nuffnang

Monday, February 21, 2011

Madilim kong mundo

Gusto kong sumigaw ngayon, gusto kong murahin ang mundo at mga nilalaman nito. Aaaaaaaaaaaahhhhh..........!!!!!

YOU PACKING SHEEEEEEEEEETSSSS!!!!!


Patawad, nais ko lang lumuwag ang dibdib ko kahit kunti, nais ko lang ilabas ang puot na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko. Nais kong maging masaya, nais kong maging malaya, at nais kong maging totoo sa nararamdaman ko ngayon, pero hindi pa ako handa, hindi ko pa magawa, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito.

PAUTANG INA!!! Hindi ko magawa ang lahat ng iyan dahil isa akong hangal sa madilim at hangal kong mundo.


Nabubuhay ako na puno ng hinanakit sa planetang ito, puno ng kalungkotan, puno ng pagtatampo, puno ng mga katanongan kay hirap sagotin, at puno ng galit at puot.

Paano ko mabubuo ang aking sarili kung mayroon akong pinagtatakpan, tinatago at pinipilit na ibaon sa limot? Pero hindi ko pa rin maiwasan ang katotohanan.

Ayaw kong ibunyag sa madlang mapanghusga sa kapwa ang aking mga hinaing at hinanakit sa planetang ito. Malupit ang mga tao, kaya mas gugustohin ko nalang manatiling ganito kaysa pagpiyestahan ng mga taong makikitid ang utak.

Ang mga galaw ko ay laging may limitasyon, pati ang kalayaan mayroon sana ako. Laging nag-iingat sa panghuhusga at mangungutya ng mga taong tingin sa sarili ay perpekto at napakalinis, na kung mananalamin naman ay baka humiwalay bigla ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan dahil sa hindi matanggap ang kasamaan nakatago din sa kanyang pagkatao, puro dungis ng iba ang kanyang tinutugis, hindi muna maghugas ng sariling dungis.

Kasalanan ko naman na maging ganito, maging ganitong trato sa akin. Dahil naduduwag ako, wala akong lakas ng loob para lumabas dito sa dilim na matagal nang panahon nakabalot sa akin. Naduduwag akong mailantad ang katotohanan, puro dilim na lang ang nakikita ko sa akin pagkatao.

Natatakot akong mawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, ang mga malalapit kong kaibigan, mga taong nagtitiwala sa akin, ayaw kong mabigo, ayaw kong mapag-isa. Mahirap magpanggap na masaya, parang sakit ng pag-ibig ang dulot sa akin, sumasakit pero hindi mo alam kung paano gagamotin, kung saan gagamotin at kung kailan maghihilom

GUSTO KO MAGING MASAYAAAAAAAAA..............! (Insert tears)


Director: CUT!!!! Okay, good take AKONI, good acting.

Akoni: Thank you direct.
.

11 comments:

  1. may ibubuhos ka no.. ? aheheheh.. ang seryoso eh.. kunwari lang yata ang director jan hehehe.. joke lang.. ayos parekoy.. astig.. :)

    ReplyDelete
  2. sus kunwari ka pa...ilabas mo na kasi yan ok lang kikinig ay este makikibasa lang kami at makikiokray sayo!

    ReplyDelete
  3. adik ka lang!!! hahahaha pero nasunog naman ako dito sa blog mo.. pulang pula lahat.. hahahahhah!!!!

    The truth will set you free.

    ReplyDelete
  4. ou nga...wari lng yan me direct...jeje...piz kua Akoni!
    yeah...i understood how u feel...ng-kagnyan din ako d last tym...jeje di ko din maibuhos...nttakot din xe kong mhusgahan...la leng...

    cge...lunok lang sabay sigaw! Super Inday!!!!!

    jejejejjejejeje....

    ReplyDelete
  5. hahah addict naman.. wahehhe

    ReplyDelete
  6. hahaha group hug tayong lahat...

    "ang buhay ay parang sine, parang pelikula"..lol

    thank you guys..maraming maraming salamat..

    Oo nga pala, background ko galing kay kiko..hehe..kikobatman, thank you

    ReplyDelete
  7. aba, kaw na best actor, ako supporting moh! ahaha...

    seryoso ba yan?... kung ano man yan, ilabas mo lang yan... tapos.... maghugas ka ng kamay ah. wahahahaha

    ReplyDelete
  8. dream...believe...survive! starstruck! hehehehe

    ReplyDelete
  9. haha..natawa naman ako sayo leonrap..hehe..

    Jobologist...dream lang ako madami..

    ReplyDelete
  10. seryus ka dun noh??? dinadaan mo lang sa pa "cut" "cut" para hindi masyadong halata. :)

    ReplyDelete
  11. Sabi nila, ang joke daw ay half meant. hehehe..ano sa palagay mo..?@ kriz

    ReplyDelete