Awwwoooo...baah!! Bulaga!!!
natakot ka?
hindi?
sige ito nalang...
baahh!!! Pokwang!!!
natakot ka noh?
Lahat ng tao ay may kinatatakotan, halimbawa takot sa multo, takot sa nanay o tatay, takot sa dilim, takot sa asawa, takot sa salamin, takot sa panget na kapitbahay, takot sa adik, takot sa takot, at kung anu-ano pamatapos lang.
Mahilig din ako mag-isip ng kung anu-ano, tulad mo. Mapangarapin, kagaya mo, parang ikaw lagi din ako nag-iisip ng mga "sana, kasi, ganun, bakit, kaya pala", at kung anu-ano pamatapos lang.
Dahil sa parehas tayo, marami din ako mga kinatatakotan, pero hindi ko sasabihin lahat dahil natatakot ako. Kagabi, nag-movie marathon ako, nakatatlo o apat ata akong pelikula, pero alam mo yung nakatitig ka lang sa palabas tapos parang wala don ang utak mo? hindi ko alam kung naranasan mo din 'yun o praning lang ako kagabi.
Ngayon nandito ako sa office, pilit kong inaalala kung ano mga pinanood ko kagabi, pero ni isa man lang ay wala akong maalala, kahit title, promise, peksman, madapa ka, weird, nakakatakot. Naisip ko tuloy sabay isip din sa kanta ni fafaPiola Piolo Pascual na "Ang buhay ay parang sine", agreed ako sayo girl ay pare, parng sine nga ang buhay, may drama, may comedy, may horror, may romance, may triller, may rated X/R at kung anu-ano pa matapos lang. Saan kaya dyan sa mga kategorya belong ang buhay ko?
Kung pelikula ang buhay ko, hanggang saan kaya aabot ang kwento ko? Happy ending kaya? May kabuluhan kaya o may mapupulot na magandang aral ang mga nakakapanood sa akin? Magiging box office hit kaya? mabobored sila ba sa akin? matatawa o maaaliw? magagandahan? hanggang ilan kaya ang mga susubaybay sa kwento ng buhay ko?
Natakot tuloy ako, natakot ako baka bukas, mamaya, o ngayon na ay matapos ang pelikula ko (buhay ko). Natigilan muna ako sandali, napapikit at napadasal, humihingi ng katawaran sa taga paglikha para doon sa mga sekreto namin dalawa na mga nagawa kong kasalanan. Kumabog ang puso ko para sa aking mga mahal sa buhay, hindi pa ako handa.
Parang pelikula ang buhay, dahil wala tayong karapatan piliin ang magiging kataposan ng sarili natin kwento. Dahil, tauhan lang tayo, hindi tayo ang writer ng buhay natin, nasa taas siya, siguro puwedi mag-suggest kung aapprobahan niya. At bilang isang character, kahit anong pilit natin gawin o gustohin ang ibang role (na hindi sa atin) kapag hindi sinang-ayonan (diyos) at kapag hindi 'yun ang naka-assign sa atin, hindi talaga puwede.
Nakaupo ako ngayon sa harap ng computer ko, nakanganga habang nagta-type. Ang daming mga nakakatakot na katanongan ang nasa isip ko. Hanggang kailang kaya ang storya ng buhay ko? lahat nang nandito sa mundo, pangyayari, tao o mukhang tao, hayop o mukhang hayop, pati narin nararamdaman at kung anu-ano pa matapos lang, ay may kataposan. Pero kailan? paano kung ayaw kong matapos ang role ko sa buhay? puwedi kayang mag karoon ng din sequel? ano kaya ang nakain ko kanina?
Natatakot ako. Ikaw natatakot ka rin ba? natatakot ako, natatakot ako, natatae na ako.
natakot ka?
hindi?
sige ito nalang...
baahh!!! Pokwang!!!
natakot ka noh?
Lahat ng tao ay may kinatatakotan, halimbawa takot sa multo, takot sa nanay o tatay, takot sa dilim, takot sa asawa, takot sa salamin, takot sa panget na kapitbahay, takot sa adik, takot sa takot, at kung anu-ano pa
Mahilig din ako mag-isip ng kung anu-ano, tulad mo. Mapangarapin, kagaya mo, parang ikaw lagi din ako nag-iisip ng mga "sana, kasi, ganun, bakit, kaya pala", at kung anu-ano pa
Dahil sa parehas tayo, marami din ako mga kinatatakotan, pero hindi ko sasabihin lahat dahil natatakot ako. Kagabi, nag-movie marathon ako, nakatatlo o apat ata akong pelikula, pero alam mo yung nakatitig ka lang sa palabas tapos parang wala don ang utak mo? hindi ko alam kung naranasan mo din 'yun o praning lang ako kagabi.
Ngayon nandito ako sa office, pilit kong inaalala kung ano mga pinanood ko kagabi, pero ni isa man lang ay wala akong maalala, kahit title, promise, peksman, madapa ka, weird, nakakatakot. Naisip ko tuloy sabay isip din sa kanta ni fafa
Kung pelikula ang buhay ko, hanggang saan kaya aabot ang kwento ko? Happy ending kaya? May kabuluhan kaya o may mapupulot na magandang aral ang mga nakakapanood sa akin? Magiging box office hit kaya? mabobored sila ba sa akin? matatawa o maaaliw? magagandahan? hanggang ilan kaya ang mga susubaybay sa kwento ng buhay ko?
Natakot tuloy ako, natakot ako baka bukas, mamaya, o ngayon na ay matapos ang pelikula ko (buhay ko). Natigilan muna ako sandali, napapikit at napadasal, humihingi ng katawaran sa taga paglikha para doon sa mga sekreto namin dalawa na mga nagawa kong kasalanan. Kumabog ang puso ko para sa aking mga mahal sa buhay, hindi pa ako handa.
Parang pelikula ang buhay, dahil wala tayong karapatan piliin ang magiging kataposan ng sarili natin kwento. Dahil, tauhan lang tayo, hindi tayo ang writer ng buhay natin, nasa taas siya, siguro puwedi mag-suggest kung aapprobahan niya. At bilang isang character, kahit anong pilit natin gawin o gustohin ang ibang role (na hindi sa atin) kapag hindi sinang-ayonan (diyos) at kapag hindi 'yun ang naka-assign sa atin, hindi talaga puwede.
Nakaupo ako ngayon sa harap ng computer ko, nakanganga habang nagta-type. Ang daming mga nakakatakot na katanongan ang nasa isip ko. Hanggang kailang kaya ang storya ng buhay ko? lahat nang nandito sa mundo, pangyayari, tao o mukhang tao, hayop o mukhang hayop, pati narin nararamdaman at kung anu-ano pa m
Natatakot ako. Ikaw natatakot ka rin ba? natatakot ako, natatakot ako, natatae na ako.
kala ko kalokohan tong post na ito.,... pero seryoso pala.. hehehe.. napaisip ako infairness ah.. oo nga noh, hanggang kelan kaya tong pelikula ng buhay natin.. be thankful na lng nga dapat tayo kasi ung iba, natapos na movie nila.... ^^
ReplyDeletenatatakot? syempre lahat naman takot mamatay, but if you have assurance na kay God that you received Him as your personal savior and Lord and you ask and admit that you have sinned He is just to forgive you..so di kana matatakot kasi alam mo kung saan ka pupunta...matakot ka kung di ka sigurado
ReplyDeleteLeon: sana maging box office hit ang pelikula mo..haha..salamat dahil on goin pa ang palabas natin.
ReplyDeleteMama: Mama, hug po...huhuhu..hehe...
iya_khin: kaya nga ako natatakot e, dahil hindi pa ako sigurado kung saan ako mapupunta. :) marami kaming sekreto ni GOD, kaylangan ng masinsin usapan..heart to heart talk ba..haha
okat okat..wala na ang palabas na iyon,hehe..
ReplyDeletehmm sino bang hindi natatakot... pero marami din namang nagtatapang-tapapngan.. just to boost their self..w aheheh
ReplyDeletehaha..Arvin, okat tokatatan na..hehe
ReplyDeleteKiko-batman: malay ko bang may hindi natatakot..hehe