Itong mga nakaraan buwan, naging usap-usapan ang mga bagong batas na ipapatupad sa Pilimpinas. Tulad ng Reproductive Health bill, Anti smoking law at Senate Bill 2759 ito ung pagbaban ng plastic sa pinas, dito ako kinabahan.
RH BILL - ito ay ayos lang na sumang-ayon ako, ayos lang na hindi. Wala akong pakialam dito, hehehe, dahil maapprobahan man o hindi, wala naman epekto sa akin eh, kasi nasa sa akin lang 'yon kung gugustohin ko ang malaking pamilya o hindi, nasa sa atin parin un desisyon.
Anti Smoking Law - Ito naman sumasang-ayon ako na ipagbawal sa mga pampublikong lugar. Malaking tulong kasi 'to para sa mga tulad namin naninigarilyo, magiging limitado na ang pagkunsumo namin ng sigarilyo, makakatipid kami.
Pero itong pagbabawal ng "plastic" sa pilipinas? Ano? NO, hindi ako sumasang-ayon. Kapag naipatupad 'yan, baka walang matirang tao sa pilipinas, nakakatakot 'yon.
Kaya dapat huwag ipagbawal ang "plastic" sa pilipinas!!
seryosong seryoso talaga ako binabasa ito. pagdating sa Plastic tumambling ako ng patiwarik tulog pa naman na ang mga kasama ko dito sa kwarto dahil madaling araw na.
ReplyDeletepag nagkataon nga walang matitira sa Pinas kunti lang talaga.
Hahaha..punong puno ng plastic ang pinas.
ReplyDeletenaku, ilan lang matitirang hindi plastic sa pinas pagnagkataon. pero sa muntinlupa. bawal ang plastic. kaya nga bawal ako dun. joke! lol
ReplyDeletebuong akala ko'y plastic na bagay, tao pala! Lol
ReplyDeletebuong akala ko'y plastic na bagay, tao pala! Lol
ReplyDeleteayown oh! sobrang nag U-turn na naman ang utak neto...XD
ReplyDeletebrader hinay hinay na kasi sa betsin!
hahahaa tama ka jan..mauubos nga..lels...
ReplyDeletebaka mapasama din ako..lels
Akoni, ako ang iyong suggestion na mainam gawin sa mga plastik?
ReplyDeletesobrang dami palang plastic sa mundo hehehehe.... nice one akoni hehehe..
ReplyDeleteahahah, mauubos ang humans.... ahahahah
ReplyDeletehahaha, ukingina, natawa ako dito pero may tama ka, sabagay aminin ko man o hindi, madalas plastic din ako sa mga taong kaharap ko.hahaha kaya bawal ipatupad itong batas na ito..
ReplyDeleteSa senado ka umapela! Tandaan mo ang solid friends na tinuturing natin, ilan dyan kakabhan sa batas na yan, ang plastic itinuturing na solid.
ReplyDeletehaha.. akala ko for the first time kokontra ako sa opinyon mo. pero iba ka talaga.. naisip mo pa yun. hehe.. ayoko na din tuloy ipagbawal ang plastic. kawawa naman kami. haha..loko lang.
ReplyDeleteibang plastik pala ang ibig sabihin.....
ReplyDeletetama nga naman. baka maubos ang mga politiko natin. sino na ang aaproba ng bill na yan?
ReplyDeleteano ba! tama naman na ipagbwal n tlga ang plastic. tao man o bagay pra kami nlng mabubuting tao ang matira. hihi
ReplyDelete