nuffnang

Thursday, February 10, 2011

Mga pinangarap at pinapangarap


Sino bang shit na tao ang walang pangarap na magkaroon ng talent(s)? Pinangarap ko noon ang maging dancer dahil sa putchang UMD at Streetboys dancer, pinangarap ko din maging isang singer dahil sa putchang Bryan Adams, pinangarap ko din maging artista dahil sa putchang Bruce Willis, pinangarap kong maging boksingero dahil sa putchang Manny Pacquiao na yan at kung anu-ano pang shits. Putcha, kahit isang libag walang kumapit sa akin ma-mantikang katawan.


Maging isang magaling na pintor ang pangarap ko noon, ang makagawa ng obra katulad ng mga obra ni Tom Hanks Leonardo De Caprio Jumanji Da vinci, pero ang layo ng mga gawa ko, walang kwenta at parang buhok lang sa kilikili, ambantot at ang gulo. Hindi ko rin kasi nagawang e-develop dahil isa lang akong hamak na cute na mahirap. Putcha, isang tool palang gamit sa pagpipinta ay pambili na namin ng isang kaban na bigas, kaya nakuntento nalang ako sa pagdo-drawing gamit ang mongol pencil.

Tangin pagdo-drawing, pagsusuklay ng buhok ko at pagiging maharot ang talents ko noon. Pero sa bandang huli isinuko ko narin ang pagdo-drawing dahil alam ko kasama lang ‘yun sa mga pinapangarap ko, kinarir ko nalang ang pagsusuklay ng buhok ko at ang pagiging maharot. Sa wakas doon ko  natagpuan ang aking talents, pero mahirap din dahil nilalamon naman ako ng aking konsensya hindi ko kaya ang mga consequences, kaya tinigil ko rin dahil sawa na ako, masakit sa puson.

Ngayon, pagsusulat na naman ang uumpisahan kong pangarapin. Last year lang ako nag-trying hard magsulat, hindi ko alam kung ano ang nakain ko dito at naisipan kong magsulat.

Una,tamad ako magsulat, pino-photo copy ko nga nalang mga lectures namin noon nag-aaral pa ako.

Pangalawa, wala akong alam sa computer/www at kung anu-ano pang shit sa internet at computer.

Pangatlo, mababaw lang ako mag-isip hindi ako maka- dig shit ng deep sa isip ko, shit lang kaya ko.

Pang-apat, hindi ako mahilig magbasa.

Panglima, bobo ako.

Naisip ko tuloy baka nasobrahan lang ako ng nasinghot na alikabok dito sa Saudi, kaya madaming nabago sa akin dito. Nagbabasa na ako ngayon ng libro, ng mga articles sa mga shit na sites, mga blogs na makukulit at emo-blogs-tsenes ng mga pina-follow ko at higit sa lahat may alam na ako sa computer at sa ibang shit nito.

Good luck naman sa akin sa bagong natagpuan na pinapangarap, pero in fairness to all the fairness nakakatuwa pala ang pagba-blog, nakakaaliw at nakakaadik din. Parang nakikita ko kasi kung ano ang laman ng utak ko, nababasa ko na ang imahinasyon ko, hindi na ako nahihirapan isipin dahil isusulat ko nalang, parang narerekord ko kumbaga, astig diba? pwedi ko pa balikbalikan ang naisip ko at imahinasyon ko dito sa blogsite ko. Napatunayan ko na hindi pala puro kalokohan lang ang laman ng utak ko, dahil marami din rejected ideas ang laman.

Pinapangarap ko maging blogger katulad ng mga magagaling na blogger na pina-follow ko at mga hindi ko pina-follow. Kampay mga idol!


2 comments:

  1. lol.... ako din madame pangarap na puro drawing lang.. gusto ko din mag-paint dati... kaso........ lam mo na.. ayaw ng magulang ko.. hay :(

    walang nag-improve sa kin.. lol. tsaka.. pagsusulat feeling ko nahahasa overtime... kaya go lang ng go.

    ReplyDelete
  2. ayun.. pinalo kita ngayon hehehe.. ako din madami pangarap pero hanggang panagarap na nga lang.. tulad ng sample mo sa pagpipinta, isang kabang bigas ang katumabs ng isang gamit sa pagpipinta, o diba mangarap na nga lang hahaha... pero ngayon, ang hindi ko pinangarap at alam kong pangarap ng iba, narating ko na... :)

    magandang araw parekoy..

    ReplyDelete