nuffnang

Saturday, February 12, 2011

PILIPINAS FUTURE

Hanggang ngayon ay wala parin nangyayaring pagbabago sa pilipinas, kahit na sino siguro ang mauupo ganun parin ang pinas, paulit-ulit lang, nagkakaroon lang tayo ng pag-asa tuwing election, tsk…tsk..naisip ko tuloy ako nalang magpapatakbo sa pilipinas at ito ang mga gagawin ko.
Pinakamagpo-focus ako ay sa Education. Halimbawa sa mga paaralan, Una sa entrance exam sa mga schools, 10 items lang ibibigay kong questions. Sempre, mabait ako sa mga bata eh. Depende din kung anong level ka, if High school 15 items, sa elementary 10 items, sa College 20 items. Per essay not less than 100 paragraphs for elementary, 200 paragraphs for high school, 500 paragraphs for College, type written naman e, kaya hindi sila mahihirapan.
Kapag nag-absent ang isang studyente ay hindi na magiging uso ang request letter para sa mga magulang na pinatatawag sila ng punong guro, kundi papadalhan sila ng subpina, sa madaling salita ay kakasuhan sila. Ewan ko lang kung magawa pa ng mga studyente na mag-absent. Syempre still my due process of law parin, papaimbestigahan kapag lumabas sa imbestigasyon na nagpabaya ang magulang, kulong din pati parents.
Hindi naman masyadong mahigpit ang mga batas para sa mga paaralan, magiging libre naman ito lahat e, walang tuition fee, libre uniform, libre school supplies, with free allowance, in-short gov't school, kaso subpina, court order, kulong kapag nagpabaya, cool diba? Kung yan ang magiging policy lahat ng mga school sa atin ewan ko lang kung hindi yumaman sa kaalaman ang mga Pilipino, lahat magiging edukado’t edukada, lahat magiging matatalino, sino ba kasi ang gustong makulong, ha?
Kapag nagpabaya sa pag-aaral ang studyente at bumaba ang grade ng 85, isolated agad. Sa school patitirahin at hindi makakauwi hanggat hindi niya naibabalik sa range na 90-97 ang kanyang grado. At kapag hindi parin niya nagagawa madedemote siya, halimbawa kung siya ay third year, magiging second year siya, hanggang sa bumalik na sa grade 6 kung hindi parin niya magagawa ang range na grade.
Ang lahat ay dadaanin sa pag-susulit, halimbawa kung sa JS prom, lahat ay libre din, Sounds nice, diba? Walang bayad, kelangan lang mapasa mo yung exam na ibibigay bago magsimula yung prom. Walang hindi pweding umattend kundi isolated ka, naka-coat & tie, nightgown dress tapos nagsasagot ng exam bago mag-prom. Mga pasado, tuloy ang prom, mga bagsak library ang bagsak at mag-aaral don, ang hindi papayag, kulong!
Palalain ko na, pati sa Jeep, bago bumaba, kelangan masagot tanong ng driver, para makadiscount ka, kapag hindi mo nasagot, maglalakad ka, ang hindi tumupad, kulong! Drivers kelangan, may Average na 2.0-2.5. Ultimo janitor dapat may master degree.
Sadyang kulang lang pwesto sa trabaho kasi lahat OVER QUALIFIED. Mga Hindi edukado ng ibang bansa dito satin magpapa-alipin, lahat ng pinoy abang lang ng sulat/e-mail sa ibang bansa para sa Professional work. Yung mga hindi edukado, dito satin. Baliktad na, Mga Kano, alipin ng Pinoy. Isipin mo, magiging 90% ng Mundo pinatatakbo ng mga Pinoy, Yan ang WOW PINAS at kay gandang pilipinas
Kapag bibili sa supermarket, Kapag umabot ng 3,500 yung price ng babayaran. Ganun din kahaba ang exam na ibibigay. Mga nabili, pwede i-uwi pero kpag bumagsak sa exam, babawiin mga pinamili. 3,500 items din ang exam. HMMMMM…Brutal!
At ito ang KULUNGAN para sa mga makukulong. Kapag nakulong, simula ng kulong hanggang makalaya, pag-aaral at exam lang ang gagawin. Kung 40 years ang sentensya, Kung ilang course ang kasya, kelangan kunin niya yun lahat. Kasama Doctoral Degree, naka-Aircon naman kulungan e. Dahil it ay isang malaking library, oo gagawin kong library ang kulungan, ang bilibid magiging isang malaking library. Mga tao, ayaw maging bobo, kasi ikukulong sa isang malaking library! Kapag panghabang buhay ang kulong, kelangan lahat ng course na maiimbento, makuha niya at pasado, bago mabigyan ng pardon!
May bartolina parin ang kulungan, may pagkain at tubig, kaso kung isang linggo kang bartolina, isang linggo ka mag-exam, straight. Ang tulog mo kapag natapos ka na sa exam. Per day 3000 items, 1000 dun, essay - sa iba't ibang language. Ewan ko lang kung may magluko pa, sigurado ako walang magtatangkang makulong.
Kapag na-huli ng MMDA sa kalsada, hindi na kukunin license/plaka ng car. Madali nalang, bago maka-alis kelangan lang sagutan  ang exam - lahat ng international law sa kalsada, lahat ng law ng iba't-ibang bansa regarding driving and road laws. Pagka-tapos tska lang pwede maka-alis. Ewan ko lang kung may maging pasaway parin na mga motorista. Mga pulis/military/mmda - basta lahat ng manghuhuli, required na pasado sa BAR Exams. Kelangan Atty. lahat bago makapag-silbi, grade1-6 kelangan kabisado na ng mga bata ang batas ng pinas. Philippine Earth na tatawag sa mundo natin. Sasambahin tayo ng lahat ng lugar sa buong mundo. Mahihiya sa atin lahat ng mga scientists. Walang mangmang sa pilipinas.
Ito ang pinakaimportante kung sino ang magiging president, iibahin ko ang requirements para sa susunod na papalit sa akin, di pwede basta basta tumakbong presidente kailangan complete siya sa requirements.
PRESIDENT REQUIREMENTS:
200 International languages, all Philippine dialects and all international law kelangan alam. Ultimo, batas sa Iraq dapat alam! Tapos may kakayahang magpalipad ng eroplano, helicopter, space shuttle, magpatakbo ng barko/submarine, humawak ng baril, ekspert sa jungle/urban surviving. SUMA CUMLAUDE sa lahat ng course. Required na 40 courses ang natapos, 40 Masters, 40 Doctoral Degree, updated dapat sa lahat ng bagay, fashion man yan o bagong Application sa Facebook. Higit sa lahat dapat Cute/Maganda/Pogi/Physically fit - Para hindi mukhang NERD. Siguro si Barrack Obama magiging barangay tanod nalang ang position niya sa atin. Pero may requirements parin sa barangay tanod baka hindi rin siya pumasa don, isa lang naman requirements sa barangay tanod, ma-perfect ang bar exam.
At para naman sa mga housemaids ang kailangan lang ay lahat ng accents alam, american, british, bisaya, german accent, france…kailangan perpekto ang pagkakabigkas.
Araw-araw may mga magbabahay-bahay na mga SWAT, MARINE, at NBI, ikukulong ang mga batang ayaw mag-aral,lahat ng requirement kailangan masunod kundi makukulong ka, makukulong ka sa isang MALAKING LIBRARY.

Ano sa palagay mo?

Lesson learned: Maghaponan bago matulog

3 comments:

  1. Grabehan naman yun..napaka brutal. Ako pa nga lang nagrereklamo na sa mga assignment..gaganyanin pa.. heheh parang di ko trip.

    Madami kaseng tao na hindi naman talaga matalino at hindi natin mapipilit na maging matalino..may mga may sakit... sa ulo at baka lahat ng tao magkunwari na lang na may kakulangan pag nangyari yun.

    Masyadong malaki ang iniisip mo..hahahah lol.

    ReplyDelete
  2. hahaha..mama...ayos lang, maganda naman ang library e...as in bongga..wala naman silang ibang gagwin don kundi mag-aral..haha..Oo hindi ko na ulit nanaisin magpalipas ng gutom, baka mangyari ulit ito..haha


    kamila: kung ganun, magsama-sama na sila sa kulongan..hehe

    ReplyDelete
  3. ang hirap para sa requirements para maging presidente..

    ReplyDelete