nuffnang

Tuesday, February 15, 2011

FEB- 14

February 14 noon taon 2004, sakto February 14, 2011 din ngayon, pitong taon na ang nakakaraan, pitong taon, ang tagal na pala? Wala lang binilang ko lang ang pagitan ng 2004 at 2011, testing ko lang math skills ko, tama naman ako hindi ba?
Madami na naman nahihibang sa pag-ibig ngayon, madaming naman nakakapansin, madami na naman nagpapanggap, madami na naman nagluluko, madami na naman nakikiuso, at madami pa…
Napaka-weird talaga ng pag-ibig, ano ha? Hanggang ngayon ay wala pang nakakasagot sa eksaktong definition nito, tanging ang may likha lang ang may alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig. Lahat tayo ay may sariling pagpapaliwanag sa pag-ibig, ito ay base narin sa karanasan sa pag-ibig, ano ha? Halimbawa kung masalimuot ang buhay pag-ibig mo, sasabihin mong love is shit, kung maganda naman pag-ibig mo love is fairytale, kung emo naman pag-ibig mo love is death, kung babaero/lalakero ka love is sharing. Ikaw ano definition mo sa pag-ibig? Walang charrosshhh…
Sa ganitong panahon maraming mga taong nahihibang o naluluko sa kapangyarihan ng pag-ibig. Walang mahirap na salita o mahirap na pangako para sa kanilang minamahal, kahit buwan at bituin ay ipapangako nilang ibibigay, kahit dagat ay lalangoyin, aakyatin ang pinakamataas na bundok, at ipapangakong forever magmamahalan, potah bukod sa corny na hindi pa makatotohanan diba? Pero bakit natin pinapaniwalaan? Dahil, para sa mga taong in-love yan ay musika na gustong-gustong kinakanta sa kanila  ng taong mahal niya.
Natawa ako sa quotes na ito “Para kang tae, dahil hindi kita kayang paglaruan” potah, paglaruan mo na ako huwag mo lang ako ikukumpara sa tae, yaks, you are so eoowwssyy kader-der to the Max Alvarado. May iba naman droga daw ang pag-ibig, “Para kang droga, nakakaadik ka” Kapag may nagsabi sa’yo niyan? Iwasan mo dahil sisirain lang ang buhay mo, adik yun dahil ang mga gumagamit ng (bawal na) droga ay naninira lang ng buhay at sinisira lang ang sarili, wala kang future sa tao na ‘yun, ikinumpara ka ba naman sa droga? ibig sabihin bad influence, maninira lang ng buhay at daanan ng bata.
Kitam ang gulo din ng pag-ibig noh? “Ikaw ang mundo ko?” Kadalasang naririnig natin ang katagang yan sa mga taong in-love, madaling banggitin pero napakalalim ang meaning at mahirap panindigan. Naranasan mo na ba ‘yan? Ung parang iikot ang mundo mo sa iisang tao lang?  parang siya lang ang laman ng mundo mo? parang kayo lang dalawa? Ampatuan Ampotah noh? Para sa akin hindi tama yan e, pero naranasan ko din naman, hehehe. Pero mag-ingat ka din sa taong magsasabi sayo niyan, bwahahahhaha. Sekreto ito ah, kapag may nagsabi sayong ikaw ang mundo ko, maaaring tama ang sinasabi niya, pero isipin mo rin na kaya niyang lumikha ng isa pang mundo para sa iba, magiging dalawa kayo ang mundo niya na magkahiwalay, wala akong kinalaman dito ah.
Valentines’ day, hmmm…love is “I smell something fishy”? ang pagkakaalam lang natin lahat kasi sa valentine’s day na yan e araw pagmamahalan, hindi ba? pero hindi rin natin alam na kapag valentine’s day na ay maraming pamilyang nasisira at mga relasyon na nawawasak, hehehe, bakit kamo? Dahil magkakaalaman na ang may mga kabit, at magkakabistohan na ang may mga ibang karelasyon. Kung gaano kadami ang natutuwa tuwing araw ng mga puso ay ganun din kadami ang nagluluksa sa pagkawala ng karelasyon nila. Wala lang, gusto ko lang tumingin sa negative side ng valentine’s day para medyo makahinga ng maluwag ang mga walang ka-valentine.

9 comments:

  1. ayos chong, may pinaghugutan hehehe.. maganda parekoy

    at batiin na din kita..

    HAPPY BALENTAYMS..

    ReplyDelete
  2. Hinugot niya yan sa kanyang balakang... ehehhehe... ganda.. nadali mo ako sa umpisa... kala ko may something na sa 2004... hmmmp...

    ReplyDelete
  3. Hinugot sa PUSOn...haha..same to you Dakilang Istambay..

    MUSEngan: :)) akala ko corny un.. :)) thanks.

    ReplyDelete
  4. ang daming definition ng pag-ibig.. kakaloka! depende sa mood ng tao anoh?.. hehe! galing naman..

    natawa ako sa "I smell something fishy" hahaha! pasalamat jan ang "samahan ng malalamig ang pebrero" wala silang paki jan :P

    ReplyDelete
  5. Mama:

    Opo tama..depende sa mood ng taon..hehe

    para sa akin ay love is "I smell something fishy"..hahaha

    ReplyDelete
  6. Ano raw? ang adik mo.. lol.. masaya manuod ng Amnesia Girl at pakinggan lahat ng cheesy line. Lol.

    hahhha adik ka lang happy balentayms na lang

    ReplyDelete
  7. harharhar....hapi balertimes...harhar@kamila

    ReplyDelete