Greeting earthlings
Si Tonton ay “friend” ko, iisang bahay at kompanya lang kami, sa maintenance department siya nagwo-work, electrician ata siya, kung hindi nagsisinungalin ang ka-kwarto ko na si Mr. Paspe.
Hindi kami masyado close, taasan lang ng kilay pagnagkakasalubong (ang taray lang) o simpling kamustahan lang, “what’s up blue?” ganyan lang magkumustahan. Bihira lang kami magkakuwentotan, ‘yun ay nung nagsusunog pa ako ng baga, nakakasabay ko siya mag-yosi minsan sa labas ng villa namin o sa kusina.
Mabait naman siya, medyo may attitudesssssssss (oo maraming letter “s”) nga lang ayun sa mga naririnig kong tsismis tungkol sa kanya, pero dahil wala naman siya ginagawang masama sa akin o hindi niya ako binibigyan ng isang ‘s’ sa attitudesssssssss niya, hindi ko pinagtutuonan ng pansin ang gossip girls na kumakalat. Ganun ako siguro, kahit masama ka o mamamatay tao ka pa, basta wala kang ginagawang masama sa akin cool tayo, apir tayo.
Kung hindi nagkakamali si Mr. Paspe na ka-kwarto ko, last October 28 ata siya nagflight papunta pinas. So, gaya ng dati tuloy ang buhay namin, lahat ay “who the fuck cares?”
Dito sa kompanya namin, kailangan mo muna magpatira ng pwet bago makapagbakasyon, jowwkkkk, kailangan may guarantor na magbabalik ka nga, kung hindi, titirahin ka ni boss sa puwet, jowwk ulet, may kaltas ang sahod ng guarantor mo, kakaltasin ang halaga ng ticket mo pabalik, sayang din ‘yun.
Dahil nga sa wala kaming pakialam sa pagbabakasyon ni Tonton, nagpatuloy ang buhay namin na masagana. Pero nung November 12, 2011 Sabado night, siguro mga alas dose na ng hating gabi kung hindi nagkakamali ang roommate ko na si Mr. Paspe. Naging ugali ko na bago matulog ay nagtitikol muna ako, jooowwwkk, umiihi muna ako. Kakapagpag ko lang nun sa itech ko sa banyo, naghugas at nagtungo naman sa lababo para maghugas ng kamay.
Naglulat me ate charo, dahil nakasalubong ko si Tonton, I am like WTF?! Ang aga lang kasi ng bakasyon niya eh, wala pang isang buwan. “Oh, ang aga mo naman bumalik” bati ko sa kanya, nangisi lang siya at may sinabi pero hindi ko na pinansin, snobbish? Wala lang, gusto ko lang bumalik na ng kwarto ko at matulog na dahil may pasok pa kinabukasan, kaya nilagpasan ko lang siya.
Kinaumagahan, pinamalita ko ang balita na parang tsismoso, lalo na kay Mr. Estiller na guarantor niya, dahil kinakabahan siya na baka hindi na bumalik si Tonton at makaltasan siya ng kalahati sa sahod niya. “Oh guys, dumating na si Tonton ah” Proud kong binalita sa lahat, hindi sila naniwala sa akin, pinagdudahan nila ang ka-gwapohan ko, oh my god kuya Eddie napakasakit talaga.
Dahil sa ako ang nakakaalam ng katotohan, pinanindigan ko na nakita ko talaga si Toton nung gabi na ‘yon. Pero tumatakbo na ang araw, hindi ko parin nakikita ulet si Tonton, kinabahan me mother lilly, baka shake rattle and roll na itech. Ang inisip ko ay baka nandito lang siya sa Riyadh at nagpunta lang sa mga kamag-anak nya at dahil din sa malakas ang sex appeal ko, naniniwala ako sa sarili ko na nakita ko talaga si Tonton sa gabing ‘yon.
Kaninang umaga, tinanong ko ang ka-kwarto niya, seryoso akong nagtanong. Alam niyo ba kung ano sagot niya sa akin? “Ka-chat ko nung isang araw si Tonton nasa pilipinas pa siya”. Oh my betlog mother lily, shake rattle and roll nga, sino ‘yon nakita ko nung gabing iyown? Si Tonton nag-adventure?
FYI: Ayun kay Jovin na ako ang kinuha niyang guarantor, nabasa daw niya na maaaring isang DOPPELGANGER daw ang nakita ko. Ang Doppelganger na kupal na 'yan ay isang double walker. Isang paranormal na duplicate ng isang taong buhay pa, typically representing evil or misfortune.
Nandito ang iba pang shit.
Nandito ang iba pang shit.
ahahahahaha hahahahaha hahahahaha hahahahaha dami kong tawa dito brad, 'yan kaka isip mo kay tonton dinalaw ka tuloy…
ReplyDeleteyan ang hindi pa nangyari sa akin. pero mumu at aswang, na-experience ko na.
ReplyDeletenice story!!! you shold write more often!!! you're simply amazing!!! :D hehehe
ReplyDeletepakisalo po itong award
ReplyDeletehttp://rencelee.blogspot.com/2011/12/tell-me-about-yourself-award.html
cguro pantasya mo sya kaya nakikilikita mo siya kahit wala sya jan hahaha...lol
ReplyDeletenatawa ako sa koment ni bino...tnt
ang dami kong tawa sa mga terms mo~!
ReplyDeletehakhak hi tonton,,,,,:P
masyado mo lng iniisip c tonton kaya ganuun haha..
eh di sya na may attitudesssss~!
nakakatakot na experience! yung alam na alam mo sa sariling mong nakita mo sya tapos hindi pala sya un, ang nakakamangha dun, ngumisi pa sya sayo at parang snobbish, yay!
ReplyDeleteBON - ang mas matindi ay walang naniwala sa akin.
ReplyDeleteUnnigangsta - Hindi ko naman siya iniisip eh, hindi nga kami close.
Jay - antagal you nawala, nagtraing kaba sa PMA?
Rence -salamat, oo sasalohin ko yan at lulunokin ko pati.
Bino - LOL spam mode ka na naman.
Mama - hehehe...wala pa kaming balita sa kanya, so pag may part 2 ito ibig sabihin dead siya..LOL
Kiko - hindi ko nga siya iniisip, syota???
Okay din Si Ton ton ah... Fantasy much..
ReplyDeleteAnyway regarding sa post ko, hindi yun trulagen, gawa gawa lang yun..
imaginary friend?
ReplyDeletenatatawa ako sa pagkwento mo pero kinikilabutan kay tonton. Kumusta naman siya.nakakatakot naman ang iba pang mga shit na yan.
ReplyDeleteAng saya saya kong nagbabasa dahil sa daming nakaktuwang expression. Mauuwi lang pala sa kilabot ang lahat. I swear, kinilabutan talaga ako. Gusto ko sana mabasa sa huli ang jowk lang kaso totoo.. yun na.. scary lang yan si tonton..
ReplyDelete