nuffnang

Saturday, December 10, 2011

Sa isang gasolinahan...


Hello earthlings, pasensya na sobrang haba, nag-enjoyed lang magkwento. First time ko ata 'to magsulat ng fiction na hindi R-18. Sana magustohan niyo lalo na mga judges ni Gasoline dude, hahaha.


To my Julia,

Mahal ko, kamusta kana? Alam kong hindi mo ito inaasahan, pero alam mo rin bang sobrang namimiss kita ngayon? Nasa isang sulok ako ngayon ng aking kwarto habang sinusulat ko ito. Sinasariwa ang mga araw na kasama ka, para akong baliw na natatawa mag-isa dito, pero habang inaalala ang lahat ng nakaraaan natin ay hindi ko maiwasan ang masaktan ng todo. Hindi ko tuloy maiwasan magtanong, ano ba ang kasalanan ko at iniwan mo ko? Ang daya mo lang, nasaan na ba ang pangako mong walang iwanan?

Sinusulat ko ‘to para ipaalala sa’yo ang lahat, ang lahat ng pinagsamahan natin, mga masasayang araw natin.

Alam mo ba na ngayon 'yung araw na unang nakita kita sa isang mini-store ng gasolinahan? Hindi ko ata sa’yo ‘to nakwento eh, nagpakarga ako nun ng gasoline sa kotse ko. Habang kinakargahan ng gasoline dude ang kotse ko ay pumunta muna ako sa mini-store kung saan nagtatrabaho ka bilang casher. Namangha ako sa aking nakita, isang napakagandang babae ang tumambad sa akin mga mata. Tumibok ata lahat ng puweding tumibok sa buong katawan ko sa mga oras na ‘yon, 'yon ata tinatawag nilang magic?

Natatawa nga ako sa mga pick up lines na ginamit ko sa’yo nun, nakornihan ka ata? Hahaha, 'di ba sabi ko “Miss, isang kaha nga ng Marlboro at isang phone number mo please, pakibilisan lang at nagmamadali ako.” Hindi mo man lang ako sinulyapan, binuksan mo nalang ang lagayan ng yosi at kumuha ng isang kaha. Akala ko nun nagalit ka sa huling linyang sinabi ko, pero bigla kang natawa ng iabot mo sa akin ang yosi, late reaksyon ka ‘te? 'di ba sabi mo “Hahahaha” at sabi mo pa “Hindi ko naman po sir binibenta ang phone number ko.” Natatawa tuloy ako ngayon, hahaha.

Tapos tumalikod ako nun at pumunta naman sa freezer niyo, sa mga oras na ‘yon gusto ko na talaga magpapansin sa’yo, korni na kung korni, patay kung patay. Kumuha ako ng isang gallon ng ice cream at kung anu-ano pang pandagdag mantika sa katawan, mahigit isang libo ata ang presyo ng nabili ko, tapos tinanong kita kung may give away ba kayo dahil madami na ako nabili sa store niyo. Sabi mo, wala dahil wala naman okasyon para mag bigay kayo ng give away, pero sabi ko kahit phone number mo nalang ang e-give away mo sa akin, natawa ka nalang at tumalikod, supladita? Pero alam ko masarap ang iyong ngiti bago mo ako tinalikoran, tinatago mo noh? Umalis narin ako na nakangiti at iniisip na babalikan kita.

Hay naku Julia ko, nangingiti ako ngayon habang sinusulat ko ito. Ang isa pang hindi ko makalimutan ay nung bumalik ako para ipaalam sayo na manliligaw ako sa’yo, nagulat ka pero wala kang pagtutol, alam na, matandi ka mahal ko, hehehe joke lang, hehehe. Anim na buwan ako nanligaw sa’yo, grabe ang tiyaga mo, hehe ayy ako pala. Naalala mo nung sasagotin mo na ako? Ang saya nun, nandon mga kaibigan mo, pati narin mga gasoline dudes ay nakikinood sa eksena natin sa loob ng mini-store na pinagtatrabahoan mo. 

“Sagotin mo na ‘yan Julia” sigaw ng isang gasoline dude, “Oo nga naman Julia, kundi kukunin ko ‘yan”, sabi ng kaibigan mo, natatawa ka, pero ‘yong tawang may kilig sa mga labi at kumikislap ang pag-ibig sa iyong mga mata. Sobrang kinikilig din ako, pati mga tao sa paligid natin naeexcite nadin. Sigawan pa nga sila, pati narin mga customers dahil lumuhod na ako sa harapan mo habang hawak ko ang iyong kaliwang kamay, kanang kamay pala. Parang eksena lang ng magka-love team sa isang pelikula, sigawan ang mga tao sa paligid natin na parang mga fans lang, kulang nalang e placards. Oo mahal din kita Julio, sabi mo.

Day off mo nun, unang date natin bilang magkasintahan, kaya namasyal tayo sa isang mall, kilig na kilig nun ang lahat ng bones ko sa katawan. Pakiramdam ko ay atin ang mundo, tayo lang ang naglalakad, parang ang sarap maghubad. “Mahal kita Julio”, laging bulong mo sa akin, nakikiliti ang taenga ko at dumidiretso na sa puso ko, hindi mo alam maiihi na ako sa kilig, tinitiis ko lang, parang gusto kong ihampas ang katawan ko sa sahig sa sobrang kilig na nararamdaman ko, alam mo 'yon?

Akala ko nun hindi kaya ng isang tao na mapatigil ang mundo at ang oras, pero maniwala ka, napatigil mo ang mundo ko nang halikan mo ako sa labi, alam mo bang ‘yon ang unang halik ko? Natauhan lang ako nung tumahol ang aso niyong si Mo Tarantado, saka ko narealized na nasa gate pala tayo ng bahay niyo, ang lakas talaga ng tama ng halik mo, ang unang halik na dumampi sa mga labi ko, panandalian ako nawala sa aking sarili. Isa pa nga mahal ko please, hehehe.

Mabilis ang pagtakbo ng mga araw, 6th Monthsary na natin nun at night shift ka, gusto kitang surpresahin kaya tumawag ako sa’yo na kung puwedi ay magtaxi ka muna dahil hindi kita masusundo. Nagdadrive na ako nun papunta sa’yo nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, nag-alala ako sa'yo kaya nag-changed ang mind ko. Tinawagan nalang kita para pagsabihan ka na 'wag magbasa sa ulan at hintayin mo nalang ako. Ang saya mo nun, I love you ka ng I love you, hahaha, natatawa ako sa'yo, sinabi ko lang na susundoin nalang kita, ang dami mo nang I love you sa akin, I love you too.

Bumagal ang usad ng trapiko kaya nayamot ako ng kunti, inayos ko ang suot ko, sinulyapan ang bulaklak na nakapatong sa passenger seat. Medyo matagal bago maayos ang trapiko, nakita ko may banggaan pala kaya humigpit ang trapik kanina. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa'yo ay may humarurot na ambulansya  mula sa likoran ko, ang bilis. Naisip ko baka may malubhang nasaktan sa akisendte kanina. Dahil nagmamadali na ako, binuntotan ko ang ambulasya, magandang diskarte ‘yun para makaiwas ako sa trapiko.

Sa pagsunod ko sa ambulasya, napansin ko iisang direction lang ang tinatahak namin. Nagtaka ako dahil wala naman hospital na malapit sa pinagtatrabahoan mo, hindi naman siguro magpapakarga ng gasoline ang ambulasya, kasi bakit sa inyo pa? May mga nadaanan naman kaming gas station eh, pero hindi ko na pinansin ‘yon.

Nataranta na ako nung makita ko na sa inyo nga ang punta ng ambulansya, tinabi ko ang sasakyan ko at halos patakbo na ako sa mini-store niyo. Sinisigaw ko ang pangalan mo, sa akin napako ang lahat ng tingin ng mga tao. Nakita ko mga kaibigan mo at mga gasoline dudes, malungkot ang kanilang mga mukha, ung iba ay umiiyak. Hindi ko na nakayanan ang sumunod na nakita ko, ang iyong bangkay na nakalulan sa isang stretcher ng ambulansya.

Nagmistula akong istatwa, hindi ko maigalaw ang aking mga paa, nagdilim ang aking paningin, halos hindi ko na maramdaman ang aking sarili. “Mga demonyong hold upper, hindi na sila nakontento pinatay pa siya” tanging narinig ko mula sa akin likoran, ‘yon na ang huling oras at araw na naramdaman kong buhay pa ako.

Mahal ko, isang taon na ang nakakaraan at hindi ko parin kayang mabuhay na wala ka. Mula nun iwan mo ko, naging madilim na ang mundo ko, wala nang saysay, ilang ulit ko nang sinubokan magmahal ng iba pero ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko, ang iniisip ng utak ko, at ang nararamdaman ng aking katawan. Hawak ko ngayon ang baril ni papa, magbabakasakali akong mahabol pa kita saan ka man naroroon. Gusto na kita makitang muli mahal ko, miss na miss kita, hintayin mo ako Julia.


***********************

Ang akdang ito ay lahok sa pansit patimpalak ni Haring Gasoline Dude. Gusto kong manalo ng 1TB Portable Hard Drive at Singapore t-shirt.



SALI NARIN KAYO!




23 comments:

  1. Ang sweet naman ng lovestory.. Pero naging malungkot nga lang, namatay si Julia. pero ano.. plano nyang habulin si Julia sa kabilang buhay? Awwts... bad yun. :(

    Naks.. luma-labstory.. Good luck Akoni! :)

    ReplyDelete
  2. AKONING AKONI ANG GUMAGANAP.BAKIT KAILANGAN MAY TRAHEDYA SA HULI ANG SAYA SAYA NA. gOOD LUCK SANA MANALO KA

    ReplyDelete
  3. Wow manong ganda naman nito, Ifeel you umemo ka sa last part..may pinagmanahan! Lol

    Good luck! I really love this piece! :D

    ReplyDelete
  4. goodluck,
    aray naman ng ending,,,,kakainis kailangan umemo ngaun?hhehe
    pero magaling sana manalo ka~!

    ReplyDelete
  5. UNNIkaIHA - hehe..sana, kasi gusto ko ng 1TB..haha

    Manang - LOL nang, kalevel na ba kita? hahaha..

    Diamond - kailangan sa storya eh..hehe..magkikita naman sila kaya happy ending parin..

    Leah - siguro plano niya habolin, depende sa timpla na gusto mo..pwedi mong isipin na nagpakamatay si Julio, pwedi mo din isipin na may pumigil sa kanyang chick..lol

    Vin the great - thanks parekoy

    Mama - I know, gustong gusto ko din ito..hehe

    ReplyDelete
  6. ikaw na, paniguradong panalo! AYOS! Kilig!

    ReplyDelete
  7. ganda nman ng story, gudluck pre sa contest!

    ReplyDelete
  8. eh may talent naman pala sa love story eh! :D

    ReplyDelete
  9. grabe tawa ko sa umpisa tapos kinilabutan ako sa ending bakit ganoon huhu

    ReplyDelete
  10. swetswet namans. at ikaw na ang may entry. gagawa na din me

    ReplyDelete
  11. KHANTO - hehehe...lagyan mo ng gasolina ang mga prinsesa mo, tapos sali m na sila..haha

    super jaid - Wow you're here..salamat naman...welcome to my kaharian :)

    Bino - nagulat nga ako eh..hehe

    Inong - pag ako nanalo........, wala.

    ReplyDelete
  12. nabasa ko na ang mga entries sa pakulo ni gasdud at sa palagay ko, isa ito sa matinding contender!

    salamat po pala sa pag-congratulate sa akin sa site ni Diamond R, napadaan lang para magpa-thank you, thank you!

    ReplyDelete
  13. maganda ang pagkakasulat mo ng kuwento.....sad nga lang sa hulihan........talagang malulupit ang mga holdaper....nakakulimbat na nga mamamaril pa.......

    ReplyDelete
  14. Uy si McRich, ang pangalan palang mayaman na..LOL..salamat sa pagdalaw, karangalan ko ang pagpunta dito ng isang artista..ikaw na! tnx

    Arvin - salamat, tulad mong magaling magsulat ng tula, karangalan ko maaappreciated mo ang gawa ko.

    ReplyDelete
  15. Haha. ayos ang pick up pati phone number, binili. Lol

    ReplyDelete
  16. hai, sana ganito nalang lagi ano. Nang mamukadkad ang aking alindog. hahahaha

    ReplyDelete
  17. Eto ang sinasabi ko sayong hindi ko pa nababasa na love story mo. Awww.. hindi ka lang pang comedy at pang r-18 pang drama pa. Galing galing. Napaka swerte ni Julia kay Julio. Sayang mukang super in love pa naman sila.

    Sana manalo ka kapatid. Sana makita ng mga judges ang talent mo. kung may botohan. promis boboto ako. :)

    ReplyDelete
  18. hay naku!

    nagbakasyon lang me ng saglit pinatay mo na me agad? hahaha

    pero nakakasad JULIO...umeemo ang drama teh? XD

    ReplyDelete
  19. lahat na yata ng emotions na cover ng short story mo...


    julio at julia. lol!

    ReplyDelete
  20. Nasasanay na ako, inaabangan ko talaga yung sagad na R18. Mukhang nabigo ang kamunduhan ko ngunit subalit apalit pampanga, ang akin namang isipan ay nabusog sa sahog ng pansit este ng mga salita. Pang shortfilm :D

    ReplyDelete
  21. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Natapos din! Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

    ReplyDelete