nuffnang

Friday, February 25, 2011

Parang ewan

Time check 12:35 am

Kararating ko lang galing sa labas, nagpahangin at nagpaalikabok lang ng kunti, pandagdag sa koleksyon kong alikabok sa akin baga. Siguro mga ilang taon pa ay magiging hallow block na ito sa loob ko, kaya siguro minsan nararamdaman kong bumibigat ang aking katawan.

Walang nangyaring kakaiba sa akin ngayon araw na ito, kaya wala rin akong maisip na magandang paksa na isusulat, kaya as usual sinusundan ko nalang ang aking isip ngayon kung ano man ang maisip.

Kapag dito sa bahay nahihirapan ako makakuha ng ideya sa utak ko. Ang dami kasing distraksyon dito, hindi tulad sa opis na ang boss ko lang ang istorbo sa akin doon.

So, saan na ba papunta ang sinusulat kong ito? Siguro tatawa nalang ako, hahahaha at hehehe o hihihi, at tatawa ka rin dahil parang "ewan" lang ako.

Ito rin ang gusto ko sa pagba-blog dahil kahit na anong maisip ko ay puweding kong isulat. Akoni eh, weh? Wala naman siguro sa rules ng pagba-blog na dapat ay may matutunan ang mga makakabasa sa isinulat mo, hindi ba? Sapat na 'yun masayang ang oras nila sa pagbasa nito, hahahaha, at napatawa mo sila dahil parang "ewan" lang ang blog mo, at parang "ewan" ka rin syempre, hehehe. Natuto akong magsulat dahil lang sa pagbabasa ng mga walang kwenta at may sukling mga post. Dahil doon ay naisip kong ang pagbabasa ng mga ganitong post ay nakakadagdag kaalaman sa paraan ng pagsusulat, hehehe, ayun kay akoni. Ang mga ganitong parang "ewan" lang na blog ay nakakahasa ng utak at nakakabihasa sa pagsusulat, hehehe.

Time check 12:43 am

LOL, 8 minutes ang lumipas at wala parin akong maisip na magandang paksa, siguro hanggang dito nalang dahil baka sa susunod ay hindi kana pumunta dito.

One more, tawa nalang tayo, please? hehehehe (tawang lalake), shesheshe, (tawang babae).




13 comments:

  1. good morning po..i followed u po pls do the same ha..naimbag a bigat!

    ReplyDelete
  2. shesheshe.. try ko lang tumawang babae..

    naiingit ako.. makapagambag nga din ng polusyon..

    yosi muna hehehe

    ReplyDelete
  3. haha ako rin madalas, di ko alam ang isusulat hanggang sa bigla na lang may mabuong direksyon. minsan wala ring pinuntahan hehe. good morning akoni.

    ReplyDelete
  4. huaaaahh..gusto ko talgang tumawa
    kaya dito n ko ngpunta...
    ang gling mu tlaga Akoni
    dahil muli mu kung napangiti...
    apir!!!!!!!!!!! (n_n)

    ReplyDelete
  5. nagcomment si parang "gago" kay parang "ewan".... hehehe.. apir!!!

    ReplyDelete
  6. ginagawa namin yan ng besfren ko... tawa na lang... hahahhahahahah hehehehhehe hihihihih hohohohoo
    huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu... tapos ulit ulit... hahahahahhahaha hehehehhehe
    hihihihihih hohohohohoho huhuhuhuhuhuhuhuhuhu....

    at ulit ulit.... hahahahahhhahahahahhaha...ewan.

    ReplyDelete
  7. hmmm!!!! bakit di nag appear ang comment ko dito kagabi... anyway... parang ewan lang naman ang comment ko eh....

    ReplyDelete
  8. hahah sabaw din ba.. wahehhe

    ReplyDelete
  9. tumawa ako kanina, kaya lang lahat sila nakatingin sa akin bus...

    ReplyDelete
  10. natawa ako sa ONCE MORE TIME. shesheshe!

    ReplyDelete
  11. kulang lang iyan ng nakakalasing na inumin..kahit ako ganun din..kaya kapag gusto ko talaga magsulat ay sulat talaga ng sulat tapos ilagay sa email at save sa draft..madalas din sa cellphone lang ako nagsusulat tapos ilipat na lang sa email..kasi kasi saan puwede dala dala ang cellphone..katunayan sobra pa 30 ang nasa draft ng email ko..ang iba last year ko pa iyon ginawa..nang huminto kasi ako pag blog mula october 8, 2010 ay madami akong naisulat..ang iba naman lately lang..narito ang nasa draft ko na for posting pa..Sweet Sixten..Larawan..Dahon..Pabango..Bawal Na Gamot..Ulap..Bomba..Mahina..Panggigipit..Tahol..Akalang Sikat..Dupang..Sasakyan..Payo..Pagpaparaya..Nais..Dalagang Ina..Daga..Pakiusap.....
    at marami pang iba.. ang lahat ng iyan na pamagat ay ipost ko talaga..mark my word..

    ReplyDelete
  12. waaaaaaaaahh...nandito pala kayo..sorry now lang naka-visit ulit dito, sobrang naging busy..hehe

    una sa lahat salamat sa pagbasa at pag-iwan ng komento..

    mama - salamat sa pakikitawa..hehe

    emmanuel - okay boss, follow back kita

    istambay - dapat talaga lagi tayong ambag sa polution..hehe

    sean - basta hayaan lang ang utak na magmaneobra..

    Lhuloy - salamat dahil lagi kang natutuwa sa mga kalokohan ko. pakiss, mwah!

    Leorap - apir, magkakasundo ang parang ewan at parang gago..haha

    Kamila - ang dami mong tawa..pwedi isa pa?

    iya_khin - tawa ka na, para hindi ka na iya_kin

    Musingan - kagabi un, nakasara ako..hehe

    Kikobatman - anong sabaw? haha

    Adang - baka may lumubo sa ilong mo..haha

    Ester Yaje - kunwari joke yan..hehehe

    arvin - tatambangan kita, ingat ka..haha..ako hindi, walang draft-draft, diretso na akong nagsusulat dito sa new post..hehe..tinatamad ako magsulat sa WORD o sa papel, bihirang bihira lang..kapag magsusulat ako, diretso na dito..hehehe..kaya wala akong back up files, kapag nawala ito, wala na lahat ng sinulat ko..at dahil mahaba ang comment mo, pinapahaba ko na rin itong koment back ko sayo, syempre kunwari madami akong sinabi, pero ang totoo lang e para lang mapantayan ko ang comment mo. siguro ko na ito, sana hindi nila mabasa ito dahil masasayang ang ilang minuto ng buhay nila dhil sa pagbabasa nito..hahahaha..hehehe

    ReplyDelete