nuffnang

Friday, February 11, 2011

Hindi lang pang PACMAN pang sport pa! (ting!!!)


Mahilig ang tatay ko na aking ama na manood ng boksing.  Kaya bata palang ako kilala ko na si Muhammed Ali, Roy Jones Jr., Oscar Dela Hoya, Tito Trinidad, Mike Tyson, Luisito Espinosa, Penalosa at iba pa, dahil lagi ko sila naririnig sa tatay ko na aking ama. Minsan sinasabayan ko sa panonood ng boksing ang tatay ko na aking ama. Sa una nabo-bored ako, hindi ko naman pweding ilipat sa ibang channel dahil takot ko lang ma-upper cut ng tatay ko na aking ama.

Dahil doon, unti-unti ko nang naitindihan ang sport na boksing. Hindi ko alam pero humanga ako sa kanila at bumilib bigla, maliban kasi sa yummy nilang katawan (slurps) at nakakahinang ABS (ayyyyy!!!!!!!!!!!!*kilig*) ay ang galing nilang makipagsuntokan, lalakeng lalake ang dating talaga nila *kilig*, hindi ako war freak na tao pero humanga lang naman ako sa lakas ng loob, lakas ng isip at tapang nila sa ibabaw ng luna. Sa mga normal na nakakakita, parang typical lang na suntokan ang nangyayari, dalawang lalake na nagpapalitan ng suntok. Pero hindi, dahil kapag naitindihan mo ang sport na ito, makikita mong umaandar ang utak nila (syempre, alangan comatose sila), ang kanilang mga diskarte, makikita mo ang mga styles lalo na skills nila at ang kanilang mga plano, lahat ng senses nila ay pagaganahin para hindi matamaan at makatama. Ang boksing ay sweet science ika nga, kailangan mo ng matinding preparasyon hindi lang physically at mentally kundi pati spiritually at hindi lang basta lakas ng suntok ang nagpapanalo sa laban kundi ang talino at diskarte.

Naging paborito ko na itong sport mula noon. Siguro dahil din sa noon bata pa ako at hanggang ngayon ay lagi kong pinapangarap na maging astig, maging malakas, yung kakatakotan? Pinangarap kong maging gangster parang si Brad Pitt/John Cusack sa movie na FIGHT CLUB, napanood mo ‘yun? Grabeness, super like aketch talaga ang movie na un *kilig*. Pero hanggang pangarap ko lang yan, dahil hanggang ngayon ay duwag parin ako. Kasalananan ito ng mga magulang ko, hindi nila ako tinuruan maging basagulero, tsk sayang.

Isang beses ko lang nasubokan makipagboksing sa buong buhay ko. Noong first year high school pa ako, minsan hinamon ako ng kaklase ko, mag-boksing daw kami, hindi ko maalaala kung sinong bwisit na nagdala pa ng boxing glove sa school. First time kong makahawak ng boxing glove, syempre excited ako at masaya ako sa mga oras na ‘yun. Habang suot-suot ko, pakiramdam ko ay napakatigasin ko, sumusuntok-suntok pa nga ako sa hangin e, yeah! hooh! hooh! hooh!. Ready na kami ng kalaban ko, may mga nanonood, reces namin kasi sa oras na ‘yun. Touch glove muna kami, FIGHT!!! Sugod agad ang kalaban ko, pinaulanan ako ng suntok, lahat sa ulo pero naka-cover lang ako, naisip kong hintayin mapagod at tumigil siya bago ko pakawalan ang kamao ko, pero talagang tuloy-tuloy parin siya, nainip ako sa kakaantay sa kanya kaya ang nangyari, kinain ko nalang ang lahat ng mga suntok niya para matapos na ang lahat, bagsak ako. Mula noon, hindi na ako humawak ng boxing gloves para makipagsuntokan, hanggang panonood lang talaga ako.

Manny Pacquiao, Isang gabi oras na ng paborito kong programa sa telebisyon. Sa programang blow by blow ng channel 13, nakita kong isang batang patpatin ang lalaban, ang payaattt, pero mukhang matigas naman. Nag-umpisa na ang laban, kung hindi nagsisinungaling ang isip ko hanggang round one lang ata ang kalaban ng batang patpatin, wwooaaahhh! Namangha ako sa aking nakita, “Ang galing, sino ‘yun?” tanong ko sa aking sarili. Mula noon lagi ko nang inaabangan ang programang blow by blow sa channel 13, inaabangan ko si Manny Pacquiao. Lagi ko pa nga siya pinagmamalaki sa mga kaibigan ko, I mean sa best friend ko, mahilig din kasi siya manonood ng porn boxing kasama tatay niya. “Tol, may napanood akong boksingero, ang galing niya tol, manny pacquiao ang pangalan, grabe ang lakas, kaliwete siya”. Mula noon, inaantabayan ko na ang lahat ng laban ni manny, siya lang pinapanood ko, nawalan na ako ng pakialam sa ibang boksingero.

Pakiramdam ko ay nabasted ng nililigawan babae kapag natatalo si pacman. Tatlo ang talo niya, kaya tatlong beses ko na rin naramdaman ang pakiramdam ng nabasted sa pag-ibig. Pero ganun talaga ang bida sa tunay na buhay, kailangan mo munang makatikim ng kabiguan upang lalong maging matatag, upang maging mapagkumbaba, upang maging lalong maingat, upang maitama kung saan nagkamali, upang dagdagan ang kulang sa’yo, at ang pinakahigit sa lahat, upang lumapit ka sa diyos.

Hindi ko alam kung matatawag ko ang aking sarili na diehard fan ni pacman. Hindi kasi ako nangungulekta ng mga posters niya or kahit na ano, isang t-shirt lang na may mukha ni Manny Pacquiao ang mayroon ako at paborito ko ‘yun. Pero dito sa puso ko, sa isip ko, punong puno ng mga larawan niya, punong puno ng mga mahahalagang bagay na natutunan ko sa kanya. Marahil ay alam na natin lahat ang kwento ng kanyang buhay, kung hindi mo nakikita ‘yun at hindi mo siya mapuri-puri? Magpa-examine ka na, hindi sa mata, kundi sa utak, dahil may problema ka sa utak, o malamang may lumalangoy na alimango sa utak mo.

Maraming salamat Manny Pacquiao, sa pagbigay mo sa amin ng ispirasyon sa buhay, pinatunayan mong kayang abotin ang pangarap sa sipag, tiyaga, at pananalig sa diyos. Itinuro mo sa amin na hindi hadlang ang pagiging mahirap upang manatiling mahirap nalang.

Maraming salamat Manny Pacquiao, sa panandaliang saya na naipagkakaloob mo sa masang Pilipino lalo na sa tulad namin mahihirap tuwing may laban ka. Utang na loob namin sa’yo, dahil sa’yo walang nangyayaring krimen sa bansa natin tuwing may laban ka.

Maraming salamat Manny Pacquiao, sa pagturo mo sa aming magtiwala sa diyos at maging mapagkumbaba. Pinakita mong hindi kayang kontrolin ng pera ang isang tao at hindi niya ito kayang bagohin.

Maraming salamat Manny Pacquiao, sa patuloy mong pagbibigay karangalan sa sambayanang Pilipino at sa pilipinas.

Basta maraming salamat, hindi kakasya ang space dito kung 
babangkitin ko lahat ng mga natutunan ko sayo. 

Basta salamat Manny Pacquiao, manalo-matalo-manalo, ikaw parin ang kampeon ko, pero ang tatay ko ang idol ko.

Maraming salamat, Mahal kita Manny Pacquiao, pa-kiss naman p’re smack lang!



4 comments:

  1. lol pwede hawig. hahaha... pero anyway.. ako kahit kailang di nahilig sa boxing.

    as in ang buong mundo ay nanunuod ng pacquiao, ako natutulog. hehehe..ewan ko ba.

    ReplyDelete
  2. hahaha..thank you mama. Kakagising ko lang dyan, nakita ko kasi pic ni pacman sa site niya..hahaha.

    kamila: pareho na tayong may bangs..haha..syempre lahat naman tayo may paboritong sport.

    ReplyDelete
  3. ay dumaan at nagbasa habang nagkakape...

    ReplyDelete
  4. San u ba diyan?..left or right?..hahahaa,,joke!..hawig u pala si justin bieber eh,hehe swerte naman ni heaven..good thing katie recommended this to me, di ko sana nakita ang mala-manny pacman or justine bieber mong itsura..hehe..

    ReplyDelete