Dalawang klase ang tao sa mundo, babae at lalake, bida at kontrabida, mabait at salbahi, panget at potah ang panget, gwapo at ako, saan ka sa mga ‘yan?
Pero walang kinalaman dyan ang blog ko ngayon, pambahaba lang yan pati narin itong binabasa mo ngayon.
Nagkaroon ka na ba ng mga kaibigang hindi lalake at hindi naman babae? siguro hindi ka naman taga ibang planeta upang hindi magiling ng utak mo kung ano ang tinutukoy ko. Pero kung talaga slow ka, bading ang tinutukoy ko, as in vongga gays ang tinutukoy aketch, Gaydies ang tawag ko sa kanila.
Marami akong naging kaibigan na mga Gaydies, akala ko nga noon Gaydy din ako e, potah!!! suntukan tayo, ano ha! Ah?!!! Lalake ako! Recently ko lang nalaman, hallluueerrr, duh! It’s better late than never noh, my gosh I couldn’t imagine myself doin’ the gaydies thing, aaayyyyyyy, vongaa!!!! Slurrrpppssss..
Sorry carried away lang, ‘yun nga. Lumaki ako…teka mali ang term na “lumaki”, nagbinata akong puros babae ang nasa paligid ko, kami lang ng tatay ko ang malibog lalake sa bahay. Ibig kong sabihin, may mga nakatira sa amin noon na mga kamag-anak dahil malapit ang tinitirhan namin sa mga skwelahan, likas kasing mabait ang tatay at nanay ko, matulongin sila at may malibog mabait din silang anak.
Kaya ayon, halos lahat ng pag-uugali ng mga babae ay alam ko. Ang haba na ng naisulat ko pero hindi parin lumalabas ang subject ko, hahaha. Anyway, gusto ko lang naman bigyan ka ng background ko kung bakit naging malapit ako sa mga babae at sa mga gaydies.
Noong nasa high school ako, hahahaha…sorry mapapakwento na naman ako tuloy. Ito na, dito na, direTSO PA!
Ladies, Gaydies and Gentlemen, pinapakilala ko ang tatlong mukha ng mga kaibigan ko.
Unang mukha: Bading
Mamang Ricky. Ang lalakeng babae, sa madaling salita at kalokray na words, bading. Hindi mo na kakailanganin ang utak ni Albert Einstein upang kilatisin siya kung babae ba siya o lalake. Dahil unang tingin mo palang ay mapapakamot kana ng iyong betlog at alam mo na agad kung sino siya sa power rangers. Unang kita ko palang sa kanya, alam kong magugustohan ko siya, pakyu ka walang malisya ha. Alam mo ‘yun? Ung parang pag may nakilala kang tao, masasabi mo sa sarili mong “Potang ama, magiging kaibigan ko ‘to” ganun na ganun ang naramdaman ko sa kanya. Tama nga ang feelings ko, never pa ako sumablay sa aking feelings, you know. Naging kaibigan ko nga siya, ako pa nga ang nagbansag sa kanya ng mamang e. Iba ito sa mga bading na naging kaibigan ko, ideal bading siya, ideal friend, ideal partner, basta ideal person. Ganito nalang, ipikit mo ang iyong mga mata, isipin mo kung ano ang gusto mo sa isang tao, halimbawa gusto mo mabait, mapagmahal, maalaga, maganda, maputi, malandi, malibog, basta lahat ng trip mo sa isang tao, tapos iponin mo lahat yan sa isang tao lang na wala pang mukha. Tapos kung gusto mong magkaroon ng mukha ang pantasya na yan, isipin mo si mamang ricky.
Note: mamang ano ulam mamaya?
Pangalawang mukha: Lalake
Mamang Noel. Isa lang ang ayaw ko sa kanya, ang kanyang pangalan. Kapangalan niya kasi ung ka-kwarto kong taong ipis na amoy lupa na potah na hampas lupa na mula ulo mukhang paa, arrggghhhh, pigilan niyo ako, papatay ako ng hampas lupa at amoy lupa…….at may panty na so-en na noong 1981 pa ata nabiili. Exhale…inhale…exhale…inhale…hay, balik na tayo kay Noel (arrgghhh), sa kanilang tatlo, si Noel (arrgghhh) ang unang nakilala ko. Nag-jamming pa nga kami ng yosi, pakyo ka wag madumi ang utak, yosi na sigarilyo tinutukoy ko. Nakikipag-usap ako sa kanya noon na parang “Yoh pare, mambabae tayo mamaya” usap lalake ba, hindi ko kasi alam na bading pala siya at lumalabas ng madaling araw. Pero siya ung klaseng tao na parang alak, habang tumatagal ang pagkakaibigan niyo at nakikilala mo pa siya lalo, lalo kang malalasing sa kabutihan niya. Kung si mamang Ricky ay ideal person, si Noel (arrggghhh) naman ay Charity person, mapagbigay, lahat pinagbibigyan, hahaha. Mahalaga sa kanya ang pakikipagkaibigan, kahit anong klase kang nilalang, kahit anong lahi mo pa. si Noel (aaarrggghhh) ang tipong tao na gugustohin mong makasama sa barko ng pagkakaibigan, ito ay ang friendSHIP .
Note: mamang Noel (arrgghh), magpalit ka ng pangalan.
Pangatlong mukha: UFO (Unidentified Fucking Objects) joke lang, Unidentified lang.
Mama(ng) Tito. Pangalan palang kagalang-galang na, sounds senador diba? siya ang nagpaalog ng aking utak. Hind ko kasi malaman kung ano ba talaga siya, hindi kinaya ng powers ko. Sa kanilang tatlo siya ang lagi kong nakakausap noon, may sense siyang kausap, pero never siya nakabanggit ng story about churvahan or whatever so such a loser eklavo sa akin. Kaya hindi rin ako nag-isip sa kanya ng kung anu-anong ka-berdehan ng dugo, hanggang sa nabalitaan ko nalang na umiibig na pala siya sa kanyang “best friend”. Hanggang ngayon ay unidentified parin ang turing ko sa kanya, bali-balita lang kasi ang mga naririnig ko at biruan lang, so not counted yon para sa akin. Mabait na tao at mapagtimpi, gawin natin showbiz “Down to earth” siya. Kung si mamang Ricky ay Ideal person, si mamang Noel (aarrggghhh) ay Charity person, Si tito naman ay EGG person, matigas tingnan pero malambot sa loob.
Note: mama(ng) tito, ano ba talaga?
Sila ang aking mga kaibigan, kung pagsasama-samahin mo silang tatlo? Para silang call center, call ka lang sa kanila, ikaw ay kanilang tutulongan sa iyong problema.
anak, ang font! nahirapan akong basahin.. hehe
ReplyDeletemababait talaga mga gaydies, parang mga walang problema, ang sarap nilang kausap.. mabuhay sa mga gaydies mong frens..
lol.. wow... naisip ko.. hindi ko sure kung ever may close akong bading. parang wala. pero madaming kaibigan..di lang close... wahehehe...
ReplyDeletehaha..nasaan ang antipara mommy? Oo mom, at nakakataba pa sila, kasi masasarap silang magluto..hehe
ReplyDelete-ever since malapit ako sa mga bading, sa tingin mo kamila, bading ako? hahaha
nice to have such friends diba?
ReplyDelete