nuffnang

Sunday, August 28, 2011

Lil Akoni


Heeeellllllooooooooooo earthlings, anoooooo naaaa....? Kamusta na kayooooo?!!! sobrang excited lang me...hehehehe. One month na ako dito sa pilimpinas, at ngayon lang ako nagkaroon ng time para bumili ng tinatawag nilang SMART BRO, hehehe, kaya ngayon lang din makakapagkwento sa inyo. Grabesssss, sobrang namiss ko 'tong kaharian ko, may mga tao pa kaya dito? hehehe.

Ang dami ko gustong isukang mga kwento sa harapan niyo, mga kuwentong tungkol sa akin na siguro kapag nabasa niyo ay maduduwal kayo, hihihihi, joke. Sa dami ay hindi ko na alam kung saan ako mag-uumpisa at kung alin ang uunahin ko...ah, alam ko na, umpisahan natin sa magandang balita muna. Kaya boys, humawak muna kayo sa mga bayag niyo, at girls hawak kayo sa bayag ng mga boys, hihihihihi.

Ito na, hawak na ng mahigpit, ang good news ayyyyyy...alam ko na alam na ito ng ilan sa inyong mga kaibigan kong minamahal na ka-bloggers, hihihihi.

Oo confirmed na, isa na akong ganap na nanay nung August 5 pa, nadagdagan na naman ng isang napakagandang babae ang mundo, how so nakakatuwa and so kyut diba? ahihihihihi.

3 weeks and 1 day old na ngayon si lil Akoni, ganap na siyang tao, dahil medyo nakakaramdam na sa kanyang paligid-ligid na puno ng feeding bottles, hehehehe.

Kamusta maging tatay, ano feeling?

Alam ko, yan ang isa sa mga gusto niyong itanong sa akin. Well, isa-isa lang, sampu lang ang mga daliri ko sa kamay at paa, hehehe, hmmmmm... Base on my 3 weeks experienced, ahahahaha, masaya, sobrang masaya, as in ang saya, imagine this, amoy palang ni lil Akoni ay parang lumilipad na ako sa ere sa sobrang kagalakan, amoy palang niya ha sobrang napapasaya na ako, eh how much more pa kaya kapag nangiti, o tumitig sa akin kahit alam kong hindi pa ako nakikita? haaayyy, ipunin mo ang lahat ng salitang may meaning na kasiyahan sa buong mundo, yun, yun ay hindi pa sapat upang maipaliwanag ang nararamdaman kong kasiyahan para kay lil Akoni, bilang isang tatay.

Ito nga, sa pictures palang e nakakakilig na....diba? ito namnamin din niyo kahit papaano ang bawat kilig, bawat ligaya, at bawat pagmamahal na nararamdaman ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang aking lil Akoni.

wala pang 20 minutes dito

Ilang araw na



Ganito dapat matulog ang isang Akoni

Siya may gawa niya, hindi ako.

ngayon alam mo na kung kanino nagmana, sa akin syempre

first dede

Bleh....


 
Hanggang dito nalang muna, intro palang 'to. Hanggang sa muli earthlingssssss!!!

18 comments:

  1. beysssssssssssssssssss muna!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. wowwwwwww..

    congrats uli sa tatay akoni..

    sana ndi yan magmana sa u hahaha.joke

    bakit parang walang nakuha sau?hahaha



    welcome back!!!

    ReplyDelete
  3. congrats akoni!!! ang cute ni baby akoni. welcome back din sa blogging!

    ReplyDelete
  4. OMG.. tatay ka na talaga and ramdam na ramdam ko ang saya mo. Paano ka nga naman hindi sasaya eh nakagawa ka ng isang anghel. Akalain mo yun? haha.. Suuuuppppeeerrr cute ng baby mo! at oo, nagmana sayo. parang nagsolo ka lang sa paggawa ah? haha.. inangkin mo na ang lahat. At feeling ko talaga ang bango bango ni lil akoni. Gustong gusto ko kasi ang amoy ng babies. Sobrang mahilig din ako sa mga babies. Peram naman minsan si lil akoni? hehe..

    anyway, I'm so happy for you friend. Alam ko magiging mabuting tatay ka at balang araw, pasasayahin din kami ni lil akoni sa mga pamana mong guni-guni at funny kalokohan sa kanya. hehe..

    Sorry haba ng comment. sobrang masaya lang ako para sayo!

    ReplyDelete
  5. Welcome back!

    Ang cuuuuute nung baby! Dahil ba cute ang papa? haha

    ReplyDelete
  6. Welcome princess Lil ng akonilandiya.
    Ang ganda!

    buong kaharian hinihintay ito though alam na ng lahat.

    congratulations.

    hindi sapat ang one acre of diamond sa kaligayahang naguumapaw sa puso mo akoni.di naman obvious.

    Pahingi naman.

    ReplyDelete
  7. Pre congrats ulit!

    Buti di nagmana syo...cute kasi..baka nagmana kay mommy razz o kay misis mo..LOl

    Musta na?

    ReplyDelete
  8. waaah! ang kyut kyut ng baby mo!!! congrats manong i'm very happy for you! take care of your lil akoni, so precious! :D

    ReplyDelete
  9. thanks guys......maraming salamat sa inyo, inulit lang? lels...Ang haba ng hair ko sa cute ng lil akoni ko...hehehe

    ReplyDelete
  10. congrats!!!! cute ang baby! di nagmana sayo! joke ! hehehe

    ReplyDelete
  11. weee..congrats..
    hnkyut kyut kyut naman ni lil' akoni.. nagmana sa mommy..harharharharhar..^_^

    ReplyDelete
  12. Congrats Tatay Akoni. :) Ang kyut. Gusto ko na rin ng anak. JUK.

    ReplyDelete
  13. ang cute ni lil akoni. :D nung nakita ko pic nia sa fb, nacutan ako. :D

    congratumalations at tatay na you at lola na si mommyrazz :D

    ReplyDelete
  14. Welcome Back parekoy!

    gandang bata!

    ReplyDelete
  15. wow baby!!!!!!!!!! ang cuteeeeeeee!!!! Congrats Akoni!!!!

    ReplyDelete
  16. Wow and cute ni Lil Akoni, makulit at malikot din guniguni niya for sure kasi ang kulit magpose sa mga pictures eh! parang ikaw lang ang umiri. hahaha!

    Grabe ang saya mo, ramdam na ramdam ko base sa description mo ng happiness mo, alam ko masayang masaya ka at kung may tataas pa sa heaven, alam ko yun ang pakiramdam mo. Pati ako nahawa sa sobrang happiness.

    Happy for you and be a good father este mother, hay father pala. hahaha!

    ReplyDelete
  17. Congrats brader Julio!:)

    hongkyut ni lil akoni...pakurot!! hehehe

    ReplyDelete