nuffnang

Saturday, February 26, 2011

Busy

Test ink test!

Okay, bago ang lahat gusto kong sabihin muna sa inyo na............................................................namiss ko kayooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!joke,hehehe. Pero dahil sabi nila "Joke is half meant", totoong namiss ko kayo...ng kalahati.

At dahil sa namiss ko kayo ng kalahati, bibigyan ko kayo ng halik galing sa akin, hahahaha, pero dahil ulit sa hindi ko alam kung anong klaseng halik ang gusto niyo, magbibigay ako ng listahan ng pagpipilian niyo, kayo na ang bahalang pumili ng "halik ko" na nababagay sa inyo.

Pumili ng isang halik lang, bawal ang mag-double dahil may bayad na 'yun.

1. Mwah!!
2. Tsup!!
3. Slurpssss...
4. Paxxx!!
5. muahpaxxx!!
6. *for adult kiss only*
7. eow

Isang araw akong hindi nakapag-online pero feeling ko ay parang isang taon na. Sobrang dami kong namiss na mga post niyo, ang dami ko tuloy nitong babasahin bukas sa office, hehehe. Sana bukas wala ang boss ko o sana antokin siya buong araw, sana wala siya sa mood, sana walang ipagawa sa akin, at sana....amen!

Thursday at Friday ang day off namin, ibig sabihin Saturday nag-uumpisa ang weekdays namin. Kaya kung dyan sa atin sa pinas at sa ibang lugar ay "I love you Sabado at I hate you Monday", dito sa amin ay "Ang kyut mo Thursday at ang chaka mo Sabado", pero 'yung mga nasa government lang at sa malalaking kompanya ang may dalawang araw na day off, karamihan dito ay Friday lang ang day off nila, kaya "I landi you Friday" 'yun iba dito, hehehe, araw ng paglalandi.

Naging tatlong araw ang day off namin ngayon, wala kaming pasok ngayon sabado dahil dumating na ang hari ng Saudi last week galing sa pagamotan ng Morocco ata 'yun, inoperahan daw doon at  gumaling na daw sa kanyang sakit at dahil daw sa dasal ng kanyang mga tao na gumaling, nag-declared siya ng walang pasok sa araw ng Sabado. Ganun daw dito, kapag malubha ang sakit ng hari at gumaling siya, nagde-declare daw ito ng isang araw na holiday, lalo na daw kapag namatay ang hari, dahil isang linggo daw ata ang walang pasok, parang naiisip ko ang iniisip mo ah, bad yan, hahaha, long live the king.

Naging busy ako last friday dahil bumubuo kami ng isang organization dito sa Saudi, nagpapaplano kaming magkaroon ng chapter dito ang MSUANS alumni (Mindanao State University), at isa ako sa mga founder, naks, hindi kapanipaniwala na gagawa ako ng isang seryosong gawain, hahahaha, akala tuloy ng mga MSU-alumni ay napaka-formal at seryoso kong tao, at walang ni isang libag na kalokohan sa katawan, hahaha.


Kung inyong mapapansin lahat sila ay nakatingin sa akin habang ako'y may sinasabi, parang iisa lang ata ang nasa utak nila, "What the f*ck?!"

Akoni nakapula














8 comments:

  1. ngek teacher ka didto kol? wahehehe maayo...

    ReplyDelete
  2. ahahha.. wow.. gagawa ka talaga ng org niyo dito ahhh...

    ReplyDelete
  3. naku hindi naman nakita ang mukha mo sa pic na ito, akoni haha!

    ReplyDelete
  4. natawa naman ako kay Kiko... hehehe ang tatanda naman ng mga tinuturuan mo sa picture na yan kung teacher ka..hehehehehe.... pero di ko alam na may royal family sa saudi..hehehehe

    ReplyDelete
  5. kulit mo! sa kiss naman eh, pass muna ako kasi di ako nakapag toothbrush! hahahah!

    naku akala mo lang nakikinig sila pero isip nila nasa pagkain! hahah

    ReplyDelete
  6. Napansin ko walang pumili sa inyo ng kiss, hmp..ayaw niyo talaga sa lips ko ah..LOL


    Sean - hehehe..next puro mukha naman..hehe

    Kamila - hahahaha..
    -Oo monarchy country kaya dito, kaya hari-harian dito..hehe

    iya_khin- magmumog ka nalang..haha...siguro, haha..

    ReplyDelete
  7. kitang kita ka sa pic... grabeh!!! ahahaha....

    alam ko na kung bakit lahat sila nakatingin sayo... ang gwapo mo daw kasi eh!!! wahahaha... type ka ata nila. ahahaha

    ReplyDelete
  8. ahahaha, akoni ,muka kang batang nawawala at nag rereklamo na apat na araw ng hndi kumakain!! ahahaha! alam ko ang iniisip mo ^^,
    ipagpatuloy mo yang good deeds mo once in a lifetym lang yan. ahahhaa ^^,

    ReplyDelete