nuffnang

Saturday, July 9, 2011

Unlimited o limited?



Akala ko nun napakadali lang magsulat ng blogs, napakadali lang dumali ng mga kwento, napakadali lang maglabas ng emosyon, pero mali, mahirap pala, dahil may mga kwento at experiences na hindi parin kaya ikwento at handang ipaalaam sa madla.
 Minsan naiisip ko na sana nag-anonymous nalang ako para todo buhos na ako sa mga gusto kong sabihin at gusto kong ireklamo sa planetang ito. Eh di sana ay nagagawa kong sumulat habang pumapatak ang aking mga luha, eh di sana nagagawa kong mag-blog para mag todo bawas ng bigat ng damdamin, eh di sana ay nagagawa kong ipaalam na ang bawat halakhak ko, ngiti ko, kapilyohan ko at kalandian ko ay may kakambal na kalungkotan na matagal na panahon na rin nakapulopot sa akin.
Pero nandito na eh, kilala na ako ng ibang ka-bloggers. Kaya nagiging mapili parin ako sa mga isusulat ko, kailangan mapanindigan ko parin ang title ng blog ko na “Mga giniling na kalokohan at guni-guning ligaw sa utak”.
Isa lang ang iniisip ko kapag gusto kong magsulat ng blog, ang maiguhit ko ang ngiti sa inyong masasarap na lips, pwera nalang sa mga lalake, ewwwness yon.
Ayos na itong minsan lang sisingitan ng ma-dramang kwento o maemong blog. Ang mahalaga kahit papaano ay naibubuhos ko parin ang ilang sa silakbo ng aking damdamin at isipan dito sa blog ko. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng takbuhan sa panahon na may kailangan akong ilabas at ipaalam sa madla kahit limitado.
Naisip ko tuloy, ikaw ka-blogs, ganito ka rin ba? limitado rin ba ang mga sinusulat mo o todo buhos ka?
Isa ka bang unlimited o limited?

19 comments:

  1. may post ako dati na parang ganito sa post mo ngayon. tinatamad ako hanapin link. lol.

    ReplyDelete
  2. di ko masabi kong meron akong ganyan kasi alam kong kahit anong gawin ko mukhang wala akong pweding ilabas di tulad niyong oozing ang galing.K
    ung ano lang ang maiisip ko yon na yon na at doon lang yon.

    di rin ako pweding maglabas dito ng ikagugulat ng madla kasi kilalang kilala ako baka magkagulo.

    ReplyDelete
  3. well my blog used to be a humor blog. pero hindi na ngayon. anything goes, opinion, humor, personal, rants etc. wala lang adult content. mahirap ikulong ang sarili sa specific na topic pero hindi din naman kailangan na buksan mo ang buong pagkatao mo sa blogging world

    ReplyDelete
  4. manong....lagi lang akong nandito ha.....nasa tabi-tabi lang...

    ReplyDelete
  5. Ako pahapyaw lang.
    Limitado lang.

    Mas gusto kong iwanan ang blogworld na kahit papaano may mababasa ang mga naliligaw.

    ReplyDelete
  6. dati unlimited me magpost, buhos kung buhos pero since now ay mga ka-opis ko at TL ko ay nakakabasa ng blog ko, limited na. less rants at less pag-iinarte.

    balak ko nga gumawa ng new personal blog for personal buhos of emotions

    ReplyDelete
  7. ewan... noon ako grabe karami ng topic.. ngayon piling pili nalang.. mas gusto ko yun... walang pressure.. hehehe

    ReplyDelete
  8. Tama mang kiko...kung anu nalang, pero mas choose ko ang nakakatawa..hehe

    Akoni

    ReplyDelete
  9. parang medyo ganun na nga akoni...

    limitado.. pero katulad mo pinipilit ko at pinaninindigan ang motto na magpakatotoo sa mga sinusulat ko...

    ReplyDelete
  10. Ako limitado. Awkward kasi pag masyadong maraming personal lalo na kug mababasa ng ilang kakilala. Walang nakakaalam ng blog ko kundi kyo lng bloggers at si wifey ko. Dyahe pag nabasa ng ilang kaibigan.

    Kaya madalas iwas ako sa personal.

    ReplyDelete
  11. OH so true. Ako, limited yung blog ko. Ayoko kasing sinusulat at pinapublish yung mga.. yung very very VERY personal details. Madalas, sinusulat ko lang pero hindi ko pinapublish. Parang outlet lang, kumbaga..

    Mahirap nga naman kapag nakikilala ka na ng mga kapwa bloggers mo.. Meron nang konting hesitations.. kasi baka husgahan ka. Lahat nmn siguro tayo, pinagdadaanan yan.. :)

    I wanna have an anonymous blog din.. pero not sure kung gagawa pa ako. Andami na ng blogs, hirap ding imeynteyn.. LOL..

    ReplyDelete
  12. I can relate... May mga bagay na gusto kang sabihin na 'di naman madali sabihin. Actually, nag post ako ng buhay ng pamilya namin, about my dad last father's day, pinaalis sa akin ng mga tito at tita ko, kasi para daw nilalabas ko ang baho ng family namin. I just removed the post, para wala nalang silang masabi... I told them na ire remove ko yun dahil sa mahal at ginagalang ko sila, but, not because, I want to remove it. Hindi na kasi mababago ng panahon ang mga nangyari nu'ng nakaraan, I would rather remove the post, instead of changing it... Kasi mawawala na yung essence ng sincerity ng sinulat ko, kung gagawin kong mga kasinungalingan lang... Sana nga merong blog na anonymous lang. Anyway, tnx for sharing, parekoy! =)

    ReplyDelete
  13. hhmmm.. namiss ko dito ah? ako meron talagang limitasyon. may mga pagkakataon na sinasarili ko na lang. sinusulat ko pa din pero hindi ko na pinapublish. sapat na sa akin yung maisulat ko lang.


    siguro sa kaso mo, hindi naman masama na i-share mo din ang malulungkot na side ng pagkatao mo lalo na kung kailangan na talagang ilabas. Kasi hindi naman lahat ng oras nakangiti ka o nangungulit. At i'm sure alam yun ng lahat ng bloggers kasi ganun sila.

    ReplyDelete
  14. Ang nais ko lamang nun ay gumawa ng wholesome na blog. yung mga tungkol sa pang araw araw na karanasan. subalit napunta ito sa buhusan ng emosyon at naging puntahan ng nga taong naghahanap ng hiram na kaligayahan sa google.

    ReplyDelete
  15. Joey - salamat sa palaging pagpapahiram mo ng kaligayahan..

    Mayen - namiss ka din ng akonilandiya, hope evrything is doing fine.

    ISP101 - parehas talaga tayo. ngayon alam na din ng ibang friends ko ang blog ko..hehe..hindi ko na puwedi ikwento mga sekreto nila..haha

    leah - pag iisipan ko na din yang gumawa ng anonymous blog,pagpapractice lang ak sumulat na hindi mahahalata na ako si akoni..lels

    MOKS - Oo ako din iwas sa personal..karamihan kasi nagbabasa sa blog ay gusto lang matumawa, ung maentertain, hindi para magbasa ng mga problema..hehe

    deamo - go for the truth..toinks

    Akoni...
    thanks guys

    ReplyDelete
  16. lahat kasi ng bagay may limitasyon, kaya ako nililimitahan ko ang pagsulat ko, oo may mga bagay na gusto akong isulat pero habang sinulsulat ko, iniisip ko kung maaapreciate ba ng magbabasa ito o makakadagdag lang sa problema nila o hindi magandang ipamahagi sa madlang pipol. Kaya kahit minsan gusto kong lumungkot sa blog, iniisip ko ang aking objective, ang magpasaya ng tao na makakabasa sa blog ko...

    ReplyDelete
  17. Parehas na parehas talaga tayo mark..ganyan na ganyan din ako, B1, naiisip mo ba ang naiisip ko B1?

    ReplyDelete
  18. oo naiisip ko ang naiisip mo B2! follow mo ako sa twitter B2, markpatatas hahaha

    ReplyDelete
  19. limited yata ako sa blog ko...hmmm i really don't know... lol

    ReplyDelete