Naging tradition na dito sa company namin na tuwing uuwi ka, bakasyon man o final exit, kailangan mong magpakain sa mga kasamahan mo, dahil 'yon lang ang araw na makakatikim sila ng karne, juk, hahaha.
At dahil malapit na ang bakasyon ko, syempre hindi ako ligtas sa mga bunganga nila, kailangan ko magpakain. Sa totoo lang, natutuwa ako sa ganitong gawain nila/namin, nagkakaroon kasi ng kunting kasiyahan tuwing may magbabakasyon, nagkakatuwaan, nagpipikonan, at kung anu-ano pa, naiisip ko at least aalis kang nakapagbigay ng kunting kasiyahan sa mga kasama mo.
Isiipin mo lang kung gaano matutuwa sa'yo ang DIYOS dahil sa mga nabusog mo at napatawa mo sa araw na 'yon, masarap sa feeling, diba? I am sure double o triple ang balik sayo nun.
Anyway, nung last tuesday. Dahil parin sa malapit ang bakasyon ko, nagyaya ulet si Mamang Ricky na ilibre ako kumain sa labas. Siya ang nanay-nanayan ko dito, isa siyang girlalo, nakuwento ko na siya sa isang blog ko, kung hindi mo pa nabasa, fingerin mo dito.
Inimbetahan niya ako kasama si Jepoy ( Isa sa mga close sa kanya, ahem, alam na, hahaha, juk Popoy and mamang basya). Tinanong niya ako kung saan ko gusto, ganun talaga si mamang napakabuti niyang kaibigan, hehehe, sipsip pa ng kunti para man libre ulit, haha.
Syempre nahiya ako ng kunti kasi siya na daw ang magbabayad, nakakahiya un, kaya ang pinili ko ay ang isa sa mahal at social na restaurant ng Saudi Arabia, hahaha. Bihira lang kasi malagyan ng pang mayaman na pagkain ang sikmura ko eh, kaya pinili ko ang......Chili's! at dahil din sa mahilig ako sa karne, karne ng baka kasi ang specialty nila dyan e....
Feel na feel ang pagdila |
Sa wakas nalagyan din ang sikmura ko ng pag kain pang mayaman, natakot pa nga ako eh, akala ko hindi tatanggapin ng tiyan ko 'yan. Masarap siya, lasang grilled na baka, un lang, wala naman kakaiba, hehehe.
Si basya at si JEPopoy |
Kaya after ko maubos ang inorder ko at makikain sa mga orders nila, naging isa na akong certified matabang bansot.
masarap ba yan akoni.kasi lagi akong dumadaan diyan sa restaurant na yan.Pero nanghihinayang ako sa babayaran ko baka ginto.eh marami namang iba diyan na torotoro lang.Minsan nga ma try para maexperience din ang malagyan ng pangmayaman na food ang aking sikmura tangapin kaya?
ReplyDeletewowwowowo.
ReplyDeletedapat pag dating din sa pinas magpapakain ka din. joke lang.
wakaahaa.
Sa kabutihan palad Diamond, tinanggap naman ng sikmura ko, masarap pala ang pagkain mayaman, kaso sabi mo nga, ginto ang presyo..LOL..pang isang buwan food allowance ko na ung kinakin..haha
ReplyDeleteKhanto - Oo magpapakain ako, pero wag naman sayo...hehe
akala ko si UAE ka, saudi pala...
ReplyDeletesosyal,gaano ga kasarap?hehehe
ReplyDeleteayos uuwi ka na pala....
pasalubong...lol
Dong akoni, bagay sayo yong new haircut u..oiii! uwi u na pala? pasalubong! pasalubong!..hehhee
ReplyDelete-Ta-me-
at dahil malapit ka ng umuwi, bon voyage! sana makapagone night stand tayo. lol
ReplyDeletehahaha masarap nga ang steak jan!
ReplyDeleteawww ang sarap naman nyan. nagutom ako. masaya talaga kung alam mong may napapasaya kang mga tao sa paligid mo. ingat sa pag uwi mo ah? sana makasalubong kita sa lansangan. :)
ReplyDeletedi ko alam kung pareho rin ang menu sa chili's sa manila pero masarap ata ang buffalo wings diyan.
ReplyDeletePag bumalik ka naman ba ulit dyan galing bakasyon sa Pinas, magpapakain ka rin? lalo na sa aming mga blogger?
ReplyDeleteLOL. Ako makunat ako sa pera, kuripot. Baka kung ano lang ipakain ko, kung malaki ang sahod ko tulad ng sayo, amlamang magChili's din kami.
nahiya ka pa sa lagay na yan? hahaha. ikaw na ang nagchillis.
ReplyDeletechong pasalubong... heheh joke lang... ngat sa pag-uwi dito... hehehe
ReplyDeleteenjoy your vacation. try mo rin yung chili's dito. :D
ReplyDeleteAHA!!! bakit hindi mo kami sinama ah! hay tagal kong nawala, nakakamiss. Alam ko may utang pa ako sayong mga pictures, pero wag mo muna akong singilin, napadaan lang saglit dahil miss ko na kayo.
ReplyDeleteThanks sa mga lines na to dahil ngayong araw napasaya mo ako:
kung hindi mo pa nabasa, fingerin mo dito.
Kaya after ko maubos ang inorder ko at makikain sa mga orders nila, naging isa na akong certified matabang bansot.
Ingat sa pag-uwi sa Philippines.
kuya maron din daw tradition na dapat magpapakaen sa mga blogger.. okay pag punta dito? hahahaha text mo ko please pag uwi mo kuya!
ReplyDeleteokey sana kung may inuman pagkatapos diyan,hehe..
ReplyDeletenaku masarap talaga ang pagkain sa chilis... the best..
ReplyDelete