nuffnang

Monday, August 29, 2011

Pamahiin 2012


Sabi nila, kapag ginagawa mo daw unan ang libro ay magiging matalino ka. Sana epektibo 'yan sa computer.






Ngayon alam mo na kung ano ang magiging future ni Lil Akoni...Hindi ginawang unan ang laptop, ginawa nang kama.



Sunday, August 28, 2011

Lil Akoni


Heeeellllllooooooooooo earthlings, anoooooo naaaa....? Kamusta na kayooooo?!!! sobrang excited lang me...hehehehe. One month na ako dito sa pilimpinas, at ngayon lang ako nagkaroon ng time para bumili ng tinatawag nilang SMART BRO, hehehe, kaya ngayon lang din makakapagkwento sa inyo. Grabesssss, sobrang namiss ko 'tong kaharian ko, may mga tao pa kaya dito? hehehe.

Ang dami ko gustong isukang mga kwento sa harapan niyo, mga kuwentong tungkol sa akin na siguro kapag nabasa niyo ay maduduwal kayo, hihihihi, joke. Sa dami ay hindi ko na alam kung saan ako mag-uumpisa at kung alin ang uunahin ko...ah, alam ko na, umpisahan natin sa magandang balita muna. Kaya boys, humawak muna kayo sa mga bayag niyo, at girls hawak kayo sa bayag ng mga boys, hihihihihi.

Ito na, hawak na ng mahigpit, ang good news ayyyyyy...alam ko na alam na ito ng ilan sa inyong mga kaibigan kong minamahal na ka-bloggers, hihihihi.

Oo confirmed na, isa na akong ganap na nanay nung August 5 pa, nadagdagan na naman ng isang napakagandang babae ang mundo, how so nakakatuwa and so kyut diba? ahihihihihi.

3 weeks and 1 day old na ngayon si lil Akoni, ganap na siyang tao, dahil medyo nakakaramdam na sa kanyang paligid-ligid na puno ng feeding bottles, hehehehe.

Kamusta maging tatay, ano feeling?

Alam ko, yan ang isa sa mga gusto niyong itanong sa akin. Well, isa-isa lang, sampu lang ang mga daliri ko sa kamay at paa, hehehe, hmmmmm... Base on my 3 weeks experienced, ahahahaha, masaya, sobrang masaya, as in ang saya, imagine this, amoy palang ni lil Akoni ay parang lumilipad na ako sa ere sa sobrang kagalakan, amoy palang niya ha sobrang napapasaya na ako, eh how much more pa kaya kapag nangiti, o tumitig sa akin kahit alam kong hindi pa ako nakikita? haaayyy, ipunin mo ang lahat ng salitang may meaning na kasiyahan sa buong mundo, yun, yun ay hindi pa sapat upang maipaliwanag ang nararamdaman kong kasiyahan para kay lil Akoni, bilang isang tatay.

Ito nga, sa pictures palang e nakakakilig na....diba? ito namnamin din niyo kahit papaano ang bawat kilig, bawat ligaya, at bawat pagmamahal na nararamdaman ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang aking lil Akoni.

wala pang 20 minutes dito

Ilang araw na



Ganito dapat matulog ang isang Akoni

Siya may gawa niya, hindi ako.

ngayon alam mo na kung kanino nagmana, sa akin syempre

first dede

Bleh....


 
Hanggang dito nalang muna, intro palang 'to. Hanggang sa muli earthlingssssss!!!