nuffnang

Wednesday, February 23, 2011

Mga pagkain pampasaya

Katatapos ko lang mag-lunch, grabeness itech, thanks GOD nabusog na naman ako. Kaninang umaga "Ngiti" ang kinwento ko sa inyo at sa sarili ko. At ngayon, may follow up dyan sa ngiti, ano ang kahulugan kapag nakangiti ka? pure ngiti ah, hindi ngiting aso lang. Masaya, hindi ba yan ang nadarama mo tuwing ikaw ay nakangiti o nangingiti?

At dahil sa nabusog ako doon sa mga kinain kong pagkain (syempre pagkain ng tao) kanina, paghahaluin natin ang "Masaya at pagkain".

Ayun sa mga eksperto na taga batibot, may mga pagkain daw na nakakapagbigay ng kasiyahan sa atin katawan. Syempre, sino ba naman ang hindi sasaya kapag nakakain at nabusog? parang ewan lang,hahaha.

Anyway, ito ang mga pagkain pampasaya ayun sa mga eksperto at kay AKONI.



1. Kanin, Wheat Bread at Spaghetti - Mayayaman sa Carbohydrates, ang carbohydrates na makukuha dito ay nagpapasaya ng atin mood ayun sa atin bubuwit. Hindi ba masaya ang mga bata/tayo kapag kumakain ng spaghetti?. Ang carbohydrates kasi ay nagpapataas ng atin SEROTONIN levels, na nagpapakalma ng atin emosyon. Kaya ugalin laging kumain ng mainit na kanin at mga pagkain mayayaman sa carbohydrates, para laging kalmado.


2. Gatas - Nagtataglay ito ng bitamina at amino acids na nagpapaganda din ng atin mood, pati narin sa atin kutis. Ang gatas ay nagpapadami din ng atin SEROTONIN sa atin katawan. Ang serotonin ay parang anti-depressant. Kaya pala hindi naDEDEpressed ang mga sanggol/bata at mga bagong kasal.




3. Matatabang isda tulad ng dilis, hehe, joke. tulad ng tuna at sardines - Ang mga ito ay nagtataglay ng mataas na OMEGA - 3 fish oil. Alam natin lahat na ang omega 3 ay maganda sa puso, pampababa pa ng kolesterol. Pinatataas din nito ang serotonin sa atin utak, kaya laging happy-happy to the max ang arte.




4. Chocolate - Ito ay pinapataas niya ang atin Endorphins sa katawan. Ang endorphins ay pinsan ng dolphins, hehehe, joke ulit. Ito ay hormone sa atin katawan na nagpapasaya sa atin, ito ang hormones na lumalakas kapag tayo ay in-love chuva.




5 Basta - Malamang hindi mo alam ito, pero sa lahat ng pagkain ito ang paborito ko, ang basta. Basta makakain, hahaha. Basta makakain kainin lang para sumaya.

Pagkatapos mong kainin yan, tataba ka na, tapos magkakaroon ka ng bilbil, magiging dalawang ang baba mo, magiging bolang kristal ang mukha mo, tapos malulungkot ka na naman.

At kapag malungkot ka dahil tumaba ka, gawin mo ulit ang tips na ito, kumain ng mga pagkain pampasaya.

Magiging masaya ka ulit, pero pagkatapos tataba ka pa ulit, malulungkot ka na naman, kakain ka na naman ng mga pagkain pampasaya, tataba ka pa lalo, malulungkot ka na naman, kakain ka nanaman ng mga pagkain pampasaya....(continue until fade)

16 comments:

  1. hahaha!anti depressant pala ha!! ayoko na ng kanin doble na ang aking bilbil!! sarap din kaya ng pagkain ko kanina, basic turkey with vegetable and chapati bread!! yummm!! tsoklet nalang, dark tsoklet ha!

    ps saan si mommy? di yata nag paramdam pa..wala lang miss ko lang

    ReplyDelete
  2. isa sa paborito ko yan yung Basta :)

    ReplyDelete
  3. iya_khin - baka pagong mode na naman net ni mama sa bahay...wow PABO-rito ko yang turkey..hehe..apir tayo sa tsokolet, tayo nila mama..hehe..yan ang bisyo namin..tsokolet.

    Adang - parehas pala tayo pre..hehe

    ReplyDelete
  4. ako din yung basta yung surprise me.. wahehe

    ReplyDelete
  5. wahahahahahahhaahahah
    hahahahahhahahahhahah
    hahahahahahhhahahahahah
    woooooooooooohhhhhh!!!!
    grabeh...eksperto na sana
    ang dating mu Akoni...kasu
    ang kwela pa dn ih...

    pinsan pla un ng mga dolphins!
    jajaja...galing2x tlga!

    nkakatawa lahat...(all thumbs up!)

    ReplyDelete
  6. kiko - ganyan ang mga tunay na lalake...hahaha..nagpapalake ng tiyan..lol

    lhuloy - twang tawa ako sa tawa mo..haha..nagkakasakit ako kapag walang kwela sa akin...haha..thank you..thank you..

    ReplyDelete
  7. Nagbasta rin ako kanina.... basta chicken beryani,, basta beef chili, basta gatas na hinalo sa juice, basta makakain lang....

    ReplyDelete
  8. ako kahit anong may TABA ng baboy masaya ako! ahaha

    ReplyDelete
  9. nyahahahahha..... masaya ako sa chocolayt... pero di ako makapaniwala sa mga bagong kasal na umiinom ng gatas.. ahahaha...

    ReplyDelete
  10. kailangan ko nito! lol! Hindi mainly dahil sa pampasaya ang mga pagkaing 'to kundi para tumaba. Hehehe. Thanks sa pagbisita at pag-follow. Exchange links tayo ^_^. God bless!

    ReplyDelete
  11. Musingan/ - basta karin? okay 5 points

    Leon/ - LOL, nangungulekta ka ng kolesterol pare..haha

    Kamila/ - apir tayo sa tsokolet. gatas sa labi iniinom ng bagong kasal..haha

    Goldi/ - Thank you...bagay pala sayo ito..hehe..tataba kana, sasaya pa, saan ka pa?haha

    ReplyDelete
  12. masarap un!!!!!
    ang korni kaya ng baboy kung walang taba! ahahaha...

    ReplyDelete
  13. I know...pero wag naman pati sa akin okay? hehe..best actor din ako e..hehe

    ReplyDelete
  14. Nice.. according to research ni Akoni, hehe! supah dupah need ko yang mga fudams na yan! hindi ko yata napansin sila Go, Glow and Grow? haha!

    ReplyDelete
  15. Thanks sleepy_chingkay...hehe..take care lang sa pagbabasa ng mga sinusulat ko..hahaha

    ReplyDelete
  16. HIndi pa ako pinapanganak ng maisulat mo ito. Or baka nakikipagaway lang ako sa mga pasaway dito.

    mahilig din ako sa mga basta. pero yong milk pagiisipan ko pa.
    Panalo yong pang huling pangungusap.talagang may fading effect sa saliw ng musikang "cycle of life"

    ReplyDelete