nuffnang

Friday, July 22, 2011

Paalam muna...



Hello earthlings, itong mga nakaraan araw lagi me nitatamad gumiling ng mga kalokohan at manghuli ng mga ligaw na guni-guni sa akin utak, o baka talaga lang ubos na ang aking mga kalokohan, kaya kailangan ko munang magpahinga, kailangan ko muna lumabas nang sa gayoon ay magkaroon ako ng mga bagong memories na puwedi kong gilingin para maging kalokohan.


Tuwing susulat ako ng isang blog, ang tanging iniisip ko lang ay malagyan ng simpleng ngiti ang mga masasarap niyong mukha. Oo, kayo ang inspiration ko para makapagsulat ng guni-guni o kalokohan, dahil nakakaloko talaga kayo, hehehe. 


Mapangiti o mapatawa kayo, 'yan lang ang adhikain ng prinsepe ng akonilandiya. Alam ko minsan ay korni na ako, pero pasensya naman, tao lang, nalilibogan din.


Anyway, ang dami kong sinabi, gusto ko lang magpaalam muna sa inyo. Pasamantalang titigil muna ang prinsepe ng akonilandiya sa mga kalokohan niya at mga guni-guni niyang ligaw. Dahil mahalaga kayo sa akin, syempre ako'y magpapaalam sa inyo.


fuckition Vacation muna ako, ako'y muling magbabalik sa bayan namin ni Juan pasamantala, kaya hindi ko muna maaasekaso ang aking kaharian o hindi muna ako makakabisita sa inyong mga banwa. Pero, huwag kayong mag-alala, sa akin pagbabalik sigurado akong marami kayong pasalubong na kwento sa akin, gagawa ako ng mga kababalaghan na experiences at ikukuwento ko sa inyo, hahaha.
Maraming salamat sa inyong lahat na naging bahagi ng Akonilandiya, mabigat sa puso ko ang iwan ko muna kayo pasamantala, pero kailangan ako ng aking mga mahal sa buhay, kailagnan kong balikan ang naiwan kong “sarili” sa amin, para mahanap na niya ako.
Pangako ko sa inyo, wala man ako dito sa Akonilandiya, maiiwan ang aking puso’t damdamnin dito sa kaharian ko. Dahil lahat kayo ay wala naman ginawang masama sa akin, pero wala din ginawang mabuti.
Kaya pasamantala munang titigil sa mga kalokohan at guni-guni ang prinsepe ng Akonilandiya.
Hanggang sa muli earthlings!





27 comments:

  1. enjoy ur vacation! antayin namin pagbabalik mo! gumawa ka ng maraming kababalaghan para masaya..lels

    mamimiss kita manong...

    ReplyDelete
  2. Thank you leah..

    Manang iya - mamimiss din kita, ayyiiiee...kababalaghan pa ah..haha

    ReplyDelete
  3. gudlak sa fuckation este bakasyon mo..

    ReplyDelete
  4. enjoy the bakasyones. san ba u sa pinas? sa luz sa vis o sa min?

    mag beach ka :D

    ReplyDelete
  5. malulungkot me ng kunti lang.Pakadami ka kamahalan at looking forward sa iyong mga pasalubong na giniling na kalokkohan

    ReplyDelete
  6. ayun! nagpaalam na. mawawalan ako ng isang reader at babasahin pansalamantala. bon voyage at looking forward sa ating one night stand

    ReplyDelete
  7. dumaan ka dito sa Cebu ng masingil ko rin ang pasalubong ko..ahahaha

    ingat brader Julio and Enjoy!! Pak!XD

    ReplyDelete
  8. woot woot. welcome back balakubak. daan ka sa cebu akoni!!!

    ReplyDelete
  9. aww.. naman.. mamimiss ka namin. mukang mababawasan ang mga tawa ko sa mga susunod na araw. pero ok lang enjoy your vacation. yakap mo na lang kami kay mommy raz. :)

    ReplyDelete
  10. enjoy mo lang. hehehehe. hintyn k nmn

    ReplyDelete
  11. enjoy at sana magkitakita tayo sa palibreng hapunan mo...

    ReplyDelete
  12. Bakasyon mode pala ikaw. Ayos! Kitakits sa mata. Joke!


    Enjoy, AKONI!

    ReplyDelete
  13. yun oh bakasyon mode na din siya. well enjoy that... :D

    ReplyDelete
  14. Balik ka agad.

    Oo ngayon na.

    Hehehe.

    Ingat sa pamamahinga baka magyelo ang mga giniling na kalokohan

    ReplyDelete
  15. uuwi ka d2 sa pinas?...

    WAG NA!!!!

    mahohold ka lng sa immigration! wahahahaha.. bawal alien. lol


    kung kelan dumalaw ako, wala nmn ung kupal... shet ka talaga! ahahaha

    ReplyDelete
  16. Enjoy your vacation! :D

    Btw, I am your new follower. hope you will visit my page and follow :)


    jewelclicks.blogspot.com

    ReplyDelete
  17. ingat sa pag-uwi at enjoy chong...

    ReplyDelete
  18. Wow. Uuwi ng pinas. Pasalubong! Oo, nakikiclose. Hahaha. Ingat. God bless. :)

    ReplyDelete
  19. enjoy sa bakasyon.....hintayin ka namin..

    ReplyDelete
  20. dumadrama. di ako malulungkot dahil alam kong babalik at babalik ka rin...hehehe

    ReplyDelete