Gulat na gulat ang tatay ko noong tumawag ako sa kanya upang ipaalam na mag-aasawa na ako, akala kasi niya lalake ang gusto ko at ang usapan namin ay sa susunod pang taon ang pagpapakasal ko, hindi kasi kami handa financially (sosyal), pero gaya ng kasabihan, “Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan”.
Tatay: May pera ka ba?
Akoni: Opo, pero kulang e, ikaw na bahala sa kulang ko ah at sa iba pa.
Tatay: deym!!!
Tatay: Umuwi ka muna, pag-usapan natin ‘yan.
Pagkatapos namin mag-usap, binaba ko ang telepono (syempre, alangan na kainin ko) at nag-isip, kinuha ang pitaka, tiningnan ang lamang pera at binilang. Maranao/Muslim kami at para sa hindi nakakaalam, kailangan namin magbigay ng dowry sa (mga) babaeng aming pakakasalan, gaya ng pera, gold, lupain, at iba pa.
“Dowry is a condition imposed upon the marriage itself. It is a symbol of the husband's respect for the woman he wishes to marry. It also is a sign of the weight and dignity of the institution of marriage. These factors are present, regardless of the bride's religious profession. She is worth of the same respect and honor as a wife.”
Nasa biyahe na ako pauwi sa amin, bigla akong nakaramdam ng kakaiba, hindi ang bonding namin ng inidoro ang naramdaman ko, kundi isang hindi familiar na pakiramdam, parang tinatanong ako ng aking diwa, “WTF, are you doing?”, “Are you really sure about this?”, “There’s no turning back here” (Social ang aking diwa, English).
Napadungaw ako sa bintana ng aking sinasakyan, ramdam ko ang malakas na hangin tumatama sa aking cute na mukha, ipinikit ko ang aking mga mata, huminga ng malamin at inisip ang aking magiging asawa. Napangiti ako sa aking nakikita, isang napakagandang babaeng gumaganti din ng halik (hehehe, biro lang), isang napakagandang babaeng gumaganti din ng matamis na ngiti sa akin na parang nagsasabi ng “Huwag kang matakot, kasama mo naman ako”. Sa ganun paraan palang ay alam ko na ang mga kasagotan sa aking mga katanongan. Pagkatapos nun ay nasabi ko sa aking sarili “Oo, sigurado na ako at handa na.” sumagot naman ang aking diaw “This is it!”
Paparating palang ang aking sinasakyan sa aming tahanan ay natanaw ko na ang aking ina at ama na parehong nakangisi, kitang kita ko ang kasabikan at kagalakan sa kanilang mga mukha, halos mapunit narin ang aking bibig sa aking “super smile”, namiss ko talaga ang dalawang tao na napakaimportante sa aking buhay. Syempre pagbaba ko ano pa ba ang ini-expect mo na mangyayari? Dramahan ang dating ng mga beauties naming hug-hug, kiss-kiss, and cry-cry.
Oras ng pagtatapat. Gabi, pagkatapos namin mag-haponan, pinapakiramdaman ko ang aking ama, kung babanggitin o itatanong sa akin ang tungkol sa napag-usapan namin sa telepono, duda ako parang nakalimutan ata o churva-churvahan lang siya sa akin muna. Gusto kong lapitan siya upang humingi ng basbas niya at mapag-usapan namin ‘yun, nang bigla naman ako nakaramdam ng kakaiba, this time ang inidoro na ang tumatawag sa akin, dami ko kasing nakain, namiss ko ang mga luto ng pogi kong tatay, kaya pumunta muna ako ng banyo.
As usual, ano pa nga ba ang paborito kong ginagawa sa banyo? Edi ang mag-isip. Pagkatapos ng banyo arte ko, parang nahihiya akong lumapit sa aking ama, para akong sinapian ng mga spiritu ng mga shyness. Natanong ko ulit ang aking sarili, kaya ko ba talagang sabihin ng harap-harapan sa magulang ko na mag-aasawa na ako? Juice ko ang tamis, parang wala akong mukhang ihaharap sa kanila, natatakot ako sa pwedi kong marinig na isasagot nila sa akin.
Parang ganito…lalapit ako sa aking tatay habang nakaupo at nanonood ng balita sa telebisyon.
Akoni: ‘tay, yung tungkol po sa pag-aasawa ko?
Tatay: wag ka nga, talian mo nalang ‘yan!!
Magkahalo ang takot at kaba ang nararamdaman ko, dahil hindi na ako sigurado kung matutulongan ako financially ng mga magulang ko, at kung tatanggapin ba akong ng pamilya ng pakakasalan ko, tawagin natin sa pangalan Heaven ko (langya parang hayden koh ah). Nagulo na naman ang aking diwa, pero naisip ko na naman si batman kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
hala...nakakabitin naman!!!!!!
ReplyDeletemooooooorrrrrreeeeee!!!!!!
sa dinami dami ng lugar sa banyo pa kelangan mag isip?... weh??? ahahaha...
ReplyDelete