nuffnang

Tuesday, May 24, 2011

Ang alamat ng gatas na galing sa dodo ng cow



Ang blog na ito ay RATED PG, Parang Gago. Patnubay ng iyong common sense at pag-uunawa ay kailangan.

Note:
Kung malinis ka mag-isip at hindi ka open minded, ‘wag mo nang basahin ‘to, dahil Triple XXX ito.

Kaninang umaga bumili ako ng Skimmed milk, para feeling social ako kunwari, pero ung small size lang kinuha ko dahil ayaw kong magsuka na naman ang puwet ko, ang hapdi kaya.

Tapos, pagkatapos kong inumin, napaisip ako kung paano na-diskubre ng mga tao noon unang panahon na hindi pa alam na puweding mainom ang gatas na galing sa dodo ng cow, diba? Paano kaya nalaman ng mga tao na puweding mainin ang likido na galing sa dodo ng cow?

Parang ‘yong sa itlog ng manok, paano nalaman ng mga tao na puweding kainin ang puting bagay na nanggaling sa puwet nito, atras ka dito ng dahan-dahan, at makikamot ka sa “Ang alamat ng itlog ng manok”.

Syempre, may storya dyan ang prinsepe ng Akonilandiya, kaya mga bata, magbasa mabuti.

Ito na, noon unang panahon, kung saan nakikita pa ang drum stick ng mga lalake at papaya ng mga babae dahil hindi pa nauuso ang damit, may dalawang magkaibigan na pagala-gala sa kahabaan ng Edsa, pangalanan natin sila ng “BOY GAGO” at “BABY JUSTIN”.

Boy Gago: BJ, BJ, BJ, hoy BJ!

Tinatawag niya si Baby Justin,

Baby Justin: Gago ka ah, anong BJ, BJ ka dyan, diba sinabi ko sa’yo na wag na wag mo ako matawagtawag na BJ?

Boy Gago: eh bakit naman kasi, ang BJ ay pinaigsi lang naman ng pangalan mo na Baby Justin.

Baby Justin: Basta nanginginig ang labi ko at nauuhaw ako kapag naririnig ko ang salitang BJ.

Boy Gago: So weird you ha, Bakit ka naman nauuhaw at nanginginig pa mga labi mo?

Baby Justin: ah, eh, auummhh…nauuhaw ako, hindi ko alam pero basta nauuhaw ako, BJ kita dyan eh.

Pero dahil nga sa Boy Gago, naisip niyang gagohin pa lalo si Baby Justin, kaya lalo niyang tinukso ito.

Boy Gago: Okay, lalala…BJ, BJ…lalalaaaaaa..lala…la….la…BJ

Kinanta nalang ng Gago ang “BJ”, makalipas ang ilang minuto nakita nga ni Boy Gago na nanginginig na ang mga labi ni Baby Justin at humuhugis pabilog ang bibig niya…

Boy Gago: Hooooyyy…BJ, ano nangyayari sa bibig mo, nangingig pa, at pabilog ang bibig mo, para kang hihigop ah…hahahahaha..BJ, BJ, BJ, hahahaha…BJ, BJ, BJ…Para nang tambotso ng sasakyan yan bibig mo, LOL, LMAO, and ROFL, WTF.

Lalo pang tinukso ni Boy gago si Baby Justin, at dahil sa panunukso ni Boy Gago, nakaramdam nga ng matinding pagkauhaw si Baby Justin, gusto na niyang maka-BJ, kaso hindi niya pweding ipakita sa kanyang kaibigan dahil mabibisto siya.

Wala nang magawa si Baby Justin, dahil patuloy parin sa pagkanta ng “BJ” ni Boy gago. Kaya lalong nakaramdam ng pagkauhaw sa dugong puti si Baby Justin, pero ano ang gagawin niya? Nasa pulbiko sila, saka walang ibang tao, sila lang dalawa ni Boy Gago sa lugar na ‘yon.

Sa kanyang pagkatolero, nakita niya ang isang baka na babae, at tindig na tindig ang dodo nito dahil punong-puno na ng gatas, wet na wet talaga. Mabilis na nakaisip ng paraan si Baby Justin, tumakbo siya papunta sa baka at binigyan niya ng BJ ang baka.

“Tang-na-Mmooooooooowwwwww…” ungol ng baka.

Boy Gago: Yaaakkkkssss, ano yang ginagawa mo Baby Justin, bakit mo sinusubo yang dodo ng cow? Yaks kadiri…

Baby Justin: Gago, umiinom ako, sabi sayong nauuhaw ako pagnaririnig ko ang salitang BJ eh.

Sabi ni Baby Justin sabay balik ang bibig sa dodo ng cow, at binigyan niya ng matinding BJ.

Napawi na rin sa wakas ang uhaw ni Baby Justin kaya umalis na siya sa ilalim ng baka, pero naisip niya, masarap pala ang likido na nainom niya mula sa dodo ng cow.

Baby Justin: Alam mo, masarap ung likido na galing sa dodo ng cow na ‘yan.

Boy Gago: talaga? patikim ako, pero teka ayaw ko nga susuhin yan, yaks kadiri, kuha nalang ako ng paper glass.

Pinisil-pisil ni Boy Gago ang dodo ng cow at ilang sandali pa ay may tumulo na gatas, sinaulo niya gamit ang paper glass, at inunom.

Boy Gago: hhhmmmm…Oo nga, sarap, ang galing mo talaga baby Justin, akala ko kasi kanina bino-blow job mo yang baka e, umiinom ka pala talaga, sorry.

Baby Justin: Hindi ah…gago ka lang.

Baby Justin: Ano kaya magandang itawag natin dyan?

Boy Gago: hmmm…dahil sa kulay puti na parang GATA, dugong puti din ito, tapos KATAS ‘to ng dodo ng cow, at tuma-TAGAS ito kanina habang sinaSAGAd mo, tawagin natin GATAS, hehehe.

Baby Justin: Gago, ang dami mong sinabi, dami mong shit!

P.S: Kung may gusto kayong malaman ang “Alamat” kahit na ano, puwedi kayong magtanong, libre.

WAKAS



Monday, May 23, 2011

Alamat



Wala pa nung myx wala pa nung MTV, wala pa nung internet, wala pa nung ipod at mp3, wala pa nung cable, wala pa nung cellphone, wala pa ring cd or dvd, meron lang betamax at pomade ni lolo, break it down yoowwhh…

Isang araw may nakaaway ako, hinamon ko siya ng sumtokan, kaso ayaw pumalag sa akin, buti nalang kundi basag ang mukha ko.

Nagkaproblema kaming lahat, dahil hindi matutuloy ang suntokan. Hindi maaari ‘to, dapat may dumanak na dugo sa araw na ‘yon, lahat kami nag-isip kung sino ang puweding makalaban niya, at dahil sa ako ang sangkot sa gulo, ako ang nakaisip kung sino ang ilalaban ko sa nakaaway ko na ayaw pumalag sa akin, buti nalang.

Napalingon-lingon ako sa buong klase namin, aha! Nakita ko ang batang patpatin sa may likoran ko, tinabihan ko siya habang inosenteng nagsusulat.

“Gusto mo labanan si JAM (tunay na pangalan) ng suntokan?” tanong ko kay Jashim (tunay na pangalan din).

Hindi pa kami noon close, parang classmate lang, magkakilala, ganoon lang. Napatitig nalang sa akin ang batang patpatin, nagkatitigan kami, parang love at first sight ang nangyari, nagkagaanan ng loob, kulang nalang maghalikan kami, ewww..

“Oo” sabi naman ni Jash at natuwa ako dahil nauto ko siya.
“Okay, game…” sabi ko at tumayo na kami ng sabay.

Syempre, pinakilala ko muna sa kanya ang taong babasag sa mukha niya kung sakali. Nang magkakilalanan na sila, binulongan ko na si Jash na unahan na niya, at dahil likas atang uto-uto si Jash, hindi pa ata tapos bumulong ang demonyo eh, ikinasa na niya ang kanyang kamao at mabilis na nagpakilala sa mukha ni JAM, wapaakk!!! Sobrang tuwa ko. Naging block buster ang laban nila sa buong klase, kaya noong recess nagkaroon agad ng sequel, sobrang saya ko talaga.

Doon na nag-umpisa ang pagkakaibigan namin dalawa, kung dati kami ni JAM ang magkatabi sa upuan, mula noon kami na ni JASH at nag-umpisa na mabuo ang pagmamahal namin sa isa’t isa, putek so gay naman ito.

Maraming araw ang dumaan at lalong naging close kami, parehong-pareho kami ng mga trips, parehong pareho kami takbo ng utak, ng ligaw ng bituka, at ng mga kapraningan.

Hindi kami sumasakay ng jeep, nilalakad nalang namin pauwi, siguro tadhana na ang gumagawa noon para lalo kami maging close sa isa’t isa. Sa amin paglalakad pauwi, nagdadala kami ng mga bato o kahit na anong mabibigat na bagay, minsan buko ng niyog, tig-dalawa kami.

Pagdating namin sa may bridge, titigil kami doon, sabay hihinga ng malalim at sabay ibabagsak ang buko ng niyog o malaking bato sa kung sino man tumatae, o naglalaba sa gilid ng lake, tatansyahin namin na sa tubig tatama ang bato o buko ng niyog, para pagbagsak ay mababasa kung sino man kawawang biktimang nilalang. Haaayyyy, ang sarap ng feelings habang minumura kami ng tao mula sa baba dahil basang-basa siya dahil sa talsik ng tubig gawa ng hinulog naming mabigat na bagay sa tabi niya.

Break it down na, atras ka nalang dito at magpaantok.

Lahat siguro tayo ay may best friend, yong best friend na parang magkapatid na ang turingan niyo. Mayroon din ako, akala niyo lang wala, pero mayroon talaga ako, siya si JASHIM.

Hindi lang basta mabait na tao, kundi isang mabuting tao. Katulad ko rin, makulit at mga adik ang salita, kaya isipin mo nalang kapag naging dalawa ang AKONI, laugh trip.

Violet ang utak ng taong ito, biruin mo graduated as a Cum laude ng MINDANAO STATE UNIVERSITY, at TOP 2 ng SHARIAH LAW bar examination, impressive, ha. Siya ang nagsisilbing moral guidance ko, dahil alam niyo naman wala akong ka-moral-moral na tao, hehehe.

May 23, 2011, dalawang araw pagkatapos magunaw ang mundo, at ngayon araw na ito ang araw kung saan isinilang noon ang taong magiging karamay sa lahat ng bagay ng isa pang nilalang na ipinanganak noong JUNE 9 na nagkukwento ngayon sa inyo.


MALIGAYANG KAARAWAN, BUDDY!

I LOVE YOU P’RE…


With his son: Pinapahalagaan ko lang ang kapakanan ng bata


Sunday, May 22, 2011

Wolo long



Okay this time moment na naman ng isang nilalang sa mundo ng blogging, isang nilalang na nagpapahalaga sa kaharian tinatawag na Akonilandiya. Ang nilalang na 'to ay may kakayahan din mapangiti ang prinsepe ng Akonilandiya, si Prinsepe Akoni, wolo long.

Natutuwa ako sa nilalang na 'to dahil parang napakasimply niya, correction pen, talagang napakasimply niya. Mabait, matalino, inosente, at mahilig humingi ng advices, wolo long. 

Nwe, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang haba na ng sinabi ko, eh ang sasabihin ko lang naman sa inyo ay isa ako sa binigyan niya ng AWARD bilang isang KEWL na blogger daw, wolo long.

Now, define COOL? sabi sa akin ng isang nilalang din noong sabihan ko siya ng "Cool ka na niyan?" hindi ko na sinagot dahil alam kong alam niya na alam ko kung ano ang literal na meaning ng "cool", ang naisip ko lang eh, "Where's the common sense, you know?" pero baka nagpapatawa lang 'yon or nagpapakamatalino to me, wolo long.

Okay, bago maging isang libro pa ito, gusto ko nang ibuhos ang pasasalamat ko sa nilalang na ito na nagbigay parangal sa akin, wolo long.

Wolong obo kondo so, jejejejejejejeje, Lhuloy ng lhuloylearnstoblog. Maraming-maraming salamat Titser Katie, sa pagrecognized mo kay prinsepe Akoni bilang isang kewl na blogger.

Si kewl kirat

Saturday, May 21, 2011

Judgement day



Nagising akong madilim ang buong paligid, ito ang pinakamadilim na nakita ko sa
buong buhay ko. Nagtataka ako, may mga naririnig akong umiiyak, kilala ko mga boses na yon.

Ano ang nangyayari, bakit nasa isang madilim na lugar ako? Bakit may mga umiiyak?

Kinapakapa ang paligid ko, wala akong maramdaman. Sigurado ako, mag-isa ako ngayon, dito sa lugar na walang liwanag.

Kinabahan na ako, naiiyak na ako at sumigaw ng tulong, tinatawag ko ang mga umiiyak. Walang nakakarinig sa akin, walang sumasagot.

Kinapa ko ang aking sarili, iba ang suot ko, may idea na ako kung bakit nasa isang madilim na lugar ako, tama! Alam ko na.

Patay na ako at nasa loob ako ng aking libingan, nasa ilalim na ako ng lupa.

Tuloyan na akong napaluha, bumalik sa akin ang lahat ng alaala noong nasa mundo pa ako, lalo na mga pagkakamali ko, punong-puno ako ng pagsisisi.

Ito na, dumating na ang araw ng paghuhukom, isasakdal na ako. Wala na akong takas dito, haharapin ko na ang kaparusan ng bawat maling nagawa. Ako lang mag-isa dito sa libingan ko, wala akong kasama kundi ang mga nagawang kabutihan sa mundo.

Hindi pera, hindi kaibigan, hindi alahas, wala na kahit ano, kundi ang kabutihan lang na mga nagawa ko.

Sana sapat ang kabutihan nagawa sa mundo para maisalba ako sa kumukulong apoy ng imperno!