nga paligsahan eh, pero ‘wag kayo mag-aalala. Manalo-matalo kayo ay may premyo parin kayo, mapugotan man kayo ng ulo, may premyo parin para sa pamilya niyo. bwahahaha” Sabi ng hari

“Ayos, kung ganun game ako dyan hari, matalino ako kaya sigurado akong makakaisip ako ng paraan paano ko mapipigil ang libog ko” sabi ni Kawal Empi

“Eh ano ang premyo kamahalan?” tanong ng kawal na tonto.

“Madami, isang kahon ng mga ginto, house and lot, BMW car, entertainment showcase, scholarship para sa mga anak niyo, at kabuhayan showcase, take note para lang ‘yan sa matatalo. Kapag nanalo ka, magkakaroon ka ng sarili mong kwarto dito sa palasyo ko kasama ang pamilya mo, magiging kanang kamay kita at tataas ang sweldo mo ng 10 folds. Gaya ng matatalo, may kahon din ng ginto para sa mananalo, house and lot din pero mas malawak at malaki un, dalawang Ferrari, at surprises na premyo” paglilinaw ng hari at nanlaki ang mga mata ng mga kawal.

“ayooossss, okay kailan natin ‘to uumpisahan mahal na hari” Natutuwang sabi ni Joey.

“Magsisimula na ngayon, as in now naaaaaaa!!!” mala-boy abunda na sagot ng hari

“Ipapaliwanag ko sa inyo ang mekaniks ng pakontes ko kaya makinig kayo….” Hindi pa tapos magsalita ng hari ay sumabat na si Tonto

“Hari alam na po namin ang mekaniks ng pakontes mo, sa laki ng papremyo mo sigurado ako makakayanan ko lahat un, pagpipigil lang pala ng libog eh, tss. Nasa teknik lang yun kung paano namin mapipigil ang amin kalibugan” Sabi ni Joey, ayy ni Tonto pala na ikinagulat ng Hari dahil paano nalaman ni Tonto ang mekaniks.

“Paano niyo nalaman?” nagtatakang tanong ng Hari.

“Kahamalan, nabasa po namin ang part 1 ng kwento kaya nalaman namin dun sa pag-uusap niyo ni Akoni sa skype” paglilinaw ni palakanton.

“aahh mahusay kung ganun, bweno dito muna kayo lahat, kakausapin ko na ang aking asawa para makapaghanda para sa paligsahan ninyong lima” sabi ng hari at pumasok na sa loob ng kanyang silid kung saan nandoon ang reyna.

“Hari paano kung lahat kami ay nakapasa sa pagsubok na ibibigay mo?” matalinong tanong ni Empi at natigilan ang hari, mukhang napaisip dahil biglang himas sa kanyang balbas.

“Edih lahat kayo pumasa, lahat kayo magiging bantay ng asawa ko at kung anu-ano pang shitness" sagot ng hari at pumasok na.

Pumasok na nga ang hari sa kwarto nila ng kanyang reyna at tinungo ang paboritong tambayan ng kanyang asawa, ang bintana. Minsan napapaisip ang hari, kung bakit lagi nalang nakatambay sa may bintana ang kanyang asawa.

“Mahal kong asawa, bago ang lahat, matanong nga kita? bakit ba laging dito sa bintana ka natambay palagi? Bakit hindi sa kusina, sa entertainment room natin o kaya sa garden? Pagtatanong ng hari sa kanyang reyna.

“Mahal kong asawa din, masaya ako dito, dito ang kaligayahan ko, gusto ko pinagmamasdan ang atin mga kapitbahay…kahit sa ganitong paraan ay medyo nababantayan ko ang atin kaharian” paglilinaw ng reyna na ikinatuwa ng hari.

“Alam ko din ang iyong sadya sa akin ngayon, ang iyong binabalak mahal kong asawa patungkol don sa pakontes, at oo wala akong pagtutol sa pakontes mo, ikaw ang aking hari at mahal na asawa, kaya susundin kita” sabi ng reyna na ikinagulat ng hari.

“Ha? Paano mo ito nalaman? Sino ang lapastangan na yun na pinangunahan ako sayo?” nagagalit na pahayag ng hari.

“Mahal ko, una, 'wag mo ako taasan ng boses dahil kitang kita ko dito ang tonsil mo, baka dukotin ko yan. Tulad ng sinabi ng isang kawal mo, nabasa ko din ang part 1 at part 2 ng kwento, kaya nalaman ko lahat” pagpapaliwanag ng reyna.

“Ayyy putcha naman oh…ano pala ang parti ko dito sa kwentong ito kung wala akong masabi dahil alam niyo na pala lahat…ayy tangna lang….anak ng pusang ina naman oh...” pagmamaktol ng hari, kaya pinatigil na siya ng narrator.


itutuloy....

Sunday, December 18, 2011

PUBLIC SERVICE



Tama na muna ang kung anu-anong kalokohan dito sa aking kaharian, public service muna tayo. Siguro alam na natin lahat kung anu ang nangyari sa Iligan at Cagayan de Oro dahil sa bagyong sendong, kung hindi mo alam puwedi pakitusok mo gamit hintuturo mo ang puw*t mo tapos saksak you sa ngala-ngala you? Joke lang, wala nga pala muna tayong kalokohan ngayon.

Ito ang mga ilan sa puweding lapitan para magbigay tulong...

1. GMA Kapuso Foundation is accepting donations for Sendong victims. www.kapusofoundation.com. 9284299, 9289351. 

GMA Kapuso Foundation's Metrobank Peso Savings account: GMA Kapuso Foundation, Inc. / Account Number: 3-098-51034-7

2. KAPAMILYA

 


3. LBC

4. For volunteers and donations in CDO: contact Manny Borres (09066150095) DSWD CDO. In MetroManila: Contact Jam (7348639) DSWD NCR.

Ilan lamang ito sa mga nakita kong puweding lapitan para maiabot natin ang kunting tulong natin. Mamaya uumpisahan din namin 'yung sa amin dito. Please let's pray for them!

Maraming Salamat!


Nakita mo ba?




Test, nakita mo ba itong new post ko sa blog roll mo?

Friday, December 16, 2011

A conversation with my buddy (from FB chat)


  • Hindi ko alam kung bakit ko naisipan e-published ito...Nakita ko lang 'to sa draft, ibig sabihin may balak akong i-post nun pa pero hindi ko matandaan kung kailan 'to nangyari. Ha? sino ako? sino kayo? nasaan ako? LOL.


    Anyway, sabi ko nga (angkulet) hindi ko alam kung kailan nangyari ang pag-uusap namin 'to ng aking best friend, ang aking buddy. Gusto mo siya kilalanin? Halikan mo siya rito.



    BAKIT KO KAYA ITO NAISIPAN I-POST???



  • about an hour ago
    Akoni Habibi
    • ayos lang...
    • kayo ng pamilya mo, kamusta?

  • about an hour ago
    Jashim
    • Ok lng. ito FB lang.

  • about an hour ago
    Akoni Habibi
    • any news?

  • about an hour ago
    Jashim
    • Ano Gusto mong news?

  • about an hour ago
    Akoni Habibi
    • Hindi ko alam, depende sa ibibigay mo

  • 56 minutes ago
    Jashim
    • s work ko, rumaraket n namn ako sa PMTC..
      sa mga batch pinipilt nila ako mag set ng meting para mg beach na naman

  • 55 minutes ago
    Akoni Habibi
    • Good..dami mo rakets..kapit lang baka masobrahan ka sa lipad...hehe
    • sa batch...nice yan, para khit papaano nagkakaroon ng conection

  • 54 minutes ago
    Jashim
    • hehe ndi ako masosobrahan sa Lipad, kc ndi ko na ginagamit Pakpak ko...
    • hehe pinagsasabihan ko lng ibang batch na walang bumicta nung nand2 ka.hehe

  • 52 minutes ago
    Akoni Habibi
    • naiitindihan ko naman sila eh...ramadan un..they are excused.

  • 52 minutes ago
    Jashim
    • hehe nung after Ramadhan!
    • kelan ko lng ng extra Money kc prang wala akong Maipon, khit Gadget lng n mgagamit ko sa trabaho ko, ndi ko mabili.

  • 51 minutes ago
    Akoni Habibi
    • ayy Oo nga..hehe..pero sa batch naman natin for happiness lang eh
    • computer lang naman ang needs mo eh

  • 50 minutes ago
    Jashim
    • hehe im trying to build up mor dan dat. lyk ours...

  • 50 minutes ago
    Akoni Habibi
    • buti nalang me walang hilig sa gadget
    • mahirap mangyari un buddy, walang pinagsamahan na mahirap na pagsubok ang batch natin....

  • 50 minutes ago
    Jashim
    • Laptop atsaka i need Motor 4 transportation..

  • 49 minutes ago
    Akoni Habibi
    • tingnan mo nga si boks, high school life lang ang piangsamahan natin...

  • 49 minutes ago
    Jashim
    • hehe kaya nga, wla ka talgang hilig sa Gadgets.
    • C boks kc hanggang ngayon tingin sa atin bata parin.hehe
    • pro kung mkikipagfren sa atin, mkikita nla n iba n ang pag iicp ntin.

  • 48 minutes ago
    Akoni Habibi
    • dahil nga hindi umabot ang friendship natin sa kanya til college, sa mga araw na naggogrow tayo
    • walang makakasakay ata sa pag iisip natin
    • iba sa atin eh...satisfied na tayong maupo sa isang sulok while talking about anything under the sun

  • 46 minutes ago
    Jashim
    • hehe! knina ngsalita na namn kmi ni Almani sa Cable, bout Advantage and Disadvantage ng Technology, mraming ngtx na Fans.haha

  • 46 minutes ago
    Akoni Habibi
    • sila, enjoyment ng body ang gusto, sa atin enjoyment lang ng utak, solve na tayo don

  • 45 minutes ago
    Jashim
    • yn yng pagkakaiba ntin... they are more on Physical needs, what we have is intellectual feeding.hehe

  • 44 minutes ago
    Akoni Habibi
    • hahaha potek, parang ang genius ng dating natin ah..haha

  • 44 minutes ago
    Jashim
    • iblogs mo yan.haha
    • my pangarap akong gusto ko matupad... balak ko pag tumanda makapagpatayo ng academic institution.

  • 42 minutes ago
    Akoni Habibi
    • ang alin?

  • 40 minutes ago
    Jashim
    • blogs? ang kaibahan ntin sa kanila... Intellectual Feedings.
    • my nag say ng "Low" sa akin i replied High tpos ndi ngets.

  • 38 minutes ago
    Akoni Habibi
    • pwedi kaso hiya me, magmumukha akong genius hahaha

  • 38 minutes ago
    Jashim
    • not necessarily in academe?

  • 37 minutes ago
    Akoni Habibi
    • what do you mean?

  • 35 minutes ago
    Jashim
    • pra ndi ka magmukhang Genius, its all about trip, na kung yng tao, pagkain, sex, gadgets ang gusto, kaw ay idea, knowledge on evrything.

  • 35 minutes ago
    Akoni Habibi
    • i will try bukas..

  • 34 minutes ago
    Jashim

    nauubosan kana yata....




    TAMA NAUUBOSAN NA ATA AKO (ng maiblog) KAYA KO 'TO IPINOSTE!