nuffnang

Saturday, February 19, 2011

Selda

Pagkatapos ng dalawang araw pagtatampisaw sa swimming pool ng pag-ibig, ako ngayon ay nakaahon na at nagbabalik, nandito na ako ulit sa aking selda, ang selda ng realidad. Oo parang nakakulong ako dito, sa mdaling araw ay kailangan bumangon ng maaga at maghanda dahil dadating ang susundo sa amin para dalhin kami sa amin trabaho, at sa paglubog ng araw kami ulit ay susundoin upang ibalik sa amin mga selda (kwarto).


Ganyan ang routine ng buhay ko/namin dito, trabaho na may mabahong ka-office mate, bahay na may ka-kwartong mula-ulo-mukhang-paa, trabaho, bahay. Parang buhay lang ng mga nasa bilibid, sa madaling araw ilalabas sila para magtrabaho at sa paglubog ng araw ay ibabalik ulit sila sa kani-kanilang mga selda.


Tulad din ng mga nasa bilibid, nagbibilang din kami ng mga araw, nagmamarka ng mga petsa sa kalendaryo, at nililista ang mga gagawin sa aming paglaya (bakasyon).


Tulad din ng mga nasa bilibid, marami din mahahalagang araw at okasyon ng mga mahal namin sa buhay ang hindi namin nadaluhan.


Tulad din ng mga nasa bilibid, umiiyak din kami sa gabi kapag namimiss namin ang aming mga mahal sa buhay.


Kaming mga OFW ay mentally at emotionally nakakulong, bawat araw na dumadaan ay nangangarap kung kailan kami lalaya, kung kailan namin makakasama ang mga mahal namin sa buhay na hindi na namin sila kailangan pang iwanan.


ka-kusa,


AKONI

5 comments:

  1. hhmmm.. may blog ako gagawin para sa inyong mga mahal kong UFO, este OFW..

    atleast naman kumikita ka.. :)

    may blog naman e! dami kang magiging friends dito, gusto mo add pa kita sa FB e, heheh :)

    ReplyDelete
  2. hahaha..excited na akong mabasa yan maldita...haha

    yes salamat sa blog na to, dahil nagkaroon ako ng sumbungan at sukaan ng mga kalokohan at mga guni-guni ko. At isa ka na don sa mga magiging friends ko...sige add me, karangalan ni akoni ang maging kaibigan ang isang maldita..hahaha

    ReplyDelete
  3. na touched naman ako dito, pang MMK 'to ah, namissed kong pagkukwento mo ng mga drama.. hehe! hay naku anak, lahat ng bagay may katapusan kaya im sure balang araw, mkakalaya ka din jan sa selda mo..

    ReplyDelete
  4. hindi ka nag-iisa. may mabaho rin akong officemate.

    ReplyDelete
  5. Tama... ako hindi lang parang nakakulong... kundi parang nakabartolina pa... hayst...

    ReplyDelete