nuffnang

Tuesday, February 22, 2011

Akoni

Time check 2: 23 pm. Kung gaano ako naging busy kaninang umaga, kabaliktaran naman ngayon hapon, dahil SUPEPBORED WITHOUT WINGS ako, hindi ako makalipad sa pagka-bored ko. Kasalanan ulit ito ng boss ko dahil kung hindi sana niya pinagawa sa akin ang lahat ng trabaho dito sa opis, di sana ay hindi ako nababagok ng ganito, haynaku, ang mga boss talaga, kahit kailan, tks...tsk...tsk...

Buti nalang may blog site na ako ngayon, may napagti-tripan na ako sa tuwing ganito ang situation ko, na walang magawa kundi kumunsumo at mag-aksaya ng oxygen at carbon dioxide dito sa mundo.

Akala ko hindi ko magugustohan dito, kasi nga nahihiya ako noong una na ipabasa sa ibang tao ang mga sinusulat ko, puro kasi kalokohan at mga guni-guni, pero mali ako dahil ngayon ay "I so love this na, huah, huah, huah, huaaaahh...(ala Kris Aquino)", at buti nalang hindi ako namatay sa maling akala na 'yon.

Ngayon, puwedi ko nang isulat at e-post dito ang kahit na anong kalokohan ang maisip ko, kahit na anong guni-guning ligaw sa utak ko, dahil alam ko maiitindihan ako ng mga magbabasa na tulad ko rin, mahilig magsulat.

Akoni ang klaseng tao na hindi nagsasabi ng mga saloobin, sinusolo flight ko ang aking problema, halos lahat ay kinikimkim ko nalang sa loob ng pangromansang dibdib ko, ibig kong sabihin ay hindi ako nagkukwento ng mga personal kong life sa ibang tao. Pero ngayon nandito na ako sa blogshpere, "baka" puwedi na akong magbuhos ng ihi mga saloobin ko dito, ng mga chuva at tsenes ko sa buhay.

Hindi ko alam kung paano ko edi-describe ang aking sarili, kung ano ako at kung sino ako? ayaw ko kasing nagbubuhat ako ng sarili kong bangko, nakakahiya kasi, dahil wala akong bubuhatin bangko. Oo, wala akong maipagmamayabang kundi ang mga mahal kong mga kaibigan at pamilya, sila ang tangin maipagmamayabang ko sa inyo.

Pero ulit, ngayon medyo nakikilala ko na ang aking sarili, sa pamamagitan ng mga sinusulat ko.

13 comments:

  1. Haynaku! ako naman walang maisipan i blog kaya comment ever na lang muna ako today.. haha!!

    pasaway ka sa blog ni Musingan!! haha ;p

    haha isa kang gatong...harhar
    my FB kba? add nga kita! para friends na tatu! ;p

    ReplyDelete
  2. ano ba yan? tao ba yan? ah hayop? ay alam ko na bagay yan bagay!! lol

    ReplyDelete
  3. buaaajajajajjajaja! Isisi naten ulit sa boss mu..kung di dhl sa knya di mu mkakahilgan ang pgbblog! ejjejejjee...

    kwelang panitikan mode ka n nman...husay...apir!

    ReplyDelete
  4. maldita: http://www.facebook.com/profile.php?id=1188908655 yan link..hehe..haha..kasamahan ko sa work si MUSEnga, siya muse namin, kaya musingan ginamit niya..ssshhh...trivia yan..ahhahaha

    iya_khin - hahaha...ang alam ko, AKONI

    mama - alam mo naman mga chuvaness eklavoness at tsenes ko in my life e..

    Lhuloy - mga boss talaga..haha..apir, salamat sa laging pagdalaw...dont worry sa susunod si krin na dadalaw sayo..LOL

    ReplyDelete
  5. go go go......sulat mo na mga kalokohan,hehe..

    ReplyDelete
  6. anak: alam ko nga nanay mo ako eh, pero gusto ko din yong mababasa ko hehe!

    ReplyDelete
  7. Akoni ano nga pala iyong blog site na may post about edsa tapos nag comment ako ng napakahaba..kanina mga 3 pm to 4 pm ako nag comment tapos nandoon ka din nag comment pagkatapos ko mag comment ng pangalawa.....4 comments kasi ako doon..di ko kasi matandaan kung anong blog..kung alam mo puwede mo bang sabihin sa akin sa blog ko kasi dadagdagan ko pa ang mga sinabi ko na hindi ako pabor sa edsa na nagpatalsik kay marcos..salamat..

    ReplyDelete
  8. huwag na lang kasi alam ko na..kay musingan pala..nailalim na kasi..nagpost kasi siya ng bago..

    ReplyDelete
  9. char so sino ka nag? wahehhe joke lang chong.. keep writing.. wahehhe

    ReplyDelete
  10. hehehe...kaya din ako nagboblog to express kung ano man ang hindi ko kayang sabihin ng harapan sa mga tao. Sa ganitong paraan, alam kong may boses ako. pagpatuloy mo lang yan...

    (kaso may anonymous na classmate ko ang nakaalam ng site ko kaya, may mga ipopost sana akong naudlot kasi magsisimula ang chismis. ahaha)

    ReplyDelete
  11. KikoBATang MAN...thanks tsong..

    Leonrap - kaya nga eh, I am happy, may blogsite na ako..hehe..ganun talaga ang lahat may limitasyon..good luck sa atin lahat.

    ReplyDelete
  12. may ibibihos ka no? ibuhos mo lang parekoy... ahahaha.... ganyan din ako.. pero hindi din ako nagkukwento ng personal life ko.. tulad mo..puro guni guning ligaw ang sinuslat ko.. :)

    ReplyDelete