Matinding parusa sa puwet ang nangyayari sa amin tuwing magbabakasyon, matinding biyahe na nararanasan namin, kung saan-saan titigil at kung anu-anong amoy pa ang maamoy (sa mga bus).
Isa lamang akong hamak na contractor dito sa Company na pinagsisilbihan ko, ang employer ko ay nasa Al-khobar, isang agency na nagsusupply ng mga secretaries at labor workers sa mga malalaking Company dito sa Saudi Arabia. So, ganito yowwnn.
Dito ako naka-base sa Riyadh, kapag gusto na namin magbakasyon kailangan namin magbiyahe papuntang Al-khobar. Dun na mag-sisimula ang matinding pasakit sa puwet dahil sa dami ng biyaheng gagawin.
RIYADH |
Riyadh - Mula dito sa tahanan namin, bibiyahe ako ng halos isang oras papunta sa terminal ng bus.
Pagkasakay ng bus, bibiyahe ng 5-6 hours papunta naman sa Dammam.
DAMMAM |
Pagkatapos ng halos 6 na pagtitiis sa amoy sa loob ng bus, at pakiramdam ko ay pumaloob na ang puwet ko, hihintayin ang services company namin para naman dalhin kami sa Al-khobar.
AL-KHOBAR |
Halo isang oras na naman pagpaparusa sa puwet to. Magstay muna kami dito ng isang araw habang hinihintay na matapos ang mga papeless namin.
Kapag tapos na ang lahat, kinabukasan ihahatid na naman kami sa isang bus station, another one hour parusa puwet.
Sasakay kami papuntang bahrain.
BAHRAIN |
6-7 oras na naman parusa puwet ito at kung anu-anong amoy. Dito kami sasakyan ng airplane papuntang manila? wrong, papunta hongkong.
HONG KONG AIRPORT |
Maghihintay na naman dito para sa finally, flight na namin papunta PILIPINAS.
PILIPINAS |
Sa lahat ng nilagay kong pictures dito, ito ang pinakamaganda sa akin, at wala nang tatalo pa. Mahal kong pilipinas, nandyan na ako, maghugas kana ng puwet!
lahat galing kay google ang litrato.
Ang haba ng byahe hahaha. Pinakamasarap na pakiramdam kapag nasa Hongkong Airport ka. Sa sobrang inip mo parang gusto mo na lakarin papuntang Pilipinas.
ReplyDeleteHinihintay ka na ng Imamg Bayan dakilang Akoni. Kailangan ba namin mag sunog ng Politiko para ilawan ang iyong daraanan? hahaha
Ayon sa hinaba haba man daw ng inupo mo tatayo rin.
ReplyDeletePakiapak na lang ako sa semento ng manila. Wag mong kalilimutan.
magkakapigsa ka nyan for sure hahaha.
ReplyDeletehinihintay ka na ng pinas!
welcome back!
Hehe.. Sakit nga sa pwet yung byahe mo. Pero kapag pwet mo, eh kapareho ng pwet sa background mo, okay lang.. keri yan. hehehe..
ReplyDeleteUuwi na siya.. eeee!
nkakangalay sa pwet ang byahe.
ReplyDeleteingat sa trip at happy reunion with ur fam
tama si leah keri lang yan kung katulad mo yung pwet sa background! hahaha! ingat ka sa pagbyahe mo.....sunod ako sayo! lels! ;p
ReplyDeletenakakarelate ako.. galing din me sa dammam at yes tama ka.. jan din ang ruta ko dati sa khobar at bahrain...
ReplyDeletesakit nga sa pwet.. peron nun una iba ang iniisip ng kukote kong malikot kumislot...
pasalubong Akoni.. hehe!
kaya naman kahit gaano kasakit sa puwet, titiisin para makarating ng pilipinas :)
ReplyDeletekaya naman pala puwet ang title...dapat dusa!! hehehe
ReplyDeleteang layo pala at ang daming chuvaness para lang maka uwi...see you soon brader(hopefully)..weeeee!! XD
di naman halatang excited ka umuwe ng pinas. lol.
ReplyDeleteayus lang mahaba ang byahe at masakit sa pwet. makita mo lang ang pamilya mo e solb solb na.
ako ang napagod and i feel exhausted sa byahe mo.hindi ko kakayanin yan, malamang hindi lang pwet ko ang sasakit kundi pati ang ULO ko....sa taas.. wala bang shortcut?
ReplyDeleteako ang napapagod sa jhaba ng biyahe mo...pang Amazing Race ang biyahe mo tol.
ReplyDeletetiyak nakahanda na ang mga inumin para sa pagbabalik mo..hehe..
ReplyDeletelolo ok lang yan...sa hinaba haba ng byahe kung pamilya mo naman ang dadatnan mo, worth it na worth it yan :) ingats sa byahe!
ReplyDeletenakaka miss naman ang mga jeep sa Pinas nakauwi ka na ba?
ReplyDeleteallah de ma soudi arab ta bozi che hajj hum wakam .....awo ..
ReplyDelete