nuffnang

Monday, February 7, 2011

EMO: Love story

Pagkaraan ng 3 taon pananatili ni delfs sa abroad ay nagbalik siya sa kanilang lugar. Bago umalis si delfs ay nagkatampuhan sila ng kanyang GF.
Masayang dumating si delfs, tinawanag niya ang lahat ng kanyang mga barkada upang mag-celebrate sila sa kanyang pagbabalik. Magtitipon-tipon sila sa kanilang tambayan, sa restaurant ni Jeffree.
Maagang dumating si delfs sa kanilang tamabayan, naglalakad at sinasariwa ang mga masasayang alaala kasama ang kanyang barkada at kasintahan.
Nakita niya ang kanyang kasintahan nakatayo sa fountain na nasa gitna ng resto, dali-dali niya itong nilapitan at niyakap. “I miss you so much and I am so sorry for leaving you without a word, kanina ka pa?” sabi ni delfs. “Masaya akong nakita kang muli, delfs! pinapatawad na kita”, sagot ng kasintahan at kumalas na ito sa kanyang pagkakayakap kay delfs at tumakbo palabas ng pintuan. Hinabol ni delfs pero nakasalubong niyang papasok na sa pintuan ang kanyang mga barkada. “Guys nakita niyo si denice (pangalan ng syota)?”. Biglang nalungkot ang barkada sa kanilang narinig.
“Delfs patay na si denice, nagpakamatay noong ewanan mo.” Malungkot na tugon ni Garec.

Ask forgiveness before leaving a friends o kahit na sinong naging bahagi ng buhay mo at patawarin ang mga nagkasala sa'yo, dahil hindi mo alam kung magkikita pa ba kayo muli o hindi na.
May isang taong nasaktan ko ng lubusan at alam ko hanggang ngayon ay hindi pa niya ako napapatawad, sana dumating ang panahon ni Aiza Siguerra at mapatawad niya ako.

No comments:

Post a Comment