nuffnang

Sunday, July 3, 2011

Back to the past/future

 
From future

BACK TO THE PAST
Naalala niyo pa ba ung sinulat ko tungkol sa time machine? Ung kagustohan natin na makabalik sa nakaraan? Kung hindi pa, sundotin mo dito bebeh ko.
Akala ko kathang isip lang ang makabalik sa nakaraan, kathang isip lang ang mabalikan mo ang sarili mong nakaraan,  hindi pala, nangyayari na pala ito sa totoong buhay ng slight, sa amin mga OFW, oo pabalik-balik pala kami sa past at future.
Tuwing aalis kami ng pilipinas, parang naiiwan namin ang aming sarili sa airport, nappause muna sa aming utak ang mga alaalala, para kaming magta-travel papunta sa future.
Pagdating dito, inaalala namin lahat ng mga masasaya pati masasama/pagkakamila nagawa/nangyari sa amin sa pinas, parang nakaraan na masarap/mapait namin binabalik-balikan sa amin isip.
Dito namin lahat marerealized kung anu kami sa pilipinas nung nandon pa kami, dito namin marerealized na marami pala kaming dapat ipagbago, na kaya pala namin magbago, marami pala kami dapat gawin resposibilidad, marami pala nagmamahal sa amin, may pag-asa pala kami, may dapat ihingi ng tawad, may dapat patawarin, at kung anu-ano pa at si atbp, pati si etc. Ganyan kami o ako, parang nakaraan sa akin ang buhay ko sa pilipinas, which is talagang nakaraan un, LOL. Pero yon talaga ang feeling ko, nandito ako ngayon sa future.
Sa maniwala ka sa maniwala ka, nandito ako ngayon sa FUTURE. Ang pinas ang nakaraan ko o ang kasalukuyan ko na iniwan ko muna pasamantala. Ganito kasi yowwn, kaya ko nasasabi na nandito ako ngayon sa future ay dahil parang namumuhay ako sa future, paulit-ulit? Halos lahat kasi ng makikita mo dito ay wala pa sa pinas, parang future pa sa pinas, lalo na pagdating sa technologies, mga sasakyan, pagkain, tapos yong mga mura na dito sa pinas ang mahal pa, basta madami, advance dito ng kunti.
Kaya oo, nasa future ako ngayon, ang astig ko noh?
Nandito kasi ang future namin, ang future ko. Nandito ang future ng pamilya namin, nandito ang future ng mga mahal namin sa buhay, at si kung sinu-sino pa. Nandito ako para sa ikakaayos ng mga naiwan ko sa pilipinas, para sa ikakabuti ng kasalukoyan nila, ng pamilya ko at syempre ng sa akin.
Sa tuwing babalik (bakasyon) kami ng pinas, sakay ang time machine (airplane), ang saya-saya namin, iikot muli ang mga alaala sa amin utak, ang mga gagawin, at ang mga hindi na gagawin. May mga pangyayaring aayosin na namin sa amin pagbabalik o pagbisita, tataposin ang mga hindi natapos nun, dudugtongan ang mga nabitin na pangyayari nun, at aayosin na ang sarili.
Kapag nasa pinas na, at ayos naman ang kasalukoyan buhay, magdadalawang isip na kung babalik parin pa sa future o mananatili na sa nakaraan/kasalukoyan.
Masaya ako ngayon, dahil magtatravel na ako sa akin nakaraan/kasalukoyan. Sana maging maayos ang lahat, para hindi ko na kailangan “BACK TO THE FUTURE”.

21 comments:

  1. mahirap na masaya dito mama..hehe..pero kadalasan lungkot at pagkabahala.

    ReplyDelete
  2. dream ko rin mkapunta sa future. kahit two years lng! hahaha! :)))

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. gusto ko nang makapunta sa future kasama kaptid ko at family niya para makasama ko na ang nanay ko... e di masaya na ang present! :)

    gusto ko tong post mo..seryoso :)

    ReplyDelete
  6. Madz - thank you..naluluha me tuloy dahil nagustohan mo...

    Comment deleted - ha? di ko naman ginagalaw ah...

    Comment deleted - gaya-gaya ka ng name at comment.

    Apple - kung kaya mo iwanan ang kasalukoyan mo, go!

    ReplyDelete
  7. Wala daw kasing nakakapantay sa sarili mong tahanan kaya kahit nasa future ka na, babalik ka pa rin.

    Sa pagiging advance diyan, siguro nga kailangan pa ng Pilipinas na magdoble kayod para makasabay naman tayo sa ibang aspeto na meron sa ibang bansa.

    ReplyDelete
  8. Naks seryoso...natouch naman ako..ako kaya kelan kaya makakabalik sa past ko at nangmakita ko din yung gustong gusto kong makita na future ko..digs mo? Haaay basta yun na yun..

    Nalunkot na naman ako..

    ReplyDelete
  9. Ayan.. masubukan ko muna kayang magcooment ng Anonymous... ehehheh...

    Oo tama ka dyan pare... parang naiiwan ang utak natin sa nakaraan.. ganun din ang nangyari sa kain.. ng umalis ako.. at lahat ng alala ko ay nag stop na duon.. sarap balikan... sarap balikan at muling damhin ang lahat ng sakit at iyakan.. hayst... buti na lang di ako nasiraan ng bait.. ehehehhe

    - Musingan

    ReplyDelete
  10. Seryosong post? I like..

    Kaya tinatawag na bagong bayani ang ating mga OFW.. dahil kahit na mahirap, ginagawa ang lahat ng makakaya para lang makitang guminhawa ang mga minamahal sa buhay.. :D

    Wala ata akong ma-icomment. seryoso kasi. hihi.. hmm..

    Nasa future ka? Wow.. sana pagbalik mo dito sa Pinas, meron kang dalang bagay galing sa future.. hehe.. pasalubong ko ha, AKoni.. LOL

    ReplyDelete
  11. ang maganda sa nakakarating sa future natutoto kang pahalagahan ang nakaraan. May maeenjoy mo kung ano ang meron ka talaga dahil pag nasa future ko hahanap hanapin mo ang mga nakaraan na. mas masarap ang pagbabalik.

    ReplyDelete
  12. diamond - tumpak pre..

    leah - hmmmm ung coke glass sana sa mcdo kaso nandyan na..hehe 2008 pa ata nung mauso yun dito..hehe see ngayon lang nauso dyan sa mcdo pinas..hehe

    musingan - sakto pare..

    iya - digs na digs..hehe

    Jkulisap - salamat idol JK..hehe tama ka din sa sinabi mo...baka sa 2050 ayos na tayo dyan sa pinas..hehe

    ReplyDelete
  13. good luck sa pagtravel mo sa nakaraan..

    ReplyDelete
  14. naligaw ata ako.... seryoso?... emo-emohan putcha... heheh... ikain mo lng yan... ^^

    ReplyDelete
  15. mukang isang post ito sa pagbabalik sa nakaraan.

    maybe it's complicated to go back and forth from your past to your future.

    basta magulo. hahaha. ako pag-iisipan ko ng 1000 times kung gusto ko magtravel sa future.

    ReplyDelete
  16. seryosong post. nice! ako naman, back to the past ang drama,gusto'ng ituwid ang mga pagkakamali. back to the future? siguro maging permanenteng residente ng canada.

    ReplyDelete
  17. ang ganda naman ng mensahe nito. saludo talaga ako sa mga OFW. tama lang na tawagin kayong mga bagong bayani. kaso lang ikaw mukang luma... haha.. loko lang! peace! :)

    ReplyDelete
  18. may gusto akong balikan sa past life ko..

    ReplyDelete
  19. yung mga kwentong ganito ang nagpabago ng isip ko kung bakit hindi nako tumuloy mangibang bansa. Nakakalungkot kasi, okay lang sana kung binata pa ako at walang maiiwan sa Pinas bukod sa magulang at mga kapatid.

    ReplyDelete
  20. MOKS - kung ayos naman buhay mo dyan, nakakain kayo ng limang beses sa isang araw at may nase-save pang pera, aynaku dyan kana.

    empi - kaso hindi pwedi..hehe

    Mayen - ur bad...hahahha..sige ayos lang mukhang luma kaysa mukhang pinaglumaan..hehe

    BINO - mangyayari din yan, abrakadabraaaaaaaa....sppoffff!!!!! bino nandyna kapa?

    Khanto- nandyan kayo sa past ko...:)) kung ikabubuti naman ng pamilya mo, bakit mo pa pag iisipan?

    Leorap - LOLOLOL ito ngayon bagong series ko, everyweek magpopost ng emohan post.

    Arvin - thanks man.

    akoni

    ReplyDelete
  21. kahapon lang, isinasama na ako ng aking ama sa future na tinutukoy mo, mas malaki daw ang pera eh, at bumili pa siya ng bagong maleta, alam daw niya kasi sa dadating na panahon, lahat daw kami ay nasa future na. Sabi ko "ayaw ko pa, masaya pa ako sa kinalalagyan ko, at kayo din ang nagsabi kamakailan lang na gawin ko mga gusto ko" may maiiwan kasi ako pag umalis ako eh,kahit mahaba na din ang pinagsamahan feeling ko gusto ko pa siyang kilalanin pa.

    ReplyDelete