nuffnang

Thursday, February 24, 2011

LOVE STORY AKONI part 3

Nag-ipon ako ng lakas ng loob, napapikit ako at nakita ko na naman si batman, kumakaway sa akin, alam mo na ang ibig sabihin nun. Kaya pumasok na ako, nakangisi akong lumapit sa aking tatay…


Akoni: ‘tay, gusto kong mag-asawa.

Medyo natagalan bago makasagot ang tatay, hindi ko alam kung narinig niya ako o hindi. Nilingon niya ang kanyang asawa na aking ina.

Tatay: kung may pera ka, bakit hindi?

Hindi ako kuntento sa aking narinig, I want more…

Akoni: mayroon naman po kahit papaano

Iniabot ko sa kanya ang sobre na naglalaman ng perang naipon ko sa loob ng isang taon at pitong buwan ko sa Saudi Arabi. Binilang niya saka tumingin ulit sa nanay ko na asawa niya. Sa mga oras na ‘yun, parang nauubusan na ako ng hangin sa aking katakamtakam na katawan. Naghahang ako, wala akong maisip, blanko ang utak ko. Nakatayong nag-aabang ng mga salitang pakakawalan ng tatay at nanay ko na asawa ng tatay ko, parang unti-unting nawawala ang spiritu ni batman sa aking isip, pakiramdam ko nasa harap ako ng hukuman at ako ang nasasakdal na naghihintay ng inahahatol. Sa mga oras na ‘yun tangin sarili ko lang ang aking maasahan upang makumbinsi ko ang mga magulang ko, nakita ko ulit si batman sa isip ko, naka-peace sign, sinyales na tinu-turn over na niya sa akin ang situation na ako na ang bahala. Habang ako’y nawawala sa aking sarili ay sumambat naman ang nanay ko na asawa ng tatay ko.

Nanay: No problem, you knew me son; I will give you everything I had in my life just to make you happy.

Pinagkita sa akin ang kanyang mga gold. Kumislap ang aking mga mata, pumalakpak ang aking mga tainga, bumuka-buka ang aking ilong, sumayaw ang aking mga kilay at kumutitap ang aking mga ngipin sa tuwa dahil sa mga makita at marinig kong supporta ng asawa ng aking tatay na nanay ko. Ngayon, ang tatay ko nalang ang kulang upang pati buhok ko sa buong katawan ay magsitindig sa sobrang kagalakan.

Tatay: kunti lang pala kulang sa’yo. Sige bukas isama mo ang dalawang tita mo at punta kayo sa bahay nila. Para malaman natin kung ano ang gusto nila. huwag kang mag-alala may makukuha ako sa banko.

Muntikan na akong himatayin sa mga narinig ko. Nakahinga ako ng maluwag, solve na ang isa sa problema ko, all out support sila sa akin lalo na ang nanay ko na asawa ng tatay ko. Tumawag ako sa magiging asawa ko, ibinalita ko sa kanya ang tungkol sa magandang balita na ‘yun, “Bukas, mamanhikan na kami.” Sabi ko sa kanya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng tatay ko at ng nanay ko na asawa ng tatay ko. Lumabas muna ako, kinuha ang isang paketeng sigarilyo. Ang dami kong naiisip, sa sobrang dami ay hindi ko na maisip kung anu ang mga yun, nag halo-halo na at nag barbeque pa sa aking katawan. Kay bilis ng mga pangyayari, nagbreak muna ako, nag-isip. Nagsindi ako ng yosi, humitit ako, binuga sa mga lamok na aalialigid sa akin. Humitit pa ako ulit, binuga sa mga lamok na aalialigid sa akin, humitit na naman ako ulit, binuga sa mga lamok na aalialigid sa akin (repeat 2x then chorus).

Kaya ko na bang panindigan ang bagong hamon sa aking buhay? Kaya ko na bang maging lalakwe sa magiging pamilya ko? kaya ko na bang kontrolin ang sarili ko sa mga tuksong nagkalat sa planetang ito? Kaya ko bang bigyan ng magandang buhay ang magiging pamilya ko? Kaya ko bang maging tapat at karapat dapat sa aking asawa? Handa na ba akong isakripisyo ang sariling pangangailangan ko para sa magiging pamilya ko? punong puno ako ng mga tanong sa gabing iyon.

Itutuloy…


(Sorry sobrang haba)

16 comments:

  1. lumalablayp story.. ahh.. napansin ko lang na laging binabanggit ang nanay mo na asawa ng tatay mo.. ilan ba ang nanay mo parekoy? hehehe

    tuloy tuloy lang.. :)

    ReplyDelete
  2. wahehehe totoo ba ito o fiction?w ahehehe pero kasi ikaw bida mukhang totoo...

    ReplyDelete
  3. uulitin ko nlng basahin uli pag off ko... ahahaha... walang pumapasok sa utak ko eh...

    ReplyDelete
  4. welcome sa magulong mundo ng pag aasawa :) hehehe

    ReplyDelete
  5. wow!
    ang
    taray!
    I
    so
    lili
    like
    it..jejejejeje

    ReplyDelete
  6. totoong kwento yata toh... close? hahahahahahaha... buti pa you... kasama mo na ang pinakamamamhal mo sa buhay... lol... hahahaha at todo support si mader..

    ReplyDelete
  7. hay... inlove na naman ko ulit....

    ReplyDelete
  8. mama - ako din, may favorite love story at blog.

    Axl - save the best for last...haha

    Istambay - isa lang parekoy..para hindi malito ang nagbabasa..haha

    Kiko- 97.98 % totoo kikz..haha

    iya_kin - Oo true yan...97.97% pure..hehe

    Leorap - sige lang, basta kumain ka muna bago mo basahin

    Adang. - thank you pare, dont worry patatahimikin ko.

    Lhuloy - wow wow thank you..haha..taray at arte

    kamila - Oo parang totoo nga...hehehe..syempre only son ako kay todo the max ang support..hehe

    Musingan- kanina pre? sa akin?haha

    ReplyDelete
  9. 97.98% true pala ito. in that case, congratulations akoni.

    ReplyDelete
  10. hehe..wala pang ending sean e..haha..tnks anyway.

    ReplyDelete
  11. so kelan ka papakasal??? ang tagal nmn ng susunod na kabanata.... binasa ko from part 1 hanggang dito ah... mahal bayad dun,. hehe... tama nga si tambay, laging may "asawa ng tatay ko" ung nanay moh.. MALAMANG!!! adik ka lang? ^^

    si kikomaxx ba ung batman na naka peace sign? wahahahaha....


    basahin mo din to para kwits tayo... ang haba eh. heheh... clik mo ung link. mareredirect ka sa pornsite. wahahahaha

    link

    ReplyDelete
  12. Salamat arvin, kayang kaya ko nga..hehe..sana, sana, nasa sana.

    Leorap - sige pare, babasahin ko yan bukas sa office..hehe....hahaha..baka kasi malito kayo..haha..pang adik lang un..hehe
    good observation si kiko ata un..hahaha

    ReplyDelete