nuffnang

Sunday, February 6, 2011

LOVE STORY AKONI



Ang kwentong ito ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay pag-ibig ng may akda.


Lahat tayo ay may sariling kwento tungkol sa buhay pag-ibig natin, bigyan niyo rin ako ng pagkakataon ibahagi ang aking karanasan hindi malilimutan sa pag-ibig. Gaya ng iba, gaya ng nakakarami, gaya mo rin ang kwento ko, marami pagsubok at sakit na pinagdaanan.

Matagal ko na siyang kakilala noong nasa high school pa kami, Senior ko siya. Ibig sabihin, first year high school ako ay fourth year high school naman siya, 3 years ang agwat namin, dalaga si nene noon at musmus pa si totoy. Iilang beses ko lang siya nakita noon, hindi ko lang matandaan ang isaktong lugar, oras, at araw. Basta ang natatandaan ko, nakita ko na siya, dahil kapatid niya ang isa sa classmates ko.

Makalipas ang maraming taon, minsan sa isang social network, nagkrus ulit ang aming landas. Nag-umpisa ang lahat sa simpleng “HI” at syempre sa simpleng “BOLA” na nakasanayan ko noon sa tuwing may nakakausap akong babae lalo na’t maganda ‘to. Kapanahon pa noon ng Friendster, may FB ako noon pero kay Friendster parin ang loyalty ko. Who views me? yan ang maganda sa Friendster, alam mo kung sino ang bumibisita sa profile mo. Isang araw, isa siya sa mga nakita kong bomoso sa aking pahina, syempre view agad ako sa kanya, diretso agad sa mga pictures niya. Sa aking paglalaway sa mga picutes niya, may isang picture niya na natigilan ako pagkakita ko, ilang minuto kong tinitigan at pinagnasaan, hehe (joke). Ilang minuto kong tinitigan upang kilalanin, parang may gumalay sa aking utak na alaala, pero malabo ito sa aking isipan. Sa aking diwa ay pilit kong hinahagilap ang malabong alaala na ‘yun, kaya noong hindi ko na makuha, nagmessage nalang ako sa kanya.

Akoni: HI, You look familiar to me. (Isa sa pinakamatinding banat noon)

Siya: Really, Bakit ikaw hindi familiar sa akin? Nakita ko sa mga pictures mo ang mga kaibigan ng kapatid ko, ate ako ni evah, baka ka-batch mo siya, saan ka ba nag-high school?

Akoni: sa MCNHS, talaga, kapatid mo pala si evah?

Siya: Oo, kaya pala familiar ako sa’yo, senior mo ako, class ’95.

Blah….blah….blah….yadah….yadah….yadah….chulah….chulah….chulah

Una palang ay sinabi na niya sa akin mayroon na siyang kasintahan, pero alam kong lumalabo na sila, nahahalata ko sa bawat sagot niya sa mga tanong ko, alam kong nagde-desisyon siyang wakasan ang kanyang kasalukuyang pag-ibig, at tamang tama ang dating ko (devil’s laugh).

Noong magsabog ang diyos ng kakulitan, isa ako sa maagang dumating at may dala pang timba, kaya maliban sa naipaligo sa akin, napuno ko rin ang dala kong timba, kaya punong puno ako ng kakulitan, ‘yun ang naging sandata ko sa kanya upang makuha ang kanyang attention, makuha ka sa kulit.

Fast forward, Nakuha ko agad ang loob niya pati mobile number niya, araw-araw kaming nagpalitan ng mga messages, araw-araw nagkulitan, at araw-araw ko siyang pinapadalhan ng mga matatamis na salita/mensahe, hanggat sa isang araw hindi namin namalayan nalulunod na pala kami sa isang swimming pool ng pag-ibig.

Dahil sa pag-aasam ko sa kanyang alindog pag-ibig, naglihim ako sa kanya, nagsinungaling ako na wala akong kasintahan kahit meron, meron, meron, na akala niya lang ay wala. Oo, may kasintahan din ako sa panahon na ‘yun na kinukulit ko siya. Naging malupit sa kanya ang pag-ibig, ilang beses nadapa at sa panahon na ‘yun ay nangangailangan na naman siya ng taong kakapitan niya upang magkaroon ng panibagong lakas sa tinatahak niyang mundo ng pag-ibig. Ako ang dumating, isang taong mapalinlang, isang taong mapagpanggap sa pag-ibig, isang taong sa paghahanap ng mamahalin habang buhay ay madaming nasaktan, isang taong naghahangad ng tunay na pag-ibig, isang taong naghahanap ng tatangap sa kanya, isang taong nagmamahal tulad mo, puro isang taon nalang.

November 2008, Sabay kaming nagtampisaw sa swimming pool ng pag-ibig. Bawat araw ay puno ng saya, halos langgamin na ang computer at mobile namin sa sobrang tamis namin sa isa’t isa, tuwang-tuwa siguro sa amin si kupido, pinagtagpo niya ang dalawang pusong magkakasundo pero may pananagutan sa iba, laging ganun nalang si kupido, basta magkakasundo walang pakialam kung may masasaktang iba, kahit kailan talaga, stupid cupid o stupid ako.

10…9…8…7…6…5…4…3…2…1 KABOOOOOOOONNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!

Sumabog at gumuho ang lahat nang umamin ako sa kanya na may kasintahan din ako. PAUSE! Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya, kung mag-continue, mag-stop or mag-eject. Ako naman ay nakatunganga na parang nilalatigo aking kaluluwa, sa unang pagkakataon, nagtapuan ko at naramdaman ko ang tinatawag na konsensya, isa na naman babaeng walang ginawa kundi mahalin ako ang masasaktan ko na naman. Hindi naging madale sa amin ang lahat, pilit namin initindi ang lahat. Ang daming tanong, bakit ganun? bakit ganito? bakit ngayon ka lang? (Corny).

Hanggang sa napagkasundoan namin, hindi kami bibitaw, tuloy ang pag-iibigan namin kahit mayroon kaming pananagutan sa iba. The show must go on! Bahala na si aling FATE sa amin. Kung kami ay kami, kung hindi ay ammfffhufhufhufhufhu! Yan ang ginawa namin, nagbakasali, umasa na sa amin kakampi ang tadhana at umaasang kami ang nakatadhana, tumagal ng ilang buwan ang aming relasyon at lalong tumindi ang pagmamahalan namin kaya sumandal na kami kay batman. Ako naman, gabi-gabing bumubulong sa aking kaluluwa ang aking konsensya, nagmamahal ako ng dalawa nang sabay.

Ilang buwan kong pinag-isipan ang lahat, pinakiramdaman ang lahat, binalanse ang lahat. Paulit-ulit kong kinulit ang aking sarili kung ano ba talaga ang gusto ko? kung sino ba talaga ang mahal ko? Kailangan ko nang pumili sa kanila. Hanggang sa isang araw, nagising akong dire-diretsong tinawagan ang tatay ko.

Akoni: Hello? ‘tay, mag-aasawa na po ako!

Tatay: WTF??!!!


Part two

1 comment:

  1. done... lipat ako sa part 2. ahaha... edit mo to, lagyan mo ng link ng part 2. hehe./ nakialam eh noh...

    ReplyDelete