Babala: Ang blog na ito ay RATED PG (Pweding Gagohin)
10:15 am, walang magawa dito sa office. Nakakainip, gusto kong sumulat ng blog entry ko pero wala akong mahuling ligaw na guni-guni sa utak ko, ang masakit pa don wala din magiling na kalokohan, kaya susundan ko nalang kung saan man ako dalhin ng aking ulirat.
Akala ko hindi totoo ang lyrics sa kanta ang “napakasakit kuya eddie…”, totoo pala, talagang napakasakit kuya Eddie ang situation ko ngayon, walang magawa. Pinipilit kong manghuli ng guni-guning ligaw pero wala talaga, mailap sila ngayon, karamihan ata sa brain cells ko ay tinatamad na din. Sinusubokan ko na naman gumiling ng kalokohan, wala pa din. Ano ang nangyayari sa akin kuya Eddie?
Akala ko hindi totoo ang lyrics sa kanta ang “napakasakit kuya eddie…”, totoo pala, talagang napakasakit kuya Eddie ang situation ko ngayon, walang magawa. Pinipilit kong manghuli ng guni-guning ligaw pero wala talaga, mailap sila ngayon, karamihan ata sa brain cells ko ay tinatamad na din. Sinusubokan ko na naman gumiling ng kalokohan, wala pa din. Ano ang nangyayari sa akin kuya Eddie?
(Computer cursor) *3 minutes*
Napapa-blink din ako, minsan nakakatamad magtrabaho pero mas nakakatamad ang walang ginagawa, minsan nakakamiss maging palamonin, pero minsan nakakahiya na. Ganun ba talaga kayong mga tao? Mahirap minsan maitindihan kung ano ang gusto?
Alam mo kuya Eddie madalas kitang mabanggit, Sorry ah, talagang napakasakit minsan kuya Eddie ang mga nangyayari sa buhay ko, kaya nababanggit kita.
Kuya Eddie, 7:00 am ang pasok namin sa work at ang oras ng sundo ng bus sa amin ay 6:45 am.
5:55 tuna ako gumigising kapag may pasok, 5 minutes para pakiramdaman kung gising na ba talaga ako. 6:00, bubuksan ko ang computer ko, magpapatugtog muna mga dalawa o tatlong kanta, pakikinggan ko habang nakanguso at nakatitig ako sa aking computer. 6:10, tatayo na at magkakamot ng pwet, kukunin ang towel, maliligo. 6:30, nilalamig na dahil kakatapos ko lang maligo, medyo lalakasan ang music habang nagme-make up ako. 6:45, tapos na ako mag-bihis matutulog na ako. Oo nga pala, advance ng 15 minutes ang mundo ko.
Kuya Eddie, sana po ay walang magalit sa makakabasa nito, alam ko pong walang kwenta ito, pero ganun po talaga ang mga tao, minsan may kwenta ang mga sinasabi at minsan walang kwenta, kaya quits lang palagi. Ngayon ang oras ko para magsabi o magkwento ng walang kwenta, ganun talaga ang layp, magulo.
Ang importante, maitindihan natin na hindi tayo pare-pareho kaya wag kang mag-expect sa ibang tao, huwag mong hanapin ang katalinohan mo sa kataohan ng isang nilalang, dahil ikaw yan at AKONI, hindi po ba kuya Eddie? Magkaiba tayo ng pananaw, magkaiba tayo ng gusto, magkaiba tayo ng trips, magkaiba tayo ng mukha, at kung anu-ano pa, kaya huwag mong husgahan ang isang tao dahil lang sa hindi mo gusto ang kanyang ginawa o ang kanyang panget na mukha, huwag mong kainisan ang isang tao dahil lang sa hindi mo siya gusto o dahil mas maganda siya sayo.
Ang masasalitype ko lang eh, piliin natin ang oras at situation kung kailan tayo mag-re-react na ipakita angalindog kamandag natin, pero dapat parin ay palaging "Let’s make love baby, not hatred and war".
Ang masasalitype ko lang eh, piliin natin ang oras at situation kung kailan tayo mag-re-react na ipakita ang
Alam kong imposible sa tao na hindi makaramdam ng pagkamunhi sa kapwa tao, kasing imposible ito ng paniniwala ng mga beauty contestant sa world peace, pero alteast subukan natin kontrolin ito o maitago, o kung hindi man, matuto tayo/akoni humingi ng pagpapasensya at pagpapatawad.
Kuya Eddie, ano na itong mga pinagsasabi ko parang hindi ko na mapigilan ang kamay ko sa pagtitipa dirediretso na, paano ko ito mapapatigil, parang may sariling buhay ang kamay ko at panay utos naman ang utak ko, kailangan ko na itong mapigilan, ora mismo....
STOOOOOOOOOOOOOOOP!!!! (Computer cursor)
STOOOOOOOOOOOOOOOP!!!! (Computer cursor)
ayos ah, binawi sa hulihan hehehe.. magaling parekoy.. like na like eh... apir.. hehehe
ReplyDeletehaha...parekoy, salamat sa pagbisita ulit..minsan pala may mga nagagawa tayong hindi natin alam...isa na to, basta type lang ako ng type..haha
ReplyDeletemama::::tama, nagkaroon din ng kunting sense..hehe..si kuya Eddie, nandito sa puso natin...haha..laging nandya para mabanggit ang pangalan niya.."Napakasakit kuya Eddie".
naguguluhan ako kung sino nagsasalita.. lol.
ReplyDeletemasarap yata magtrabaho.. at hindi ko pa nararanasan..at tamad ako para maranasan. masarap maging tambay.. pero mahirap maging pabigat.
eto ba ang walang kwentang entry pero puro sense haha!!!
ReplyDeletemagaling! magaling! minsan kailangan talaga munang painitin ang utak para gumanda at bumilis ang takbo nito ng bonggang bongga!..
warm-up!
apir tayo jan!!hehe
naririnig ko yan kanta nayan sa mga kasama kung manong dati sa work na nag aabroad ,hehehe
ReplyDeletehahah realization..w ahehhe
ReplyDelete