Tanong: Saan galing ang itlog?
Sagot: Sa manok.
Tanong: Saan galing ang manok?
Sagot: Sa itlog.
So, alin ang naunang lumabas ang itlog o ang manok?
Ang tanong na “Just for fun” kapag walang magawa at nagkakasiyahan.
Itlog ang nauna kasi si Adam ay may itlog, at siya ang nauna sa mundo.
Manok ang nauna kasi manok ang tawag sa bird ni Adam noon, syempre hindi pa uso ang mga Conyo that time, and Adam don’t have the “balls” to be alone at that time, in tegelowg, wala siyang bayag o itlog para mabuhay mag-isa, kaya wish niya si Mudra Eba. So, mas nauna ang manok.
Ha!!! ewan…for a change, ito naman ang tanong ko.
Paano na-diskobre na puwedi pala kainin ang itlog ng manok? Sino ang nakadiskubre? Paano nadiskubre? Eh diba galing ito sa puwet ng manok kaya parang e-tinatae nito? Syempre noon hindi pa nadidiskobre na pwedi palang kainin ang itlog ng manok ay iisipin ng makakakita na tae un ng hayop (Manok) dahil nagmumula ito sa puwet, yaks.
Pero paano ba talaga na-diskobre na puwedi pala kainin ang itlog ng manok?
At ito ang bibigyan ko ng linaw sa inyo…dahil sa loko-loko ako, may nagiling na kalokohan at nahuling guni-guning ligaw sa utak ko tungkol sa “alamat ng itlog ng manok”.
Halika, maglokohan tayo. *sindi yosi*
Noong unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang panahon, bago palang ang mga tao dito sa mundo niyo at wala pang saplot ang mga tao, may dalawang taong kweba na mag-BFF, si Uga-wogo at si WOhta-Wonga. Araw-gabi ay magkasama ang dalawa, kaya nagpagkakamalan silang may relasyon (noon pa uso na ang tsismis), panay harotan kasi ang ginagawa nila, pero dahil sa pagkakaibigan at closeness nila sa isa’t isa, hindi na nila pinapansin ang mga kumakalat ng tsimaks tungkol sa kanila, umiiwas nalang sila sa press people.
*Nag-uusap ang dalawang magbest friend sa kanilang tree house*
Uga-wogo: Basta pre, BFF parin tayo, kahit ano mangyari,okay?
Wohta-wonga: Oo naman tol, I wanna spend my lifetime loving you.
Uga-wogo: pre naman, that’s so gay…pwedi ba?!
WOhta-Wonga: ayy sorry, favorite song ko kasi ‘yun,hehe.
Uga-wogo: Gosshhhh...Sound track ng Zorro movie. OMG pre, ang galing ni Antonio Banderas.
WOhta-Wonga: Oo nga tol, haaayyy galing-galing niya sa ispadahan, as in, as out, and that bitch Catherine Zeta Jones, I don’t like her, duh.
Uga-wogo: Hoy pre, grabe ka naman. Hindi ko rin siya gusto, support nalang natin siya for our hero Zorro.
WOhta-Wonga: Sige tol, sabi mo e…
Laging masaya ang dalawang magkaibigan, wala silang dull moments, hanggang sa isang araw habang naglalakad sila, may nakita silang hayop (ihanin manok)…
Dumapa sila agad para bantayan ang nakita nilang hayop…
Uga-wogo: P’re ano kaya yan?
WOhta-Wonga: I think it’s a bird…
Uga-wogo: No, it’s a plane…
WOhta-Wonga at Uga-wogo (chorus): iiittttttttttttttsssss aaaa……Ewan!hahahahaha
Laugh trip ang magkaibigan habang nakadapa at binabantayan ang nakitang hayop. Hangang sa...
WOhta-Wonga: tol, tingnan mo ‘yun hayop na un oh, tumatae, hahahaha…
Uga-wogo: hahaha..Oo nga noh? Pero bakit ang ingay?
WOhta-Wonga: Oo nga e, kakaiba pala tumae ang hayop na yan, ang ingay. Putak ng putak.
Uga-wogo: wait pre, lumalabas na ang tae, ayuunnnn naaa…lumabas na, hahahahhaa…nahulog pre! Hahahaha, pero bakit kulay puti?
WOhta-Wonga: eh nahulog syempre, namuti, ikaw kaya ang mahulog, tingnan ko lang kung hindi ka rin mamutla.
Uga-wogo: Oo nga noh? Ang galing mo talaga.
Uga-wogo: ang galing talaga ng obserbisyon mo pre, akalain mong napansin mo yun?
WOhta-Wonga: iba ako e, alam mo na..You know me, akoni.
Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan taong kweba ay umalis na rin ang inahin manok, kaya pinuntahan nilang ang nakitang kakaiba na nagmula sa puwet ng isang hayop. dinampot ni Uga-wogo.
Uga-wogo: Pre, kakaiba talaga ang tae ng hayop na un oh…tingnan mo pre, matigas at kulay puti, parang bato.
WOhta-Wonga: Oo nga noh? Tol basagin mo baka may bato sa loob tapos lunukin mo at sigaw ka ng DARNA.
Uga-wogo: ulol! tae ‘to noh…nakita mo naman na galing sa pwet ng hayop na ‘yun, ibig sabihin ay shit! Shit ito, tanga!
WOhta-Wonga: Gago! may shit bang kulay puti? Ang layo ng hitsura niyan sa shit e, yan kulay puti, ang shit kulay ng mukha mo, hahaha. Sa palagay ko nakakain ang nasa loob niyan.
Uga-wogo: hahahaha…hay naku, ang tagal na natin magkaibigan, ngayon ko lang nalaman na ang tanga mo pala. Mayroon bang pagkain na nagmumula sa puwet ng hayop?
WOhta-Wonga: halluueeerrrrr, malay mo? Think deep, pwedi ba?!
Uga-wogo: sige nga patunayan mo na hindi tae ito, patunayan mo sa akin, basagin natin tapos kung may bato na nakakain sa loob, kainin mo.
WOhta-Wonga: Ano premyo ko?
Uga-wogo: bigay ko sayo lahat mga FHM magazine collections ko.
WOhta-Wonga: Okay deal.
Nag-isip muna si WOhta-Wonga ng ilang sandali…
WOhta-Wonga: Game…akin na! yes…basta mga FHM magazine mo ah
Uga-wogo: Oo may bunos pang masahe ko with laway.
WOhta-Wonga: YESSS!!!!
Dumambot ng maliit na bato si WOhta-Wonga at pinukpok ang ibabaw…kaya nabutas ng kunti. Sinilip naman ni Uga-wogo …
Uga-wogo: Oh ano nasa loob, bato ba yan, ha? Matubig yan e, lusaw ang laman, bato ba yan? Ang bato matigas,Tanga.
WOhta-Wonga: eh hindi naman amoy tae ah…syempre fresh pa to kaya lusaw pa…wait natin titigas din yan.
Nilapag nila sa ibabaw ng malaking bato. Dahil sa sobrang init ng araw ay naluto ito.
WOhta-Wonga: Oh sino ngayon ang tanga sa atin? Sabi ko sayo, tingnan mo, matigas na.
Uga-wogo: okay tama ka don, ngayon kainin mo.
WOhta-Wonga: Watch me…
Binalatan muna ni WOhta-Wonga
Uga-wogo: Bakit mo binabalatan?
Wohta-wonga: Haalluuueerrrr, so dirty kaya.
Hindi na komontra si Uga-wogo, at kumagat naman ng kunti si Wohta-wonga
WOhta-Wonga: hhmmmm…ang sarap…ang sarap tol.
Uga-wogo: yaks, kumakain ng tae…
WOhta-Wonga: hindi nga, masarap nga..tikman mo masarap, promise…
Naghabolan ang dalawang taong kweba at nagharotan. Dahil sa sobrang panghaharot ni WOhta-Wonga kay Uga-wogo ay napilitan din tikman ni Uga-wogo.
Uga-wogo: Oo nga noh, masarap nga.
WOhta-Wonga: sabi sayo e, tara hanap pa tayo ng ganun hayop tapos abangan natin puwet niya.
Uga-wogo: pero teka, ano itatawag natin dito? hindi naman pweding tae.
WOhta-Wonga: hmmm…sabagay tama ka, ang sagwa kung tae ang itatawag natin…nakakadiring kainin,yaks!
Sa kanilang pag-iisip kung ano ang itatawag nila sa nadiskubre nilang pagkain ay nakaramdam sila ng antok.
Uga-wogo: haayyy naku, ITULOG nalang natin to.
WOhta-Wonga: Naks ang galing mo ah…tama, ‘yun ang itatawag natin dito ITLOG nalang natin to, ang galing mo rin ah. ITLOG....hhmmm puwedi..mula ngayon ITLOG ang itatawag natin dito.
Uga-wogo: Ako pa?! you know me, AKONI. Apir!!
At nag-apir ang dalawang magbestfriend na taong kweba, gamit ang kanilang nguso. Apir! Mwah!!!
"Hindi lahat ng galing sa puwet ay tae" -Itlog
"Hindi lahat ng galing sa puwet ay tae" -Itlog
---THE END---
Paano kaya na-diskubre na puweding mainom ang gatas ng baka?
natuwa ko sa kwentuhan ng dalawa ah hahahah.. tama, hindi nga naman lahat ng galing sa pwet ay tae, may itlog nga naman..
ReplyDeleteang kulit hehehe.. :)
nyang haba naman nito Akoni...hahaha puro ka-itlogan! ahahahhahaha :)
ReplyDeletesalamat istambay madali ka pala mapatawa...hehe
ReplyDeletekamila::: napasarap lang sa kalokohan..hahaha..binawasan ko pa kaya yan..haha
mama:::Oo,hehehe..si wohta-wonga pala mama, nickname niya at tanga, at si uga-wogo ay gago ang nickname niya..hahaha..just saying, you know, akoni. LOL
ipapasa ko ito sa DECS baka pwedi nilang gawin libro para sa mga bata, para malaman nila ang alamat ng itlog ng manok...hehe
wahahahahhaha! vinasa ko sya with all my heart,lungs and brain! whahahahahahha...ang galing ng history ng itlog moh! jajajajjajajajaja!!!! husay!
ReplyDeleteanak: ang connection nga naman ow.. kala ko hnd napost ung comment ko kya nagcomment ako ulit, haha! nadoble.. kaya ayan tinanggal ko pangalawa.. hang kulit na naman connection ko now, pasensiya.
ReplyDeleteLhuloy...hahaha...telege?hehehe.selemet nemen..haha..hindi ko maisip kong paano magbasa ng with all the heart, lungs and brain..LOL...haha..
ReplyDeletemama::ayan tinanggal ko na..hehe
May nagsuntukan na dyan... High School ako nun.. nagtalo ang dalawa kong kaklase dahil sa manok at itlog...
ReplyDeletebwahahah adik ka talaga devz... iba talaga imagination mo.. but infernezz ha sayo palang ako nakabasa ng ganitong kwento ng manok at itlog.. bweysit! nyahaha! sana magtandem kayo ni lerroz noh para mas idealistic hehehe.... miss you..
ReplyDeletewakokoko..baka ikaw un musingan..haha..
ReplyDeleteAnonymous: maaaakaaaaaall, OMG, napadpad ka dito ah..hahaha.thank you..malaki lang basag sa utak ko..haha..sige hanapin ko if may blogsite din si lerroz...hehe..see you on july. :P
Ang itlog baw!
ReplyDeleteheheh,..